CHAPTER 35

8 2 0
                                    

CHAPTER 35: THE FALL

***

Epione Point of View

Pinahatid ko na si Liam sa H.Q. after naming mag usap. Hindi ko alam kung bakit kelangan ko pang i explain sa kanya ang mga bagay-bagay lalo na at wala na naman kaming relasyon.

Pinagmasdan ko ang picture naming dalawa at heto na naman ako hindi matigilan ang pag dagsa ng mga alaala.

FLASHBACK..

Nakakatawa ang itsura ni Liam ng marealize niya kung sino ako. Hindi ko naman na talaga ineexpect na maaalala pa niya ko sa tagal na ba naman ng panahon na yun, masyado pa kaming mga bata that time.

"Kelan ka pa bumalik? Si Nate, babalik na din ba? Loko kasi yun hindi nag paparamdam" tanong nito sakin.

Malamang hindi talaga mag paparamdam yun busy sa pag aaral niya at pag gawa ng ibat-ibang klaseng kalokohan.

Kahit na nasa U.S. si Nate umaabot ang kalokohan niya sa Japan.

"Hindi pa e, siguro baka after College na yun bumalik." sagot ko naman sa kanya.

Nag simula na ang klase at itong katabi ko ayun nakatunganga pa din sakin. Mukha ba kong blackboard? Ako pa ang guro? O may dumi ako sa mukha?!

Kinuha ko agad ang salamin sa bag ko at tinignan ang mukha ko pero wala naman.

"Maganda ka hindi mo na kelangan icheck pa sa salamin." bulong naman ni Liam.

Ano trip niya? Kung ano-ano ang pinagsasabi siguro nagugutom na. Konting minuto na lang naman at Break time na.

"Tara sa cafeteria! Libre kita, tagal nating hindi nag kita e."

Pumunta lang kami sa Cafeteria at ayun naiilang na naman ako sa mga tingin at bulungan ng mga tao.

"Siya ba yung model? Grabe ang ganda niya."

"May boyfriend na kaya siya?"

"May kapatid daw yan e ang popogi daw!"

"Mukhang ang bait din niya."

"Bagay sila ni Clyde, sana maging sila."

"Ui bagay daw tayo." nakangiting saad ni Liam at namumula pa ang pisngi.

"Gutom lang yan" napasimangot naman siya sa sagot ko.

Bakit ano gusto niyang isagot ko? Alangan naman na mag agree ako sa kanya. Ngayon nga lang ulit kami nag kita e.

"Ahm.. Epione may boyfriend ka na ba?"

Chismoso din pala ang isang ito kaya naman pala mag best friend sila ni Nate e.

"Wala." maikling kong sagot.

Hindi kasi ako comfortable sa mga gantong usapan. Sa bawat fashion show or sa mga photoshoot ko lagi na lang yan tinatanong sakin parang hindi nga sila nag tatanong ng tungkol sa achievements ko lagi na lang about sa lovelife ko.

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon