CHAPTER 38

10 3 0
                                    

CHAPTER 38: NEW MISSION

***

Epione Point of View

"Hawk, kelan mo ba balak pakasalan ang aming prinsesa," saad ni Daddy.

Napasamid naman si Liam sa sinabi nito.

At kami naman ni Hawk?

Walang reaction syempre natural na samin na lagi kaming tinatanong ni Daddy niyan. Paulit-ulit na nga din kami sa sagot namin e.

"Alam niyong wala yan sa isip ko Dad," sagot ko sa kanya.

"King, kung pwede lang na pakasalan siya ngayon ginawa ko na pero hindi pa tapos ang laban natin," segundo naman ni Hawk.

Kahit kelan talaga napaka supportive ni Hawk. Lahat ginagawa niya para sakin. Lahat sinusunod niya. Ang dami na niyang sinugal para sakin kahit na sinabihan na na namin siya na hindi niya kelangan gawin ito.

Ayoko ng gantong pakiramdam yung tipong sinusugal nila ang buhay nila para sakin. Alam ko naman sa sarili ko na gusto ko si Hawk pero alam ko din sa sarili ko na importante sakin si Liam. Hindi ako sigurado kung sino ba talaga ang mahal ko o baka naman nakalimutan ko na din kung paano mag mahal simula nang mawala si Mommy.

Baka kasi pag pumasok ako sa panibagong relasyon hindi ko din maibigay ang 100% ko dahil sa pag hihiganti ko.

At hindi deserve ng kahit na sino ang ganun. Sapat na sakin yung ganto na alam ko na hindi ako nag-iisa.

"Wala ka pa bang balak huminto sa ginagawa mo Hawk? Hindi mo kelangan gawin to," saad ni Daddy.

"Yan na nga din ang sinasabi ko sa kanya e. Ang tagal na namin siyang pinipilit na itigil na yang ginagawa niya pero ang tigas ng ulo,"

Halata namang nag tataka si Nate at Liam sa pinaguusapan namin.

"King alam niyong malaki ang naitutulong satin ng ginagawa ko. Isa din sa pinunta ko ngayon ay para iabot ito sayo Uno." Inabot nito kay Kuya Zeph ang isang pulang envelop.

Binuksan naman agad ito ni Kuya Zeph at halata ang gulat at tuwa sa mukha niya. Agad niyang binalik sa loob ang papers at inabot ito kay Dad.

Kagaya ni kuya ang naging reaction ni Dad.

"Dos, gusto mo mag travel?" saad ni Kuya Zeph.

Travel ay isang secret code para sa  mission.

"Wait! Travel? Location?" saad naman ni Cadmus.

Location ay isang code para itanong kung tungkol saan o kanino ang mission.

"Spain," sagot naman ni kuya.

Spain code para kay Solanno.

"Edi kakain na naman kayo ng  STEAK, anong doneness ang pinakagusto niyo sa steak?" tanong ni Cadmus.

Steak ay isang code para itanong kung gaano kahirap ang mission na gagawin namin. Rare ang pinakamahirap at well done naman kung madali lang.

Bakit kasi dito pa namin pinaguusapan ito yan tuloy kelangan pa gumamit ng mga codes na yan.

"Siguro medium," sagot naman ni Kuya Zeph ibig sabihin 50-50 siya.

Sabagay kahit anong tungkol kay Solanno 50-50 kami lagi. Kelangan maging maingat kami palagi.

"Sama ko," saad naman ni Cadmus.

"Nope, kailangan ka dito. Paano ang ibang transaction at training ng mga members kung aalis tayong tatlo?" saad ni kuya.

"Sige na kasi Kuya! Sama na kasi ako," pangungulit pa ni Cadmus.

Tumingin naman sakin si Kuya para humingi ng tulong.

"Ano ang mahirap intindihin sa maiiwan ka dito? Dito ka lang. Tapos ang usapan," diniinan ko pa ang huli kong sinabi para mag tigil na siya.

Hindi naman na ito sumagot at bumalik na lang sa pagkain niya pero halata sa mukha niya ang inis sa naging desisyon namin ni Kuya Zeph.

"Saka na natin ito pag-usapan pag katapos nating kumain. Hawk, maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa pamilya namin." saad ni Daddy.

"Wala po yun, hindi na din po ako mag tatagal pag katapos po nating kumain ay kelangan ko na po ulit bumalik sa Madrid," sagot naman ni Hawk.

"Megumi, pwede ba tayo mag-usap pag katapos nating kumain?" Baling niya sakin sabay tanong.

"Bakit mo pa kailangan tanungin? Alam mo naman na hindi kita papaalisin ng hindi pa tayo nag-uusap," sagot ko naman sa kanya.

Matapos naming kumain at mag-usap ni Hawk ay dumiretso kami sa kanya-kanya naming kwarto. Akala ko nga makakapahinga na ko pero heto sila Nate dito pa piniling tumambay.

Kung tatanungin niyo kung ano ang pinag-usapan namin ni Hawk, malalaman niyo din yun sa takdang panahon.

"Isasama niyo ba ko sa Travel?" tanong ni Nate.

Alam ni Nate ang tungkol sa codes wala naman kasi kaming tinatago diyan except na lang sa katauhan ni Hawk.

I can't risk anything about Hawk's identity, don't get me wrong alam kong loyal si Nate pero ang pangit lang sa kanya sobrang daldal niya lalo na sa mga malalapit sa kanya. Hindi niya mapipigilan ang pagiging chismoso niya baka mamaya ma reveal pa niya kung sino si Hawk.

"Hindi ko pa alam. Mamaya pa natin malalaman yan pero kung ako lang ayoko na kasama ka," sagot ko naman sa kanya.

"At bakit naman?! Hoy baka nakakalimutan mo na kanang kamay ko ganun ako kagaling no. Ako lang ang may kaya na makipagsabayan sayo lalo na sa ugali mo na yan," hirit naman niya.

Hindi ko na lang siya sinagot dahil sigurado ako na hahaba na naman ang usapan namin.

Bigla namang pumasok si Cadmus at Kuya Zeph sa kwarto ko kaya tinignan ko lang sila ng masama. Hindi man lang marunong kumatok.

"Little Sis! Ano nga ulit request mo sakin nung nag pustahan tayo?" Ngiting ngiting tanong ni Kuya Zeph.

O.M.G. Binili na niya? Maiiyak na ata ako. Naawa siguro siya sakin since namatay si Supremo.

"White Tiger," sagot ko agad.

"Pikit ka dali," at syempre sunod naman ako kaagad.

Naku! kailangan maka-pag pagawa ako ng isang malaking cage. Saang property ko kaya siya papatirahin. Waah kitty ang ipapangalan ko sa kanya para sweet lang.

"Okay! mulat ka na,"

At pagkakita ko sa bigay niya agad ko siyang sinapak sa mukha.

"Aray! Bakit hindi ka ba natuwa?" tanong niya habang hinihimas ang pisngi niya.

"Buhay na white tiger! Hindi stuffed toy!" Hinampas ko siya ng unan ng paulit-ulit.

Nag tatawanan naman sila Cadmus habang pinapanuod kami.

"Ate hindi mo naman nilinaw e. Atleast may mayayakap ka lalo na ngayon wala na si Supremo siguradong mas mahihirapan ka sa pag tulog," saad naman ni Cadmus

Bigla naman ako nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya. Si Supremo ang sumagip sakin noong panahon na nakalimutan ko ng ngumiti at tumawa. Hindi ako nakakatulog ng wala siya.

Wala na palang bubungad sakin ng kisses every morning.

"Baka umiyak ka pa diyan, gusto mo ba bilhan kita ng pusa o kaya aso? Hamster? Iguana? Turtle?" tanong naman ni Kuya Zeph kaya ayun binato ko na lang ulit siya sabay tayo.

"Kuya Zeph, may kailangan pa tayong pag usapan ni Dad. Lets go," saad ko bago lumabas ng kwarto.

Baka itong mission na ito ang maging daan para mapadali ang pag tapos kay Solanno.

I can't wait to see you suffer Solanno.


***

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon