CHAPTER 32: MEGUMI AND HAWK
***
Epione Point of View
Nakakatuwa ang naging reaction ng mga members sa sinabi ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na pinagkakatiwalaan nila kami bilang bagong namumuno sa kanila at buong buhay akong magpapasalamat sa loyalty nila sa organisation.
Kaya naman pala grabe pahalagahan ni mom at dad ang mga taong ito. Higit pa sila sa tauhan, tunay na sila ay pamilya namin. Sa buhay na ito mahirap makahanap ng mga tao na magiging tapat sayo hanggang dulo.
Sabi nila swerte daw sila sa amin dahil gumanda ang mga buhay ng pamilya nila pero para sa amin kami ang swerte sa kanila. Lahat gagawin ko para sa pamilyang to.
Malayo pa lang natatanaw ko na ang isang helicopter na papalapit dito at sigurado ako kung kanino yun.
Lahat kasi ng unauthorised na pumapasok sa area ng isla ay binibigyan ng tatlong warning at kung hindi sila umikot ay ieelimimate sila ng mga tao namin dito sa akeron forest.
Wala namang ibang tao ang nakakaalam ng lugar na ito kundi kaming magkakapatid, si Dad, ang tatlong managers, ang mga trusted kage na duty sa lugar na ito at syempre si
"Hawk!" sambit ni Cadmus na may ngiti sa mga labi.
Ano bang ginawa ni Hawk kay Cadmus at botong boto ito sa kanya. Dati puro Liam, ngayon naman si Hawk na ang gusto niya para sa akin. Actually, hindi lang naman siya kung hindi di pati si Dad.
Importante din sakin si Hawk dahil pareho kami, we share the same kind of pain. Katulad ni Liam ayoko din ma may mangyari kay Hawk. Ayokong mawala si Hawk.
Basta naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Akala ko kasi nakalimutan ko na totally si Liam pero hindi noong nakita ko siya parang bumalik lahat.
Pero bakit nga ba nandito si Hawk? Kapag may mga plano naman siya kami ang pinapapunta niya. Huwag niyang sabihin na discover na siya?! Shit!
Tumapat ang helicopter sa kinaroroonan namin at binuksan niya ang bintana sa may pilot seat.
Bumungad ang isang lalaki na nakamaskara na kulay itim na may red lining. Natatakpan nito ang kalahati ng mukha niya. Kahit na nakamaskara ito masasabi mo talaga na isa siyang magandang lalaki. Kulay brown ang mga mata nito na akala mo ay nakacontact lense, matangos ang ilong at may mapupulang labi.
"H.Q. is underattack. Come with me," bungad ni Hawk na nakapagpawala ng maganda kong nararamdaman.
"Anong rason? Sino? Si Solanno ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi si Solanno pero alam ko kung sino at ano ang pakay nila. Wag kang mag-alala bago ako pumunta dito ay binalaan ko na ang mga tao H.Q. pero hindi ko alam kung ilan ang silang susugod kaya mas makakabuting bumalik na ang lahat sa head quarters hindi nila kakayanin kung sakaling madami silang susugod and please lang Dos mamaya ka na magtanong sakin ng other information. We are wasting so much time," sambit nito at sa boses niya malapit na siyang maubusan ng pasensya.
Napasimangot na lang ako dahil sa tono niya. Nagtatanong lang naman ako at ang masaklap pa Dos pa yung tinawag niya sakin eh hindi naman iyon ang tawag niya sakin.
"Wag ka na nga magpout diyan. Tara na my Megumi baka maubusan pa ng fuel to,"
Mamaya na nga ako magtatampo atleast tinawag na niya akong Megumi.
Megumi ang tawag niya sakin dahil ang meaning ng Megumi na name sa Japanese ay blessing.
Blessing daw ako sa kanya at kung paano nangyari 'yun? Hindi ko din alam, ayaw niya kasing sabihin.
"Medyo islant mo yung helicopter tatalon ako papunta sayo," sambit ko.
One thing, I like about hawk hindi na siya nagtatanong pa o tututol sa gusto kong mangyari. Bakit? Kasi buo ang tiwala siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.
We both know na hindi namin ipapahamak ang isa't-isa.
"Tumabi kayo," saad ko sa mga managers at dalawa kong kapatid.
Ginawa naman nila kahit halata sa mukha nila na tutol sila sa binabalak kong gawin.
Bumwelo ako at sinukat maigi ang distansya ng aking tatalunin. Ilang beses ko na din naman ng nagawa ito sa tuwing tatakas kami ni Hawk noon kaya maliit na bagay na lang ito.
"Doon na lang tayo magkita," saad ko sa mga ito bago ako tumakbo at tumalon.
At walang kahirap hirap na nakakapit ako sa landing skids ng helicopter. Inabot naman agad ni Hawk ang kamay niya para tulungan akong maka-akyat.
Umupo na lang ako sa tabi niya sa may cockpit at pinagmamasdan kung ano-ano ang pinipindot niya. Naka autopilot kasi siya kanina para tulungan akong makataas dito kaya ayan back to manual na siya.
"I miss you Megumi. Balita ko nakakasama mo na ulit siya," at kahit na ang cool ng pagkakasabi nito ay kita pa din sa mga mata niya na nasasaktan siya.
"Bakit ba binabanggit mo pa yan kung nasasaktan ka naman? Ayaw kitang nakikitang nasasaktan kaya huwag mo na siyang banggitin. Matagal na kaming wala at iba na ang sitwasyon," sagot ko naman dito.
"Pero mahal mo pa siya hindi ba?"
"Hindi ko alam. Magulo ang nararamdaman ko at alam mong wala akong plano na makipagrelasyon hanggat hindi ko natatapos si Sollano. Oo nga pala napag isipan mo na ba 'yung sinabi ko last time?" sagot ko sa kanya.
Sa hindi niya pagsagot ay mukhang alam ko na ang decision niya.
"Itutuloy mo pa din. Itutuloy mo pa din ang plano mo kahit sabihin ko na huwag na kasi delikado. Hawk, alam mo naman na kaya namin kahit hindi mo gawin 'yang ginagawa mo. Kapag nalaman nila ang ginagawa mo, papatayin ka nila. Ayoko. Ayokong mawala ka Hawk kaya please habang hindi pa nila alam itigil mo na at huwag ka ng bumalik pa sa lugar na' yum,"
Ilang beses ko na siyang pinapatigil sa ginagawa niya pero walang talab. Kahit nga si Dad at sila kuya hindi siya mapatigil.
"Megumi alam mong masmapapadali ang lahat kung itutuloy ko ito. Alam mong malaki ang naitutulong nito sa mga plano natin. Sorry pero gagawin ko Ito hanggang sa oras na itinakda. Hindi ako mawawala okay. Papakasalan muna kita bago mangayari yun." Lumingon pa ito sa pwesto ko sabay kindat ng may kasama pang matatamis na ngiti sa labi nang sinabi niya ang huling linya.
Napapangiti na lang din talaga ako kapag nakikita ko siyang ganyan. Loko talaga ilang beses na siyang nabasted pero ganyan pa din siya.
Ano bang ginawa ko sa past life ko para bigyan ako ng gantong klaseng tao.
"Ah oo nga pala, Venom Mafia sila ang sumugod sa head quarters. Ang rason, gusto nilang maging top sa underground at iniisip nila na magagawa nila yun kapag naubos nila kayo,"
Sila na naman? Hindi pa nga ako nakakabawi sa ginawa nilang paglason sakin last time tapos ganto naman? Talagang naghahamon sila ng gera.
Nag landing kami sa rooftop pero bago pa patayin ni Hawk ang engine ay pinigilan ko ito.
"You need to go, mahirap na baka may makakilala pa sayo dito baka mapahamak ka pa. Wag ka magalala papunta na naman sila dito. Hindi ako mamamatay madaming iiyak," sabay gulo ko ng buhok nito bago buksan ang pinto at bago pa ko makalabas hinila ako nito para bigyan ng halik sa noo at yakapin ako ng bahagya.
"Be safe." saad nito, alam kong gusto niya ako samahan pero mas magiging safe siya kung hindi niya gagawin 'yun.
Bago ko pa masara ang pinto ay binitawan ko na ang kanina ko pa gustong sabihin.
"I miss you too Hawk. Stay alive," sabay sara ng pinto at tumakbo na sa may pinto para simulan ang pagback-up sa mga members namin.
Ang lakas niyong sumugod sa teritoryo ko.
Humanda kayong lahat dah ilang minuto na lang ay magkakamustahan na kayo ni kamatayan.
***
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...