CHAPTER 8

43 22 20
                                    

CHAPTER 8: THE TRUTH

***

Epione Point of View

"No," madiin kong sagot sa mga sinabi ni Liam.

"Anong no? Hindi mo alam ang pinagdaanan namin. Kinuha niya ang lahat samin Epione! Naiintindihan mo ba? Hindi lang yun, nag suicide si Dad nung nawala ang lahat. Sa akin napunta ang bigat ng responsibility dahil na depress si Mommy. Kinakapos ako para sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Wala kang alam kasi nawala ka ng parang bula kaya wag mo tutulan ang mga plano ko. Hindi mo alam ang nararamdaman ko."

Gusto ko matawa sa mga sinasabi niya sakin. Oo, wala ako alam sa pinagdaanan niya pero wala din siyang alam para sabihin sakin na hindi ko alam ang pakiramdam.

"Wala nga akong alam pero sa akin si Annibal Solanno at sorry sa nangyari sa Daddy mo," seryoso kong sambit bago ako tuluyang tumayo at umalis.

Mas lalo mo lang dinadagdagan ang kasalanan mo sakin Solanno. Wag ka mag alala Liam, ako mismo ang maniningil sa lahat ng ginawa niya sa pamilya mo.

"Alam mo na?" tanong ni kuya ng makalapit ako sa table namin.

"Mas lalo atang mahihirapan ka na agawin sakin ang pagpatay kay Solanno," nakangiti kong sagot kahit na puro galit na ang nararamdaman ng puso ko.

"Kung hindi ko kayang agawin sayo pwes tutulungan na lang kita," he offered sincerely.

"The Great Uno Acheron, tutulungan ako? Siguraduhin mo lang na tulong ang ibibigay mo sakin at hindi sakit ng ulo."

"Ano balak mo kay Liam? Gusto mo bang ipasok ko siya sa department mo?" tanong ni kuya.

"Tignan na lang natin sa training. Tsaka oo nga pala yung body guard ni Supremo kailan mo balak ipadala?"

Tatanggapin ko na lang ang katotohanan na hindi na magbabago ang desisyon ni Liam na sumanib sa organisation, gagawin ko na lang ang lahat para hindi siya mapahamak.

"Ilang beses ko na din sinabi sayo na hindi kailangan ni Supremo ng body guard! Tumigil ka nga sa mga trip mo!"

"Bibigyan mo ng bodyguard si Supremo o kikilos ako mag isa sa mga plano kay Solanno?"

Please bigyan mo lang ng isang bodyguard si Supremo, okay na ko as in wala na kong hihilingin pa sayo. Mag yes ka lang kuya.

"Oo na! Bukas na bukas mag kakaroon ng bodyguard si Supremo," napipilitang pagpayag ni kuya na may nakakalokong ngiti.

Ano na naman kaya binabalak ng isang to.

***

Liam Point of View

Ano kaya meron sa reaction ni Epione. Bakit ganoon na lang din ang kagustuhan niya na patayin si Solanno dahil ba matindi nilang karibal yun? Ang babaw ng dahilan niya kumpara sa dahilan ko.

Ang laki na ng pinagbago niya, hindi na siya ang babaeng may malasakit sa kapwa niya marahil kinain na din siya ng kapangyarihan at salapi.

"Clyde, pinapatawag ka ni Uno sa opisina niya."

Ano naman kaya ang kailangan ni Zephyr sakin? Pipigilan din ba niya ako kagaya ni Epione? Kahit ano sabihin niya hindi nila mababago ang desisyon ko.

"Uno, andito na po si Clyde," sambit ng kasama ko.

"Thank you D1, iwan mo muna kami," ani ni Zephyr.

"Ex-bayaw, welcome sa buhay ng mafia," sambit nito.

"Zep-" bago ko pa mabanggit ang pangalan nito ay pinag sabihan niya nw agad ako.

"Uno. Sanayin mo na ang sarili mo na tawagin kami sa mga code names namin. Kalimutan mo na ang nakaraan," sambit nito.

Tumango na lang ako bilang pag sang ayon.

"Uno, kung pipigilan mo din ako sa pag hihiganti ko kay Annibal Solanno, wag mo na ituloy dahil hindi na mag babago ang isip ko," I said without any hesitation.

"Gawin mo ang gusto mo Clyde pero hindi mo din mababago ang isipan namin kami ang tatapos kay Solanno. Matagal kaming naghintay para lang sa mga plano namin."

"Hindi ba parang ang babaw ng dahilan niyo na porket karibal niyo kailangan kayo na ang tatapos? Mas malaki ang ginawa niya sa pamilya ko! Kaya ako, ako dapat ang tumapos sa kanya! Nag pakamatay ang tatay ko dahil na wala samin ang lahat!" hindi ko na matiis ang galit ko at bigla na lang akong sumabog.

"Tingin mo ba iyon ang dahilan namin? Hindi sasabihin sayo ni Dos ang tunay na dahilan kaya kami nawala kaya mabuti pa sabihin ko na sayo ng malinawan yang makitid mong utak! Nag suicide ang tatay mo dahil na wala sa kanya ang lahat? We are sorry to here that pero pinatay ang nanay namin ni Solanno ng walang kalabanlaban! At wala kaming na gawa! Nag tago ang mga kapatid ko na akala mo ay mistulang mga daga! Pinapanood ang sunod sunod na pagtama ng mga bala sa nanay namin. Nasaksihan nila yun. Naiintindihan mo? Ngayon mo sabihin kung mababaw ang rason namin."

Parang na pako ang mga paa ko sa nalaman ko. Ang tanga ko lang. Anong karapatan ko mag salita ng ganito kay Zephyr at Epione, wala din naman akong alam sa pinagdaanan nila.

"Ayaw mag paalam sayo ni Epione kaya mas pinili namin na mag laho na lang bigla. Ayaw ka niyang madamay. Higit sa lahat hindi kami pwedeng mag karoon ng kahinaan," dagdag pa ni Zephyr

"I'm so-"

"Don't be, wala ka namang alam. Buti na lang at sa akin mo lang sinabi yan dahil kung nag bitaw ka ng ganyan kay Dos baka nasa ospital kana ngayon."

Gusto kong tumakbo kay Epione at yakapin siya. Gusto kong mag sorry na wala ako sa tabi niya ng mga panahon na kailangan niya ko.

"Hindi yan ang dahilan kung bakit kita pinatawag. Yung ex mo nag re-request ng bodyguard para sa pinakamamahal niyang Supremo at naisipan ko na ilagay ka muna dun kasabay ng training mo," sambit ni Zephyr

Supremo? Supremo na naman. Ilang beses ko ba kailangang marinig yang supremo na yan tapos kailangan ko pang protektahan ngayon? Whataaa life!

"Bukas, pumunta ka sa address na ito. Atsaka yung pag-aaral ng mga kapatid mo at therapy ng mommy mo sasagutin na ng mafia hindi dahil sa awa o dahil kay Dos ganto talaga sa Akeron Mafia yun ang iniwan ng Mommy namin na privileges sa mga members," dagdag pa ni Zephyr.

"Thank you," yun na lang ang pa ulit ulit na lumabas sa bibig ko. Bukod sa pag hihiganti kailangan na kailangan ko talaga ng pera para kay Mommy at sa mga kapatid ko para akong nabunutan ng tinik sa puso.

***

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon