CHAPTER 39: PARTY BEFORE THE STORM
***
Liam Point of View
Naiwan kami nila Cadmus dito sa loob ng kwarto ni Epione. Ang alam ko lang ay may pag-uusapan sila ni King kung ano yun? Hindi ko din alam.
"Kuya Nate, kasama ka daw ba sa Spain?" tanong ni Cadmus.
Mukhang gusto talaga sumama ni Cadmus sa bakasyon. Bakit nga ba kasi hindi siya isasama? Kawawa naman si Cadmus.
"Mukhang walang balak si Epione na mag sama. Masama ang kutob ko Cad, " saad naman ni Nate.
"Wait, anong ibig mo sabihin? Bakit naman masama ang kutob mo e mag babakasyon lang naman sila," singit ko sa usapan nilang dalawa.
Nag tinginan naman sila na parang nag tatanungan kung sasabihin sakin ang nalalaman nila.
"I think we should tell him. Hindi naman na siya iba satin," saad ni Cadmus pero sa reaction ni Nate mukhang hindi siya sangayon.
Bakit ba kasi?
Napabuntong hininga naman si Nate bago ito tumango kay Cadmus.
"May mission sila at involve doon si Solanno," saad ni Cadmus.
Inexplain na din nila ang tungkol sa mga codes at nag labas na din si Cadmus ng sama ng loob sa dalawa niyang kapatid.
"Hindi ko sila maintindihan. Hindi lang naman sila ang anak ni Mommy. Anak din naman ako kaya bakit lagi na lang sila ang pumapasok sa mga delikadong mission. Mahina ba tingin nila sakin? Dahil ba sa trauma ko? Nakakainis talaga," saad ni Cadmus.
Naiinitindihan ko kung bakit siya ganto pero naiintindihan ko din sila Zeph. Kahit hindi nila sabihin alam ko na ayaw lang nila mapahamak si Cadmus lalo na at hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa mission na yun.
"Alam ko kung bakit ayaw ka nila pasamahin. Sinabi 'to ni Epione noong minsan na nag inuman kaming dalawa. Sabi niya, Ayaw nila na walang maiwan sa Daddy niyo kung sakali na may hindi magandang mangyari sa kanila. Nangako din sila sa Mommy niyo noong pinagbubuntis ka pa lang na hindi ka nila pababayaan," saad ni Nate.
"Hindi sa lahat ng oras ay makakaya nila ko na protektahan. Hindi din magugustuhan ni Dad kung may mangyari na hindi maganda sa kanilang dalawa pero alam ko na kahit anong pilit ko hindi ko na mababago ang desisyon nila," saad naman ni Cadmus.
Ramdam ko na gusto talaga ni Cadmus tumulong pero natutuwa ako na nag matured na talaga si Cadmus hindi na siya kagaya ng dati na pinipilit ang gusto niya.
"Tama na nga yang drama mo Cad! Ang dapat mo isipin ay yung party," saad naman ni Nate.
"Anong party? Sino may birthday? Malayo pa naman birthday niyo," tanong ko sa kanila.
"Ganto kasi yun Clyde tuwing may mission sila Zeph na silang dalawa lang gusto nila mag karoon ng party bago umalis kasi sabi nga nila," nag pause si Nate at tumingin kay Cadmus.
"Party before the storm!" Sabay tayo nila at apir sa isat-isa.
"Kasi nga hindi nila alam kung makakabalik sila ng buhay kaya gusto nila mag karoon ng party kasama ang buong Organisation at pag naka balik naman sila hindi mo sila makikita dahil buong linggo silang nakatambay at nag papahinga lang sa kwarto nila bawal sila kausapin o puntahan," dagdag pa ni Nate.
Pero parang hindi ako natutuwa sa dahilan na yan. Ayoko isipin na hindi na sila makakabalik. Ayoko isipin na may masamang mangyayari.
Kausapin ko kaya si Zeph? Pipilitin kong isama niya ko. Tama! Kakausapin ko siya mamaya.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...