CHAPTER 27: DOS ATTACK LIAM
***
Liam Point of View
Nagulat na lang ako nang biglang sumugod si Lee kay Epione. Seryoso ba siya?
"Finally! We meet again Shin-shin," bati ni Epione kay Lee na ikinagulat naman namin ni Kit.
"Ano daw Pre, Shin-shin?" tanong naman ni Kit.
Hindi ko na lang ito sinagot at hindi ko inalis ang tingin kay Epione at Lee.
"So hindi mo pa din pala ako nakakalimutan Eone," sagot naman ni Lee sa kanya.
EONE?! The heck! Kelan pa sila nagkaroon ng nickname sa isa't-isa.
Samantalang noong selection ay parang hindi naman sila magkakilala kung umasta. Inis na inis pa ako noon kay Lee dahil sa mga papuri niya sa itsura at katawan ni Epione noong mga time na yun.
Tapos malalaman ko na magkakilala sila. Gaano sila kaclose para magkaroon ng nickname para sa isa't-isa?
Mukhang hindi lang ako ang may tinatagong ugnayan kay Epione. Mukhang kailangan din ni Lee na mag explain sa amin.
Tumagal ng ilang minuto ang laban nina Epione bago niya pinatumba si Lee at ang nakakainis pa nasugatan pa ni Lee si Epione humanda talaga siya sa akin kapag bumalik na kami sa HQ.
Pero ang mas ikinagulat ko ay ang sinabi ni Epione
"Atleast nakadaplis ka man lang. Oi S1 na daplisan ako nito. Gusto ko siya!"
Ano daw?! Gusto niya si Lee? Gusto bilang ano? Aish. Mukhang magiging sagabal pa si Lee sa lovelife ko.
"Paano ba yan? Nag-iisa ka na diyan," sambit nito habang lumalakad palapit sa pwesto ko.
"Hindi kita lalabanan. Alam mo yan, mas gusto ko pang makaban si S1 kaysa sayo," saad ko habang umaatras palayo.
Hindi ako duwag ayoko lang masaktan siya. Ayokong magkasakitan kami para lang sa training na ito.
Fuck this training.
Pero ang mas ikinagulat ko ay ang tumamang kamao ni Epione sa pisngi ko. Gulat akong nakatitig sa walang emosyon niyang mukha. Nalasahan ko pa ang dugo galing sa pumutok kong labi dahil sa lakas ng suntok niya.
"Fight me Clyde," madiin ang pagkakasabi niya at parang pinipigilan lang nitong sumigaw.
Pero kahit anong sabihin o gawin niya hindi ako lalaban sa kanya. Magpapabugbog na lang ako kaysa masaktan siya.
"Ayoko nga Dos. Si S1 nga ang kakalabanin ko o kaya si Zeph pero hinding hindi nga kita papatul--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng sinapak na naman niya ako ng sobrang lakas.
Halos mahilo ako sa pagsuntok niya sa akin kaya na pa sandal na lang ako sa puno para alalayan ang sarili ko.
"Yan ang mangyayari sayo kapag hindi mo hinarap ang kalaban mo," at bago pa ako makasagot ulit ay isang sipa sa braso ang aking natamo dahilan para matumba ako sa pagkakasandal sa puno.
"Tumayo ka at umatake. Dahil hindi ako titigil hanggat hindi ka lumalaban sakin." Nakatingin lang ako sa kanya at kitang kita ko kung gaano siya kaseryoso.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...