CHAPTER 33

10 4 0
                                    

CHAPTER 33: DOS COUNTER ATTACK

***

Epione Point of View

Dahan dahan kong tinatahak ang daan pababa ng rooftop at habang pababa ako ay hindi ko mapigilan ang galit at sakit na nararamdaman ko.

Sino bang hindi masasaktan at magagalit kung lima sa pamilya mo ang bumungad sayo nang walang buhay?

Ang lakas ng loob nilang sumugod dahil lang sa alam nila na wala kami? Mga duwag  at tanga. Ang bobo lang talaga ni Poison tingin niya maagaw niya ang rank namin sa ganitong paraan? Kailangan sa arena nagaganap ang laban kung gusto mo makuha ang rank nang napili mo.

Mga wala talagang utak. Lumakas ata ang loob niya dahil lang sa natamaan ako ng bala ng kasamahan niya.

Lahat ng makikita kong hindi parte ng Akeron pinapatumba ko. May mga nag mamakaawa pero bakit ako maaawa kung hindi sila naawa sa mga members namin.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" saad ko sa lalaking tinatapakan ko at pinagtatadyakan.

"T-tama na po, maawa po ka-kayo sakin." saad nito.

"Bakit?! Naawa din ba kayo sa mga kasamahan ko? May mga pamilya yan! Bobo!" sabay putok ng baril sa may tiyan niya.

"Aalis na ko ha, good luck kung mabuhay ka pa. Swerte mo kung makakaalis ka dito kahit ganyan ang kalagayan mo but I doubt mukhang dito na ang mag sisilbing libingan mo." sabay tapik ng dalawang beses sa pisngi niya.

Hindi ko na mabilang kung ilang tao na ang napatumba ko. Nakakaramdam na din ako ng pagod, tao pa din naman ako at dalawang araw din akong nakipag laban.

Hindi man lang ako nakakain bago pumunta dito. Peste talaga!

"Ano? Asan ang mga amo niyo ha? Sabihin mo na lang kasi para hindi ka na mahirapan pa." sabay suntok niya sa isang member namin.

"Wag niyo nang hilingin na makaharap muli ang ESU, yun na yung suntok mo? Pre! Lakasan mo naman mas malakas pa suntok ni Dos sayo. Bakla ka ba?" saad ng member namin, I feel so proud.

Mukhang pati mga ugali namin na adapt na nila.

Nakuha pa mangasar e halos di na nga makilala mukha niya sa sobrang bugbog na.

"Hanap niyo ko?" bored kong tanong sa tatlong pangit na to.

Tignan niyo tong mga to, hinahanap ako kanina pero ngayong nandito na ko parang nakakita ng multo at kumaripas ng takbo.

Nilingon ko ang member namin na ngayon ay nakikita kong pinipilit tumayo para ipag patuloy ang laban.

"Hindi ba sabi ko sa inyo noon kung gusto niyo mabugbog lumapit kayo sakin at wag mag pabugbog sa iba. Tsk. Mag pahinga ka na lang diyan. Utos yan kaya sundin mo. Oh!" sabay hagis ng isang baril na pinulot ko kanina.

Hindi na pinakinggan kung ano pa ang sasabihin niya malamang mag papasalamat lang naman din yun nag patuloy lang ako sa pag habol sa mga gumawa nito sa kanya. Mata lang talaga ang walang latay pag naabutan ko sila.

Hindi naka takas sa mga mata ko ang mga nadaanan kong mga Venom Members.

Asan na ba yung mga kapatid ko ang tagal naman nila. Putek! Napapagod na ko.

Masyado silang madami. Luging lugi talaga kami sa bilang. Ngayon lang kami sinugod ng ganto, walang nag lalakas ng loob dahil alam nila na hindi na sila makakalabas ng buhay pero hindi namin inaasahan to.

Yan ang sinasabi ko kay Kuya Zeph dapat inuna naming balikan yang venom sa halip na sumunod sa schedule ng training. Naunahan pa tuloy.

Tatakbo na sana ako papuntang Tree house para kunin ang Sniper Rifle ko ng makarinig ako ng impit na ungol.

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon