CHAPTER 4: SELECTION PROCESS PART 1
***
Epione Point of View
"Halika nga dito!" sabay hila ko kay Kuya Zeph.
"Nagustuhan mo ba?" tanong naman niya sakin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit siya nandito? Talaga bang hinahamon mo ako? Inuubos mo ang pasensya ko. Nilayuan ko ang taong yun para hindi maging delikado ang buhay niya tapos ikaw dinala mo dito," galit na usal ko.
"Bakit ako ang sinisisi mo? Hindi naman ako nagrecruit sa kanya. Sabi ni Vince, iyan daw mismo ang nagpumulit na sumali dito. Malay mo naman bumagsak siya sa selection process, edi goodbye sa kanya."
Kailangan ko siya makausap. Kailangan niya na umalis dito hindi siya nababagay sa mundong ginagalawan namin pero ang tanong, gusto ba niya akong makausap pagkatapos ng lahat? Bahala na.
Noong nakita ko na mag isa na lang siya kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para makausap siya.
"Wait. Teka. Saan mo ba ko dadalhin?" sunod sunod niyang tanong noong hinila ko siya paalis sa lugar na yun.
"Liam, ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito? Umalis kana," sambit ko sa kanya nung malapit na kami sa gate.
Bigla niyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Napatingin ako sa mga mata niya at doon nababakas ang galit at pagtataka.
"Wait nga, Epione! Hindi ako aalis at iyan talaga ang una mong sasabihin sa akin? Wow ha! Ibang klase, Nawala ka na parang bula! Hinanap ko kayo tapos makikita ko kayo dito? Tingin mo hindi ko deserve ang paliwanag mula sayo," saad nito.
Tama naman siya nawala ako ng parang bula at ngayo'y haharap ako na parang ibang tao ang nakilala niya noon. Nakakatawa talaga ang tadhana kapag na paglaruan ka.
Lumakad ito palapit sakin pero kasabay ng paghakbang niya ay ang pagatras ko. Napatigil siya sa pwesto niya noong umatras ako palayo sa kanya. Kung alam lang niya kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko na yakapin siya. Kung alam lang niya kung gaano ako nangulila ng ilang taon pero hindi na dapat niyang malaman yun.
"Ano ba ang dapat kong ipaliwanag sayo? Hindi pa ba obvious, Ito ang totoong ako. Ito ang buhay ko bukod doon wala na akong dapat ipaliwanag sa iyo. Ayaw mo umalis? Handa ka mamatay? Handa ka masangkop sa mga illegal na transaction? Kung oo ang sagot mo, sana mapanindigan mo. Hindi ito kagaya noong high school tayo na sigasigaan ka kasi tingin mo cool. Iba ito Liam. Pumapasok ka sa isang sitwasyon na akala mo wala kang ibang madadamay kapag maling tao ang binangga mo. Sure ka? Kaya mo isugal ang buhay ng pamilya mo? Tell me Liam, ano ang kailangan mo dito sa mafia?"
Nakakapagtaka lang talaga, isa ang pamilya nila Liam sa mga pinakakilala sa business industry. Kalimitan ng tao na sumasali sa mundo namin ay kailangan ng protection o kaya pera pero si Liam? Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya.
"Ganoon na lang yun Epione? Sana nagpaalam ka man lang hindi yung iniwan mo ko na parang tanga at isa pa, wala kang alam sa mga nangyari sa pamilya ko kaya wala kang karapatan na banggitin sila. May mga dahilan din ako na hindi mo na kailangang malaman pa."
Gusto kong sabihin sayo Liam ang lahat. Gusto kong sabihin sayo na ayokong iwan ka pero hindi ko magawa.
Ano ba ang nangyari? Ano ang hindi ko na kailangan malaman pa? Simula kasi nang iniwan ko siya ay hindi na ako nakibalita pa sa kung ano ang nangyayari sa kanya o kahit sa pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...