CHAPTER 29

12 6 0
                                    

CHAPTER 29: DOS MESSAGE

***

Liam Point of View

Nagising na lang ako na may kumot na ako. Hindi ko napansin na nilagyan niya ako ng kumot, assuming na kung assuming basta alam ko si Epione ang nag lagay nito.

Hinanap naman agad ng paningin ko si Epione nang makita kong wala na ito sa tabi ko kung saan siya nakapwesto kagabi.

Tumuro naman si Nate sa taas ng puno kaya kunot-noo ko namang sinundan ng mata ang tinuturo niya at nandoon sa taas ang babaeng gusto kong makita sa bawat paggising ko sa umaga.

Prenteng nakaupo lang si Epione sa sanga ng puno habang may hawak itong libro at seryosong nag babasa.

"Oi! Thank you ka sakin!" sabay suntok ni Nate sa balikat ko.

Sinamaan ko lang ito ng tingin kasi bakit naman ako magpapasalamat sa kanya?

"Aba Mr. Greyson kung hindi dahil sa kumot ko hindi ka niya lalagyan ng kumot at hindi magiging mahimbing ang tulog mo. Bilis! Magpasalamat ka at naging maganda ang paggising mo," sabay binigyan pa niya ko ng nakakalokong tingin parang may gusto pa nga siya sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niya na magsalita.

"Oo na, sige na salamat Mr. Taylor," pasasalamat ko na lang dito ng matigil na siya tsaka buti naman may nagawa din siyang na maganda.

"Nakatulog ba kayo?" tanong ko dito para kasing ang aga nilang nagising e. Tulog pa nga yung tatlo kong kasama.

"Sana nga natulog kami. Gustohin ko man matulog e napakahigpit ng boss ko pero sabagay usapan naman talaga namin na huwag matulog," sagot nito na kina-kunot ng noo ko.

"Binabawi ko na ang thank you ko sayo dapat ikaw na lang hindi na tulog tapos hinayaan mo na lang dapat si Epione na makatulog man lang,"

Pagod na pagod siya kahapon tapos hindi siya kumain, tapos hindi pa siya natulog baka nakakalimutan niya na hindi pa nag hihilom ang sugat na natamo niya. Aanhin mo ang galing sa pakikipaglaban kung pinapatay mo naman sarili mo? Tsk.

"Eh sabi ng boss ko e ni Dos mismo. Atsaka paano kami makakatulog kung alam namin na may aatake ano mang oras na ipikit namin ang aming mga mata. Kailangan pa nga namin ilayo dito yung mga sumusugod para lang daw hindi kayo magising. Ang hassle kaya. Bahala ka na nga diyan may bisita na kami,"

Kasabay ng pagtalikod niya ang pagdating ng tatlong lalaki. Nakita ko naman si Epione na tumalon sa isang lalaki na naging dahilan ng pagkawala ng balanse nito. Sana all tinatalunan, I mean badtrip tinalunan pa niya 'yun pwede namang bumaba ng maayos e paano kung nabalian siya.

Mabilis din nila natalo ang mga members   sabay pa nga nilang sinipa yung isa tapos nag fist bump pa ang mag pinsan after.

"Okay! Sa wakas malapit na din matapos itong training na ito," sambit naman ni Nate sabay hagod sa buhok niya.

Samantalang si Epione ay nakasandal lang sa puno at walang emotion na nakatingin lang kay Nate.

"Sumama na kayo sa medic at pumunta na sa camp," sambit naman ni Epione na tumingin muna sa mga kasama ko bago sakin.

"Kitakits na lang tayo mamaya!" masiglang  habilin ni Nate pero sumimangot ulit ito ng humarap kay Epione "Tara na Dos para naman makapagayos tayo at makakain na din. Atsaka please lang matulog naman tayo kahit ilang minuto lang." Umiling na lang si Epione sa dami ng sinabi ng pinsan niya.

"Shin-shin," tawag ni Epione kay Lee.

Ano na naman ba at tinatawag na naman niya si Lee? Ganda na nga ng gising ko tapos masisira pa ata tapos itong si Lee lumapit naman agad pwede namang lumingon na lang ah!

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon