CHAPTER 41

5 1 0
                                    

CHAPTER 41: DOS THE RULE BREAKER

***

Epione Point of View

Kakatapos lang namin mamangka ni Liam at hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at niyakag ko siya basta ang alam ko lang gusto ko siya makasama bago kami umalis para sa isang delikadong mission.

Pabalik na ko ng kwarto ng makasalubong ko ang umiiyak na si Z ang not-so-sure kung girlfriend pa ni kuya Zeph.

Bakit not-so-sure? Dahil para kay kuya hindi pa pwedeng maging sila at para kay Z sila na basta magulo yang dalawang yan.

"Sa tuwing nakikita kita lagi kang umiiyak. Hindi ka ba napapagod?" tanong ko sa kanya bago pa siya makalagpas. Mukhang hindi din ata niya ako napansin sa sobrang kakaiyak.

"Dos, pwede bang ikaw na lang mag-isa sa mission. I mean pwede bang iba na lang ang isama mo? Please," nagmamakaawa niyang sambit.

"Kahit sabihin ko sayo na oo. Alam mo sa sarili mo na hindi ko pwedeng gawin yan. Isa yan sa mga rules ng pamilya namin. Hindi pwedeng mag-isa ang mafia princess sa gantong mission kung pwede lang talaga na iba ang isama ko gagawin ko pero alam mo din na kapag nag decide si kuya walang makakapagpabago ng isip niya lalo na kung si Sollanno ang pinaguusapan," pagpapaliwanag ko sa kanya.

Akala ba niya hindi ko naisip na umalis mag-isa para sa mission na ito. Syempre naisip ko na yan at hanggang ngayon nag-iisip pa din ako ng way.

"May plano ako," napatingin ako sa kanya at kitang kita ko na desperada talaga siya at handang gawin ang lahat para kay kuya.

"Mukhang alam ko na ang gusto mong mangyari. Alam mo malapit ko ng isipin na ayaw mo sakin e. Alam mong dalawa lang ang pwede mangyari hatulan ako ng kamatayan o patayin ako ni kuya." Tinalikuran ko na siya at maglalakad na sana palayo pero

"Pero alam mo tie lang naman tayo kung sakali, tiyak na hahatulan ka ng kamatayan or worst iiwanan ka na talaga ni kuya. If you are willing to take that risk then mag-usap na lang tayo mamaya," dagdag ko pa.

Nawala sa isip ko na ako si Dos. Si Dos na isang rule breaker.

Gagawa ako ng sarili kong plano. Sira ata tong si Z e. Mafia princess ako tapos gusto niya sumunod ako sa plano niya? Nagpapatawa ata siya.

Pagpasok ko sa kwarto ay hindi na ako nagulat pa ng makita ko si kuya Zeph.

"Aalis na tayo bukas," saad nito.

Bukas? Eh dapat hanggang bukas pa kami dito ah. Anong trip niya? Hindi ko siya sinagot at umupo na lang sa katapat ng inuupuan niya.

"Mahihirapan ako umalis kapag hindi pa tayo umalis bukas. Kapag nakita ko pa siyang umiyak baka ako na ang sumira sa rules kaya aalis na tayo bukas at wala tayong pagsasabihan kahit na kay Cadmus,"

"Fine. Pwede ka ng umalis at matutulog na ko," saad ko dito.

Lumabas naman ito agad ng kwarto.

"Sorry kuya pero hindi ko talaga kayang mag behave ngayon. Mukhang kami talaga ni Solanno ang nakataktadang mag harap hanggang sa dulo."

Ang kailangan ko lang gawin ay maisagawa ng maayos ang maganda kong plano.

Alas-onse na ng gabi nang tawagan ko si Z.

"Ano na ang plano?" tanong agad nito.

"Nagbago ang isip ko hindi ko na itutuloy ang plano. Huwag mo na din tangkain pa na pigilan si kuya kung ayaw mong tuluyan siyang lumayo sayo."

Pinatay ko na agad ang tawag dahil ayoko na makinig pa sa kadramahan niya.

Mas okay na ako na lang ang kikilos sa plano ko baka pumalpak pa dahil sa kanya.

Oras na din siguro para kumilos na ko sa plano ko.

Patakbo kong tinungo ang kwarto ni kuya Zeph. Sinipa ko ang pinto niya at dahil doon agad siyang nagising sabay tutok ng baril sakin.

"What fuck Epione! Paano kung naiputok ko to sayo? Ano bang problema mo at naninira kang ng pinto?" pulang pula na ang mukha nito sa galit.

"Change of plan. We need to go now," saad naman nito at parang nagtataka sa sinasabi ko.

"Aalis naman talaga tayo ngayon e pero mamaya pang gabi! Excited ka?" Humiga ito sa kama niya at handa na ulit matulog.

"We need to leave now may planong gawin si Z para di ka makaalis kaya tara na! Ayokong masira ang mga plano natin," Napatayo naman siya at kinuha ang cellphone niya.

Tinawagan niya ang piloto namin para masundo kami ng chopper.

Mabilis naming tinahak ang labas at doon ko na tinangkang hampasin ang batok ni kuya Zeph pero as expected,

"Ano sa tingin mo ang binabalak mo ha Epione?!" galit nitong saad habang hawak ang kamay ko.

"You need to stay," ito lamang ang sinagot ko bago ko siya atakihin ng sunod-sunod. Wala naman itong ginawa kundi iwasan ang mga atake ko.

"Kahit na magdamag tayo dito hindi kita hahayaan na lumakad mag-isa. Alam mo ang rules Dos ."

"Kailan pa ba ko sumunod sa mga rules? Walang rules ang pwedeng dumikta sa mga kilos ko after all I am the Mafia Princess." Sinipa ko siya sa may baba niya na naging dahilan para mawala ang balanse niya.

Hindi ko pwede palagpasin ang pagkakataon na ito kaya pinaslide ko ang paa ko sa kanang paa niya para tuluyan siyang bumagsak. Kinuha ko ang syringe na may pampatulog sa bulsa ko at tinurok ito sa kanya.

Kitang kita ang gulat at inis sa mukha niya.

"Damn it Epione!"

"I'm sorry but I have to do this," saad ko sa kanya.

Pinipilit nitong labanan ang antok at bago ito tuluyang makatulog, "Stay alive, susundan kita."

Bago pa magising ulit si kuya hinila ko siya papunta sa isang safe house at dinala sa basement doon ko siya tinali.

Inalis ko din ang ibang bagay na pwede niyang gamitin para makaalis sa pagkakatali.

Nilagyan ko din ng tatlong padlock ang pinto at tinapon sa dagat ang susi.

Narinig ko ang pagdating ng chopper kaya lumabas agad ako.

"Asan po si Uno?" tanong ng piloto namin.

"Ah hindi na sasama, na move din kasi ung pagalis ko bukas ng madaling araw ako magpapahatid."

Magtatanong pa sana ito pero tinignan ko na lang siya ng seryoso mukhang natakot naman kaya tumango na lang siya.

"Punta muna tayo sa Manila may bibilhin lang ako."

Mission huwag pasamahin si Uno: Complete.

***

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon