CHAPTER 18: PERSONAL NURSE
***
Liam Point of View
Ilang oras na ang nakalipas simula nang mabigyan ng antidote si Epione pero hindi pa rin siya nagigising kaya matapos kong mag ayos e pinuntahan ko agad siya sa kwarto niya para bantayan.
Naratnan ko naman na nakapatong ang pinakamamahal niyang pusa kay Epione at pinagmamasdan lang din ang kanyang amo.
"Bakit ganyan kang makatingin sa lablab ko? Wag mo sabihin na uunahan mo pa ako sa pila ha," sabay kuha ko naman dito para ilagay sa lap ko.
"Maigi naman at hindi nagsusungit si Supremo sayo?" nagulat naman ako sa biglaang pag sulpot ni Zephyr.
"Hindi ba talaga uso ang katok dito? Ginulat mo ko e," sagot ko naman sa kanya.
"Mommy.. ~" banggit ni Epione kahit na natutulog siya.
"Lagi siyang ganyan," sambit naman ni Zephyr.
Mukhang may malalaman na naman ako about sa pinagdaanan ni Epione. Gusto ko man na siya mismo ang magkwento pero wala e lagi siyang inuunahan ng mga kapatid niya.
Hindi na ako sumagot at naghintay na lang din kung meron pa siyang sasabihin at hindi naman ako binigo ni Zeph.
"Simula noong nawala si Mom lagi na siyang ganyan. Tinatawag si Mommy kapag natutulog siya. Dumating nga din sa point na ayaw niya nanylg matulog dahil lagi daw niya nakikita sa panaginip niya ang nangyari noon kaya pinili niya maging isang reaper para daw sa umaga na lang siya matutulog o kung minsan wala pa baka daw kasi hindi na siya managinip kasi umaga na daw," umiiling na kwento ni Zephyr.
Hindi naman na nag salita muli si Zephyr after niya i-share yun. Nakasandal lang ito sa upuan at binabantayan lang din si Epione.
"Uno, matulog ka na baka nakakalimutan mong napuruhan ka din at sinalinan ka pa ng dugo. Ako na muna bahala kay Dos, " pagbasag ko sa katahimikan.
Alam kong hindi din magugustuhan ni Epione kqpag nalaman niya na binantayan pa siya ni Zeph kahit na kailangan din nito na mag pahinga.
"Wala naman talaga akong balak mag bantay. Bored lang ako sa kwarto tsaka kukunin ko rin lang talaga si Supremo. Masamang damo yan babantayan ko pa? Bro, tulog mo na lang din yan. Kaya niyan ang sarili niya," cool na cool pang paliwanag niya sabay kuha sa pusa at walang lingonlingon na lumabas ng kwarto.
Sus! If I know naman na alalang-alala din si Zeph. Tanda ko pa dati noong nilagnat si Epione tapos wala sila Tito at Tita. Sumugod pa sa bahay si Zephyr buhat-buhat si Epione at kasunod naman niya si Cadmus sobrang taranta niya at hindi alam ang gagawin.
Kaya ending si Mommy ang nag-alaga kay Epione.
Nakakatawa talaga kapag naaalala ko iyon.
"Anong tinatawa mo diyan?" na gulat naman ako sa tanong ni Epione.
"Gising ka na?" tanong ko naman dito.
"Nakamulat na nga, nagtanong na nga, nagsasalita na nga tapos tatanungin mo pa ako kung gising na ako? Hindi pa ba obvious?" mataray na sambit nito.
Sungit naman nito.
"Kamusta na pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo? Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng maiinom?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Ayan ka na naman sa walang preno mong tanong. Okay na ko. Walang masakit. Gutom at uhaw na ko," sagot naman niya.
"Ikukuha kita ng food. Wait," akmang lalabas na ko ng mag salita ito.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...