CHAPTER 24: UNO, DOS, TRES BET
***
Epione Point of View
Pagkaakyat namin muli dito sa taas ay pinagusapan na namin kung ano ang diskarte ang gagawin.
Alam namin na training lang ito at kung sa ibang tao baka pa easy easy lang sila pero kami seryoso kami tinatrato namin ito na katulad ng isang laban sa underground battle.
Paano namin mailalabas ang galing nila kung aarte lang kami? Sino niloko namin? Mga sarili namin?
Buddy buddy ang gagawin namin ngayon kahit anong pilit ko na gusto konh mag-isa ay ayaw namang pumayag ng mga ito.
Partners:
A: Kuya Zeph at Kevin
B: Cadmus at Clarkson
C: Ako at si NateParty B, ang sasalubong sa mga members. Sinadya namin na sila Cadmus ang ilagay doon tutal kulang talaga sa practice yang dalawang yan dahil busy sa ibang legal businesses namin.
Alam namin na kami ang target pero sinong may sabi na magtatago kami?
Malamang iniisip nila na magiging madali ang lahat dahil sa tracker, na alam na agad nila kung nasaan kami pero nagkakamali sila. That tracker will serve as a map to are own version of arena.
Party A, naman ang nasa next point sa hidden lagoon. Iyon ang piniling lugar ni kuya Zeph kasi maganda daw mag photoshoot sa lugar na iyon.
Maganda kasi ang tanawin doon e. Madaming iba't-ibang rock formation at sobrang linis ng tubig.
At kami naman doon kami sa mapuno na part ng A.F. wala na kaming choice. Gusto ko nga sana sa lugar ni kuya Zeph katulad ng rason niya gusto ko din kumuha ng litrato. Tapos magbabasa ako nang dala kong libro habang hindi pa lumulubog ang araw.
Sabagay pwede din naman akong magbasa sa taas ng puno kasi malamang iyong mga nakalagpas lang sa dalawang yun ang makakapunta sa kinaroroonan ko.
"Maghiwahiwalay na tayo ng landas," halata ang excitement sa boses at kilos ni Cadmus.
"Oops.. teka lang bunso. Oh eto yung ribbon niyo. Bunso sayo ang white, akin naman itong gold at kay little sis yung black kasi masama ugali niya." Abot naman ni kuya Zeph ng ribbon. Inirapan ko nga, bwisit siya.
"Oh, para saan naman ito?" tanong ni Cadmus.
Gusto ko sana na sabihan siya ng slow pero wag na lang baka magtampo na naman hostage pa naman niya yung bag ko. Saan ka nakakita ng mag bibigay pero may kasamang pananakot. Bad ang baby brother namin.
"Edi paramihan tayo ng mapapatumba," usal naman ni kuya Zeph.
Bakit ba hindi pa ako na sanay na sa bawat laban na pinupuntahan naming dalawa lagi siyang ganyan. May utang pa nga ako sa kanya na one hundred thousand dahil natalo ako last time noong magkaroon ng instant mafia war doon sa pangit na part ni Solanno.
"At speaking of paramihan ng mapatumba. Hoy! Dos, Kelan mo ibibigay sakin ang yung pera ko?"
Akala ko pa naman nakalimutan na niya.
"Nandoon sa bunker. Mukhang pera talaga 'to pero ayaw naman gumastos," syempre pabulong lang yung huling sentence.
"Teka lang ano namang makukuha ko pag nanalo ako?" tanong naman ni Cadmus na parang sure na sure na siya ang mananalo as if naman na mananalo siya samin.
Epione wag mo sasabihin yan. Saway ko naman sa sarili ko. Magbait ka muna kay bunso isipin mo lang yung bag.
"Brother, sabi ni dad wag mag salita ng tapos," sabay tapik naman ni Kuya Zeph kay Cadmus.
"Eto ang golden rule tanging napatumba niyo lang ang pwede niyong lagyan ng ribbon hindi kasali ang mga mapapatumba ng mga managers," dagdag naman ni kuya Zeph
"Kapag nanalo ako ibibigay mo sakin Dos yung Rusi Classic 250 mo at ikaw naman Tres yung katana na napanalunan mo sa isang auction sa Japan," tignan mo tong si Kuya Zeph napakadaya talaga.
Gusto niya kasi ng Rusi Classic pero ayaw niya maglabas ng pera kaya nga one hundred thousand ang hiningi niya last time kasi idadagdag daw niya sa pambili niya mg motor tapos ngayon ito ang deal niya? Wow talaga para lang hindi maglabas ng pera nakuha pang makipagbet na naman. Kakaiba talaga.
At yung Katana? Pinilit lang naman niya si Cadmus na mag bid para doon. Wala namang hilig si Cadmus sa katana more on guns kasi yan pero itong si kuya Zeph inulan ng asar si Cadmus na kesyo daw hindi na afford ni bunso na mag raise ng bid at marami pang iba kaya ang ending gumastos ng malaki si bunso mapatunayan lang kay kuya na walang makakalamang sa yaman niya.
At itong si kuya ginagamit pa itong pagkakataon na ito para makuha ang mga bagay na gusto niya.
"Call," sagot na lang namin ni Cadmus dahil kawawa naman itong kuya namin. Madaming pambili pero parang lalagnatin iyan pag nag labas ng pera.
"Ako naman pag nanalo ako bibigyan mo ako ng isang milyon Uno, tapos ikaw naman Dos, ibibigay mo sakin yung isang commercial space sa labas ng Garreth University,"
Ang galing din talaga nitong si Cad alam niyang may plano ako para doon sa commercial space na yun tapos iyon ang hihilingin. Gusto ko sana na gawing dormitory yun para sa mga scholars namin tapos ung first floor gusto ko siyang gawing restaurant.
Akala ata nito hindi ko alam na may gusto siya doon sa apo ng may-ari ng Garreth University. Paraparaan din talaga ang loko.
"Call, " sagot ko na lang as if naman na mananalo siya. Dream on bunso, dream on.
"Teka lang Bunso, isang milyon? Ang laki naman ata ng hinihiling mo," sabi na nga ba at magrereact itong kuripot naming kuya. Barya lang talaga yan sa kanya sadyang ganyan lang talaga siya.
Kaya siguro pera hiningi ni Cadmus kasi alam niyang ganyan ang magiging reaction ni kuya. Priceless.
"Ang liit na nga ng hinihingi ko sayo dapat nga twenty million e," sagot naman ni bunso.
"Sige na nga call," malungkot ata parang naluging sagot ni kuya.
"Tres, kapag nanalo 'ko ibibigay mo sakin yung winchester rifle mo na nakuha mo din sa auction yung pinarestored mo. Ikaw naman Uno, bibilhan mo ako ng white tiger. Ayan ha hindi na elepante kasi sabi mo malaki yun," gagalingan ko talaga para iyak itong dalawa kong kapatid.
"Pe--/Tek--" hindi pa ko na sila hinayaang umangal pa pinutol ko na agad ang gusto nilang sabihin.
"Alam ko naman na aangal kayo pero yan talaga ang gusto ko. Final na yan. Bakit? Natatakot na ba kayo?" pangaasar ko pa sa kanila.
After namin mag usap ay tumakbo na kami papunta sa pwesto namin.
Hassle naman nitong si kuya Zeph ang daming paandar tapos ribbon pa talaga ang pinili pwede namang stamp na lang para mas madali.
Hindi ko naman mauutusan si Nate na siya ang mag ribbon sa mga mapapatumba ko kasi may pustahan din sila.
Mga hindi talaga magpapahuli yang mga yan.
***
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...