CHAPTER 15: FEAR VS. TRUST
***
Liam Point of View
Andito na kami sa position ng biglang tumawag si Zeph kay Cadmus at sinabi na si Solanno ang nasa likod ng auction na ito, pati na din ang plano ng Hell Mafia na pasabugin ang buong venue.
At kanina pa din ako nakikipagtalo kay Cadmus dahil heto siya nakaupo lang sa sanga ng puno at naka tingin sa venue. Pa chill chill lang.
"Hoy! Tres! Narinig mo ba yung sinabi ni Uno kanina? Papasabugin daw yung venue," kanina pa ako paulit ulit dito at pasigaw sigaw pero parang wala naman siyang naririnig.
Nakakainis na kaya. Kung wala siyang gagawin ako na lang mag-isa. Maglalakad na sana ako papunta sa venue ng magsalita siya.
"Oi! Saan ang punta mo?" tanong nito na parang nakita lang niya ko sa mall na naglalakad. Sobrang kalma naman nitong batang ito. Hindi ko alam kung maganda ba na ganyan siya o ano.
"To the moon. Malamang doon sa loob ng venue!!" sigaw ko naman dito.
Bigla naman ito tumalon at bumaba sa sanga. Kinabahan pa ako kasi hindi naman mababa yung tinalunan niya.
"Ano gagawin mo pag nandon ka na? Tingin mo sasama sila Dos sayo? Ano ba kinakatakot mo diyan?" sunod sunod naman niyang tanong.
Hindi pa ko nakakasagot ng biglang iniabot ulit sa kanya ang earpiece niya. Ibig sabihin may tawag galing sa loob.
"The mouse appeared," iyan ang sabi ni Tres pag tanggal niya ng earpiece.
Ito ang code na gagamitin pag nakita nila si Solanno sa loob ng venue. Hindi gaya kanina na kalmado si Cadmus bakas na ang galit sa mukha niya at parang nahihirapan siyang huminga. Nakakuyom na din ang mga palad niya.
Kung kanina kayangkaya ko siyang sigawan ngayon pati sa kanya natatakot na ako.
Kita ko naman na sinusubukan niyang ibalik ang pag ka-cool niya may pa inhale exhale pa nga siyang ginagawa. Nakapikit din siya at inaayos ang paghinga niya.
"Tres, okay ka lang?" tanong ko sa kanya at tumango naman ito.
Pinalapit din niya ang ilang kasamahan namin after ng pag-uusap ulit nila ni Uno. Siguro sinabi ni Uno na hindi muna itutuloy ang plano.
Okay na din yun kaysa malagay sa panganib sila Dos.
"On-going na ang 1st part ng plano natin. Be ready in case they need back-up. At mag handa na din ang team B para sa Akeron Exit," pag papaliwanag nito sa lahat.
"Wait. Wait.Teka lang, Tres tama ba ang narinig ko? Itutuloy niyo ang plano?! Anong trip niyo? Ipapahamak niyo ba si Dos sa loob?" kung kanina ay naiinis lang ako, ngayon naman ay nakakaramdam na ako ng galit.
Naiintindihan ko naman na gusto nilang makaganti pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila makuha ipostpone man lang! Kailangan ba may mag sacrifice ulit ng buhay makaganti lang sila sa Solanno na yan?
"It's her decision at kapag siya ang nag decide final na yun kahit na ano pa ang sabihin ni Uno gagawin ni Dos ang gusto niya kahit mag-isa lang siya," sagot naman ni Cadmus.
Parang naguluhan naman ako. Hindi ba si Uno ang masusunod?
"Ha? Anong ibig mong sabihin na si Dos ang nag decide? Hindi ba si Uno ang dapat nating pakinggan? Kung sinabi na ni Uno na mag-exit na hindi ba dapat gawin yun ni Dos?" nag papanic na talaga ako kasi hindi din nila ma-locate kung asan yung bomba na sinasabi ni Zeph kanina.
Shit talaga! Pag may nangyari kay Epione hindi ko na alam ang magagawa ko sa Solanno na yan.
"Ano gusto mong gawin namin? Hindi pumayag kahit alam namin na gagawin pa rin ni Dos ang gusto niya? Matigas ang ulo ni Dos lagi siyang hindi sumusunod sa mga plano lalo pa na kaharap niya ngayon sa loob si Solanno. Anong gusto mo hayaan siya mag-isang tumuloy? Wag siya suportahan? Galaw ng isa, galaw ng lahat. Iyan ang Akeron Mafia. We move as one atsaka teka lang Clyde, sumalisali ka dito pero wala kang tiwala sa sinalihan mo. Ay wait mali, kahit nga wala kang tiwala sa amin okay lang pero kay Dos? Think twice bro," sambit nito na hindi na inintay ang sagot ko at umalis na para ayusin ang mga baril na gagamitin namin.
Mali bang magalala? Mali na bang matakot? Pero tama din naman talaga si Cadmus dapat akong mag tiwala sa kanila lalong lalo na kay Dos.
At ako? Dapat isaisantabi ko muna ang takot ko para magawa ko din ang part ko. Dapat handa ako sa oras na kailanganin ng Mafia Princess ang tulong namin.
"Eto nga pala." Abot sakin ni Cadmus ng isang dagger at isang baril "Pinabibigay sayo yan ni Dos, pina customize pa niya yan para sayo,"
Tinignan ko naman ito ng maigi at nakita ko ang Letter C na naka engrave sa gold detail nung gun at dagger nakita ko din na may naka sabit na necklace sa baril. May bilog na locket ang necklace may papel din na naka ribbon doon kaya kinuha ko ito at binuksan.
"May this gun and dagger serve as your protection wherever you are. Open the locket. I want the message on this necklace to remind you of what you're fighting for. Maybe as of now kinakabahan ka o natatakot ka but I want you to believe in us, I want you to believe in me. Nag sisimula pa lang ang laban."
-Dos
At gaya ng sabi sa sulat binuksan ko nga yung necklace ang cool dahil sa loob nito may naka engrave din na
"You've got to do whatever it takes to protect the ones you love."
Napangiti naman ako habang sinusuot yung necklace na binigay ni Epione. Paano ba niya nagagawang pagaanin ang loob ko kahit wala siya dito?
Paano niya nagagawang palalimin lalo ang nararamdaman ko kahit hindi naman iyon ang intention niya?
Bigla din agad nawala ang ngiti ko nang biglang may narinig kaming pagsabog halos mapadapa kami noong narinig namin iyon. Kasunod naman ng pagsabog ang sunod sunod na pagputok ng mga baril.
Nabuhay naman agad ang takot ko nang maisip ko si Epione,Okay lang kaya sila?
"Clyde! let's go," pagtawag sakin ni Cadmus.
Sabi mo Epione maniwala ako sa inyo, na maniwala ako sayo kaya iyon ang gagawin ko.
Please be safe. At agad naman ako sumakay sa sasakyan ni Cadmus.
***
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...