CHAPTER 5

80 31 81
                                    

CHAPTER 5: SELECTION PROCESS PART 2

***

Epione Point of View

Nagsimula na ang countdown para sa mga applicant at heto ako nakaupo lang sa gitna ng stage.

I'm wearing a plaid jacket na color brown and a black fitted dress paired with my new lace-up front skate white shoes.

"Saan ang gala ng baby sister ko?" pambasag sa katahimikan ni kuya Zephyr.

"Ano ka ba kuya lagi mo na lang tinatanong ang gala niya, alam naman natin na kahit nga nakikipagbarilan na 'yan ganyan na talaga ang pananamit niya para daw pag namatay siya maganda at sexy pa din siya which is impossible naman daw na mamatay siya kasi nga ubod ng galing niya. Hindi ba ate? Tama ako?" sagot naman ni Cadmus na halata naman sa boses ang pag ka sarcastic.

Kung hindi ko lang talaga kapatid itong mga 'to. More patience pa Epione.

"Sino ang may sabi na sumagot ka for me? Atsaka wag niyo nga ako pansinin akala niyo naman ako lang ang ayos na ayos e akala ko nga may audition kayo ng sayaw at tulad pa kayo ng suot!" pang aasar ko sa kanila.

Nakasuot lang naman sila ng denim with white shirt na panloob tapos naka ripped black pants paired with white sneakers.

"Syempre baby sis kami ang back-up dancer mo!" sagot naman ni Kuya Zeph.

Kaya ayun nag simula na ang habulan habang pinipigilan naman kami ni Cadmus.

Kahit nagsisidatingan na sa hall ang mga applicant ay patuloy lang ako sa pakikipaghabulan sa dalawa kong kapatid hanggang sa bigla silang nagtago sa likod ni Liam.

"Oh! Ano! Kung matapang ka talaga halika dito," pang aasar naman ni kuya Zeph.

Pero kung ang akala nila ay hindi ako makakalapit pwes nagkakamali sila. Mabilis akong lumapit sa dalawa at hinila sila sa tenga papunta sa taas ng stage.

Ewan ko na lang kung may rerespeto pa sa dalawa kong kapatid.

"Good morning! Pasensya na sa kaguluhan na nilikha ni Dos." Tumatawang paghingi ng pasensya ni kuya Zeph.

Ako pa ngayon ang gumawa ng gulo? The nerve of this guy! Arghh sarap sapakin sa face.

"Wala kaming dapat ihingi ng pasensya sa inyo," dugtong ko naman sa sinabi ni kuya Zeph.

Sinamaan naman ako ng tingin ng dalawa kong kapatid. Bahala nga sila kaya kami madalas traydorin ng mga tao dahil masyado silang mabait.

"Binabati ko lahat ng naririto, kayo ay pumasa sa unang bahagi ng selection pero hindi pa natatapos ang proseso. Maging matalas ang inyong isipan, magtiwala sa mga makakasama higit sa lahat pahalagahan ang buhay ng bawat isa," anunsyo ni kuya Zeph.

"Ang pagpasok sa buhay na ito ay hindi madali. Buhay ay laging nasa panganib. Inilalagay natin sa mga kamay natin ang batas. Kahit kailan hindi tayo ang hero ng istorya. Maraming makakaaway, maraming hindi makakaintindi sa buhay na pinipili ninyo," pagpapatuloy ni Cadmus.

"Hindi namin kayo pinipilit na magpatuloy. Bubuksan muli namin ang pinto for those who doesn't want to continue anymore pero tandaan ninyo hindi ninyo maaaring banggitin ang tungkol sa Akeron dahil ako ang makakaharap ninyo at hindi niyo magugustuhan na makita akong muli,"  nagpakawala ako ng isang nakakakilabot na ngiti na nakapagpatungo naman sa kanila except sa isang tao.

Tumingin ako sa taong kanina ko pa nararamdaman ang tingin. Paano ko hindi mapapansin? Eh siya lang naman ang tumitingin ng diretso sakin dahil halos lahat ng tignan ko ay nagiiwas ng tingin at ang iba naman ay nakatingin sa pinto na unting-unti ng bumubukas.

Tignan natin kung sino ang unang iiwas ng tingin. Walang emotion ko siyang tinignan at ewan ko sa lalaki na ito kung bakit ngitingngiti siya sakin nakalimutan na ba niya ang huli naming napagusapan? Parang kahapon lang ramdam na ramdam ko ang galit niya tapos ngayon halos hindi na makita ang mga mata niya sa pag ngiti.

From 48, naging 32 applicants na lang ang natitira. Bakit kasi may pa-selection pang naiisip ang pamilya namin ang hassle tuloy akala mo naman naghahanap lang kami ng employee o artista sa halip na kasama ko si Supremo at natutulog ay naguubos ako ng oras sa selection na ito.

"Simulan na natin nakakatamad na," nabalik ang atensyon ng lahat ng mag salita ako.

"Let's play, Hide and seek. Hahanapin ko kayo after kong kumain kaya sige na mag tago na kayong mabuti." Bumaba na ko ng stage para kumuha ng pagkain sa buffet table.

"Dos, hindi mo na naman inexplain sa kanila ng maayos hindi mo sinabi na kailangang hindi sila mahanap sa loob ng labing lima minuto dahil kapag nahanap mo sila isa lang ang ibig sabihin nito, hindi sila nakapasa," sambit ni kuya Zeph.

"Alam mo Uno, mamaya mo na isipin yan mas exciting nga kapag hindi nila alam yun e. Wag ka ng magulo dahil hindi naman ikaw ang facilitator. Hayaan mo ko. Tatakutin ko lang din ng konti. Tsaka nag-adjust na nga ako e alam mo kung gaano ko kabisa ang lugar na ito at wala pang 15 minutes ay mahahanap ko na silang lahat pero heto ako ninanamnam ang breakfast ko, nagaaksaya ng oras dahil request mo. After 7 minutes ako mag hahanap ano okay na ba yun?"

"Hoy Dos! Paulit-ulit ko lang din ipapaalala sayo na please wag mo silang uubusin mag tira ka naman! Kailangan natin mag dagdag ng tao!" sigaw naman ni Uno.

Ang hirap talaga magkaroon ng demanding na kapatid tapos kung makasigaw pa akala mo naman malayo kami sa isat-isa.

After 7 minutes katulad ng pinangako ko kay Tres heto ako at nagsimula na sa paghahanap. Ang obvious naman kasi ng mga pinagtataguan ng mga ito. Hawak ko si summer na isa ding pistola siya ang kakambal ni winter.

Ewan ko ba sa sarili ko hindi ko maalis sa ugali ko ang pagbibigay ng pangalan sa mga gamit ko.

Nakita ko na ang unang target ko, isang lalaki na nakatago sa likod ng isang pinto.

"Hi darling! I told you to hide." Tinutok ko ang baril sa mukha ng lalaki.

"Wag po. Maawa po kayo saki--" hindi ko na siya pinatapos at pinaputok ko ang baril.

"Hahahaha alam mo nakakatawa ang itsura mo napaihi ka pa," sambit ko ng lumabas ang tubig sa baril na hawak ko at hindi ko mapigilan ang pagtawa ko.

Si summer ay isang water gun na kahawig na kahawig ng pistol ko na si winter sabi ko naman kanina na tatakutin ko sila.

Dahil sa reaction niya ay naexcite pa ako na maghanap kanina kasi tinatamad na ako.

Sunod sunod ko silang nahanap. 10 seconds na lang ang kailangan mga 15 applicant na lang siguro ang natitira siguro naman ay sapat na bilang na iyon para kay Uno.

"Teka lang parang may nakalimutan ako?"

Pilit kong iniisip kung ano ba ang nakalimutan kong gawin ng biglang tumunog ang bell na tapos na ang ikalawang bahagi ng selection.

Kasabay nang pagtunog ng bell na 'yon ay naalala ko ang nag iisang goal ko kaya ko pinili maging facilitator! Si Liam! Siya ang dapat na I-eliminate ko pero na distract ako sa pangtitrip ko sa ibang applicant.

***

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon