CHAPTER 22: TRAINING CAMP
***
Liam Point of View
"Ito lang ang sigurado ako Liam hindi kita hahayaang mapahamak. Hindi ako papayag na mahawakan ka nila kahit na hibla lang ng buhok mo. Hindi man kita binalikan, hindi man kita pinili pero I will protect you kahit buhay ko pa ang kapalit. Wala ng buhay ang makukuha sa akin."
Paulit-ulit kong naiisip ang huling sinabi sakin ni Epione. Dapat ako ang nagsasabi sa kanya ng mga salitang yun.
Para tuloy siya pa ang lalaki saming dalawa. Bakit ba ganun ang sinabi niya ang gulo din talaga ng babaeng yun pinamukha ulit sakin na hindi niya ko binalikan at hindi niya ko pinili pero obvious naman na mahal pa niya ko o assuming lang ako?
Ay hindi obvious naman talaga bakit niya kailangang sabihin yun? Wag niyo sabihin sakin na sinabi niya sa lahat ng member yun?
Naku! Epione, kahit naman umalis ka para sakin hindi tayo nagbreak. Hindi naman ako tumigil na mahalin siya. Okay lang kahit hindi niya ko pinili dahil ako siya at siya lang ang pipiliin ko. Hindi ko nakikita ang sarili ko na magmamahal ng ibang babae.
"Pre!" tawag sakin ni Lee
Ano na naman kayang kelangan nitong asungot na 'to. Tinignan ko lang siya at iniintay na sabihin niya ang pakay niya.
"Sa training grounds daw, kumpleto na ang ESU may announcement ata," saad nito.
Kaya nilapitan ko na siya at sumakay kami sa golf cart para mabilis maka punta sa training ground.
"Good afternoon brothers," pambungad na bati ni Zeph.
Habang si Cadmus at Epione naman ay tahimik lang at diretso lang ang tingin.
"Kailangan ko pa ba itong iannounce sa lahat alam na naman ito ng mga dating members pero sige na nga magsisimula na ulit ang pinaka-ayaw ninyong training camp!" nakangiti niyang announcement at mukhang excited na excited pa.
Kitang kita din sa mukha ni Epione at Cadmus ang excitement.
At ano sabi ni Zeph pinaka-ayaw na training camp? Eh lagi nga busy ang mga member sa training e? Tsaka bakit ang saya pa nila kung pinaka-ayaw naman pala ng mga kage yun?
Nagulat naman ako nang biglang may tumapik sa balikat ko at ngiting-ngiti naman si Nate noong nilingon ko ito.
"Ready ka na ba? Sa pinakaworst training camp?" saad naman nito at kahit siya bakas ang excitement.
"Ano bang meron diyan sa camp na yan at salungat ang expression niyo sa mga sinasabi niyo? Bakit sinasabi niyong ayaw at worst pero yung ngiti niyo umaabot naman sa mata?" naguguluhan na ako sa kilos ng mga ito e parang nababaliw na ata.
"Abangan mo na lang atsaka kumain ka ng madami atsaka matulog ka ng maaga wag ka na mag puyat para ready ka bukas. Dalawang araw lang naman yun. See you best!" at ayon iniwan lang ako dito na puno ng pagtataka.
Si Vince na nga lang ang tatanungin ko. Asan ba yun?
Panay ang lingon ko sa paligid at pilit hinahanap si Vince ng magsalita naman si Cadmus.
"Ang training camp ay gagawin sa official A.F. camp site, alas quatro ng umaga ang call time alam niyo na ang mangyayari kung late kayo. Wala kayong kailangang dalhin kung hindi ang mga sarili niyo. Nasa mga kwarto niyo na ang gagamitin niyong damit para bukas,"
A.F? Ano naman yun? Malamang camp site kakasabi lang Liam bingi lang? Ano ba nangyayari sakin at kanina ko pa kinakausap ang sarili ko sa isip ko?
Nabaliw na din ata ako dahil sa sinabi ni Epione.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
Aktuelle LiteraturDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...