CHAPTER 31

14 6 0
                                    

CHAPTER 31: AMBUSH AT A.H.Q

***

Liam Point of View

"Everyone, Sumakay na kayo sa mga yate. HQ is underattack!" usal ni Cadmus gamit ang megaphone.

Mabilis kumilos ang lahat at nakita ko kung gaano din kabilis bumaba sina Nate.

Agad lumapit sakin sila Zeph halatang galit at may bahid ng pag-aalala.

"Clyde sumama ka samin. Si Dos sumugod mag-isa. Papunta na 'yung helicopter mas mabilis tayong makakarating pag doon tayo sumakay," ani ni Zeph.

Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa sinabi ni Zeph. Hindi na ako nagulat pa dahil noong narinig ko na may sumugod sa head quarters ay pumasok na agad sa isip ko ang dahilan ng pag-alis ni Epione.

Siguro dahil na din sa nangyari kahapon kaya ganto ako ngayon. Maybe, I just accept the fact na ibang-iba na siya ngayon.

"Bro, okay ka lang?" tanong naman ni Cadmus.

Malayo talaga ugali nila sa isat-isa.

Si Cadmus ang pinakakalmado sa kanilang lahat. Siya din ang pinakatahimik pero kapag nasa labanan na parang nag-iibang tao na siya gaya ng mga kapatid niya. Malayo sa dating Cadmus na laging binubully at laging nagsusumbong sa mga kapatid niya.

Si Zeph naman ang pinaka mapangasar pero kapag nagseryoso tatahimik ang lahat. Gusto niya naaayon lahat sa plano niya ang mga mangyayari. Hindi gaya dati na tahimik lang ito at focus sa paggawa ng plate para maging isang architect.

At si Epione? Wala siyang sinusunod na rules dahil siya ang gumagawa ng rules para sa lahat. May mga plano siya na tanging siya lang ang may alam. Laging pasugod sa laban, ang daming sikreto at sinosolo ang lahat.

"Tara na, nandiyan na yung helicopter," sambit ni Nate.

"Sabihin mo maghagis na lang sila ng rope ladder baka lalo lang tayo mag tagal kung maglanding pa 'iyan dito," sambit naman ni Zeph

Aish! Masyado silang adventurous nakalimutan ata nila na kasama nila ko. First time ko itong mararanasan sa action movies ko lang kasi ito napapanuod e.

Bahala na nga atleast kung malaglag sa tubig naman.

"Ah bago tayo umakyat, ex-bayaw wag mo babanggitin na pinagawa namin ito sayo baka kasi mapatay ako ng kapatid ko," saad naman ni Zeph sabay tapik sa braso ko at itinulak ako sa may lubid.

Wag niyang sabihin na ako pa ang mauunang umakyat?

"Sige na ex-bayaw umakyat ka na bilisan mo lang ha at baka kung ano na gawin ng magaling kong kapatid. Kumapit ka din ng maayos ha para hindi ka malaglag,"

No choice kung hindi umakyat na nga "D1 at H1 kayo na ang bahala sa ibang members," rinig ko pang sambit ni Cadmus bago ako tuluyang magdahandahan sa pag-akyat.

Pakshet para na din akong pinatawid sa lubid ng mga to para pa kong tatangayin dahil sa lakas ng hangin.

Malapit na ko makaakyat sa pinto ng mas lalong umuga ang lubid at paglingon ko umaakyat na din si Nate kahit hindi pa ako nakakasampa sa loob ng helicopter.

Patay talaga 'to sakin mamaya.

Pagkaakyat ni Cadmus ay bigla naman niyang sinabihan ang piloto na paandarin na ang helicopter kahit na nasa kalagitnaan pa ng pag-akyat si Zeph.

"Teka lang Tres baka mahulog si Uno. Hintayin na lang muna natin," sambit ko dito pero umiling lang ito at sinabing "Utos ni Uno,"

Bakit pa ba ko nag-aalala sa mga ito? Kung parang immortal naman silang umasta.

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon