CHAPTER 7

54 27 34
                                    

CHAPTER 7: THE RESULT

***

Epione Point of View

Kanina ko pa kinukulit si Tres na alisin ang pangalan ni Liam sa listahan.

"Tumigil ka nga Dos, be professional. Ano bang ikinakatakot mo?" tanong ni Kuya Zeph.

"Wala! Hindi lang siya nabibilang dito. Maganda naman na ang buhay niya. Hindi ka ba nag tataka? Ano ang purpose ng pag sali niya dito?" sagot ko naman sa kanya

"Tanungin mo siya. Dahil ako alam ko na kailangan niya ang Mafia," makahulugang sagot ni Kuya Zeph.

Dahil sa sinabi niya alam kong may nalalaman siyang hindi ko alam at kailangan ko malaman kung ano yun.

I need to know the truth. Bakit sinabi ni kuya na kailangan ni Liam ang Mafia? Ano ba ang nangyari sa kanya sa loob ng ilang taon? Isa lang ang sigurado ko may hindi magandang nangyari.

Pagkatapos ng announcement ay kailangan ko makausap si Liam. Ang tanong sasabihin niya kaya sakin ang totoo kung ako mismo hindi ko masabi ang dahilan ko? Bahala na.

***

Liam Point of View

Sa totoo lang kinakabahan ako ngayong araw na ito, ngayon daw kasi ilalabas ang listahan ng mga nakapasa.

"Ui pre! Ano okay ka na? Bugbog sarado ka kahapon ni Uno," sambit ni Vince.

"Ano ba nangyari nung nawalan ako ng malay?" tanong ko.

"Ah yung dalawa mong kasama hindi din kumuha ng armas tapos pinili nila si Dos dahil okay lang daw sa kanila ang mabugbog basta dumapo lang daw ang kamay ni Dos sa kanila," kwento naman ni Vince.

Bwisit yung mga yun ha! May gusto pa nga kay love-love ko!

"Pero.. TEKA! kung si Uno ang pinili nila e bakit hindi naman sila bugbog sarado kagaya noonh unang pumili kay kay Dos?" pag tatanong ko.

"Ah gaya ng ginawa ni Uno sayo para mawalan ka ng malay ganun din ginawa ni Dos. Basta! Malalaman mo din kung bakit."

Wag mong sabihin na may pinipiling itsura si Epione kaya hindi niya binugbog yung dalawa?! Nagtatampo na ko. Hmp! Kung pinili ko kaya siya, bugbog sarado pa din kaya ako?

Nakita na naming nag lalakad ang Acheron siblings papuntang sa stage.

"Magandang araw sa inyong lahat. Masaya akong makitang buhay pa kayo pag katapos ng 1 v 1 process kahapon," masayang bati ni Zephyr.

"Andito na sa mga kamay ko ang updated hierarchy ng mafia," pag katapos sabihin yun ni Zephyr ay ipinasa niya ito kay Cadmus at siya ang nag dikit sa board.

"Maaari niyo ng tignan ang resulta," wika ni Zephyr.

AKERON MAFIA  UPDATED HIERARCHY

Troilus "King" Acheron
Boss of the Boss
"Founder of Acheron Mafia"

Artemis Zephyr "Uno" Acheron
Boss of  the Mafia
"Head of Daiya"

Athena Epione "Dos" Acheron
Underboss of the Mafia
"Head of Supedo"

Achilles Cadmus "Tres" Acheron
Consiglier of the Mafia
"Head of Hatsu"

Capos (Manager)

Kevin "D1" Lewis
Highest Rank of Daiya

Nathan "S1" Taylor
Highest Rank of Supedo

Clarkson "H1" Hinstock
Highest Rank of Hatsu

Members

Vince Larson
Robert Perez
Lee Shin Park
Kit Aviel Harrison
Liam Clyde Greyson
Et al.

Associates

Covers a wide range of individuals affiliated with, but not actually belonging to, the Mafia. Gangsters who have not yet been officially affiliated into the Acheron Mafia are technically associates, as are restaurant owners, doctors, lawyers, politicians, and businessmen whose dealings with organized crime are more than skin-deep and occasional.

(A/n: Note lang po sa listahan na nakikita nila, hindi nakikita ng mga member ang tunay na pangalan ng mga member. Tanging Code Names lang ang nakalagay sa list. Nilagay ko lang po ito for easy reference sa mga readers.)

Ha?! Paanong nakapasa ako kung natalo naman ako?

"Madami siguro ang nagtataka sa inyo kung paanong nakapasa kayo kung wala namang nanalo sa inyo? Ang tunay na test ay kung gagamit kayo ng armas kahit na walang laban ang taong nasa harap niyo, kung lalaban ba kayo ng patas. Ang kukuha ng armas ay halatang duwag at takot sa taong wala namang kalabanlaban kaya hindi sila nakapasa. Napansin niyo na siguro na apat na lang kayo dito sa loob ng hall. Dahil yung labing isa ay hindi na makakabalik," pagpapaliwanag naman ni Cadmus.

"Binabati ko kayo new comers. Mabuhay sana kayo ng matagal. Hindi dito nagtatapos ang lahat dahil dadaan pa kayo sa iba't-ibang training para malaman kung saang department kayo mabibilang at kung ano ang magiging rank niyo," dagdag pa ni Cadmus.

Hindi ako makapaniwala nakapasa ako. May swerte pa din talaga.

At ibang klase din naman talaga ang Akeron Mafia, akalain mong may pa welcome party after the announcement.

Napansin ko naman na ngiting ngiti ang dalawa kong kasama kaya naman tinignan ko kung ano o sino ang dahilan ng pagngiti nila.

"Alis," wika ni Epione. Nagulat naman ako ng makita ko siya sa likod ko kaya naman pala ang ganda ng ngiti nang dalawang kumag.

"Alis," ulit ni Epione na walang emotion na nakatingin kay Kit at Lee.

Yan! Ganyan dapat love-love ko dapat masungit ka sa kanila. Wag mo sila ngitian, ako lang dapat.

"Ui! Alis daw tayo," yakag ni Kit sakin na halatang kinakabahan na sa tingin ni Epione.

"No. Stay," wika ni Epione at umupo na din sa may tabi ko.

Kikiligin na sana ako pero parang aso naman ako na sinabihan niya ng no dahil kinagat ko ang bago niyang sapatos at pinagstay ako dahil bibigyan na niya ako ng dog food.

Halata naman ang pagtataka ng dalawa dahil pinaiwan ako ni Epione. Malamang mamaya ay uulanin ako ng mga tanong.

"Hindi na ko mag aaksaya ng oras. Bakit ka nandito? Ano ang kelangan mo sa mafia?" diretsahang tanong nito.

Alam ko na darating ang araw na tatanungin niya ko kung ano ang kelangan ko sa mafia pero hindi ko inaasahan na agad-agad niya yan itatanong.

"Kailangan ko pa ba ulitin ang tanong ko Liam? Ano ang kelangan mo sa Mafia? Ano ang alam ni Uno na hindi ko alam?" tanong niyang muli.

Alam ko naman na pinabackground check ako pero hindi ko naman kasi alam na sila pala ang makikita ko dito sa organisation na ito.

"Kailangan kong kunin ang lahat ng kinuha ni Annibal Solano. Kailangan niyang pag bayaran lahat. I need to kill him."

"No," madiin na wika ni Epione.

***

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon