CHAPTER 36

12 1 0
                                    

CHAPTER 36: DEATH ANNIVERSARY

***

Liam Point of View

Isang malungkot na araw. Isang araw na magpapaala ng masakit na nakaraan. Ang araw kung kelan nawala si Mrs. Herametis "Queen" Acheron.

Malungkot na nga ang lahat sinabayan pa ng malakas na buhos ng ulan.

Nakaupo lang kami sa salas, pinagmamasdan ang bawat members na dumadaan. Kitang-kita sa bawat isa sa kanila kung gaano nila minahal si Tita Hera.

Gusto ko sanang itext ang magkakapatid na Acheron kaso hindi ko magawa. Napagalaman din namin na walang training sa tuwing sasapit ang death anniversary ng Mafia Queen.

Bawal din sumali sa mga battle ground battles ang mga members. Lahat ng mga members na pinadala sa mission ay kelangan bumalik dito sa tuwing sasapit ang Death Anniversary ni Tita Hera.

Bawal din lumabas ng H.Q. Lahat ay kelangan mag suot ng light blue dahil ito ang paboritong kulay ni Tita. Punong-puno din ng sunflower ang bawat sulok ng H.Q. Nag mistulang sunflower field ang garden dahil ito daw ang paboritong bulaklak ni Tita.

Paulit-ulit din ang pag-play ng Only Hope na si Tita ang kumakanta at tumutugtog ng Piano.

"Liam," tawag sakin ni Nate.

Nilapitan ko naman ito ng mapansing kakaiba ang kilos nito parang puno ng pagaalala.

"Ano problema?" tanong ko sa kanya.

"Nawawala na naman ang ESU," sagot naman nito.

Paanong nawawala? Death anniversary ng Nanay nila kaya paanong nawawala?

"Sumama ka sakin. Sunduin natin si Dos." Naglakad na siya palayo kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Nakita ko naman ang nag tatakang mga mata ng mga nila Kit pero mukhang gets na agad ni Vince ang rason kung bakit kami aalis.

"Saan natin susunduin si Dos? Akala ko ba nawawala siya?" tanong ko dito ng makapasok kami ng sasakyan.

"Sa puntod ni Tita Hera. Nawawala nga pero nakausap daw ni tito si Hawk at ang sabi nito puntahan daw ang puntod ni Tita. Matagal siyang nawala at hindi pa siya pumupunta doon simula noong umuwi sila dito kaya sigurado daw si Hawk na doon makikita si Dos,"sagot naman ni Nate.

Hawk? Si Hawk na naman. Mukhang close pa pala si King kay Hawk.

Nang makarating sa gate ng H.Q. ay nakailang busina si Nate dahil ayaw siyang pag buksan ng dalawang nag babantay.

"S1, alam mo ang rules. Pinagbabawal na lumabas ang kahit na sino sa araw na ito," saad ng Head Security ng H.Q.

"Alam ko naman yun Cage pero may pahintulot ako ni King," Tumakbo naman agad si Cage upang buksan ang gate.

Ngayon ko lang din na pansin ang mga nakataling mga papel at bulaklak sa gate.

"Mga sulat yan galing sa mga pamilyang na tulungan ni Tita Hera," saad ni Nate.

Na halata niya ata ang pagtataka sa aking mukha.

"Napakabait naman kasi talaga ni Tita Hera. Hanggang ngayon nga hindi pa din ako makapaniwala sa malupit na sinapit niya. Hindi yun deserve ng kahit na sino lalo na ni Tita,"

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon