CHAPTER 28: FIREFLIES
***
Epione Point of View
Pagkatapos ng ginawa ko kay Liam ay agad akong umalis sa lugar na iyon. Dahil ayokong makita niya ang pagsisisi ko dahil sa ginawa ko.
Pakiramdam ko gusto kong maiyak pero may sira na ata talaga ang mata ko dahil wala ng pumapatak na luha dito. Naubos na ata noong nawala si Mommy.
Sa bawat suntok, sipa at daplis ng kunai ko sa katawan niya ay triple ang sakit na nararamdaman ko.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa nagawa ko siyang saktan but I have to, I need to dahil para din naman sa kanya yun.
Sa bawat sakit na binibigay ko sa kanya kasabay nito ang paghingi ko ng tawad sa puso ko. Bawat atake ko may ka-akibat na sorry hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang salitang sorry lalo na at kailangan kong maging matigas.
I don't want him to hate me pero wala akong magagawa kung iyon ang mararamdaman niya after nang mga nangyari kanina.
Sa bawat lakad ko may nagtatangkang umatake pero tinatapos ko na lang agad at syempre nilalagyan ko ng ribbon.
Wait? Speaking of ribbon hindi ko nalagyan si Liam. Kaso wala ano naman mukhang ihaharap ko after ng ginawa ko sa kanya tapos nakukuha ko pa talagang lagyan siya ng ribbon dahil sa bet?
Pero okay lang naman siguro? Siguro naman naiintindihan na niya ngayon for sure naman si Nate na ang nag-explain ng side ko.
Wag na nga lang kasi paano kung sigawan niya ko or worst iwasan na niya talaga ako?
Eh paano kung makita nina kuya si Liam na walang ribbon baka sabihin unfair na naman ako o binigyan ko ng special treatment or worst baka labanan pa nila ito para malagyan ng ribbon.
Nagpabalikbalik lang ako sa pwesto ko habang umiiling, hindi makapagdecide kung lalagyan ko ba ng ribbon si Liam.
Bahala na nga! Bumalik ako at tinawag si Liam, naglakas-loob na humarap sa kanya at ilagay na din ang ribbon.
Nakahiga lang ako dito sa natumbang puno pinag mamasdan ang mga bituin sa langit.
Mommy isa ka ba sa mga star sa langit? Pinapasok ka ba diyan? Kasi alam mo na hehe marami ka ring kasalanan? Joke lang! Mommy, I miss you. Kung may visiting hour lang talaga diyan kung nasaan ka man. Kung may signal lang diyan tinawagan na kita para lang muli kong marinig ang maganda mong boses. Alam kong hindi mo nagugustuhan ang ginagawa namin kaya gusto ko lang din magsorry pero alam din namin na kung ikaw ang nasa position namin ay ito rin ang gagawin mo.
Bigla akong tumayo na ikinagulat naman ng dalawa. Akala ata nila kung anong nangyari sakin. Magstretching lang naman ako para kahit papaano ay mawala ang sakit ng katawan na nararamdaman ko at para maghanda sa final wave ng training.
Hanggang bukas pa kami dito pero sana naman matapos ng maaga miss ko na si Supremo.
Anong oras na din pero wala pa kaming kaen syempre kung hindi sila kakain, hindi din kami titiisin namin yun kahit marinig pa nilang kumalam ang tiyan namin.
Actually pwede naman sila kumain kung naisipan nila na magdala. Kami naman walang problema kung hindi talaga kumain nasanay na kami sa training namin sa Japan na panay tubig lang.
"Oi kayong apat! Bakit ayaw niyo pang pumunta sa camp site? Pabalikbalik na dito yung medic para pilitin kayo," pambasag ni Nate sa katahimikan.
"Okay lang talaga kami. Gusto kasi namin mapanuod yung mga kaganapan bukas," sagot naman noong isang madaldal na hindi ko kilala.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...