CHAPTER 2: HUNTED BY THE PAST
***
Please be advised that this story contains sensitive content, mature themes and strong language that are NOT suitable for very young audiences.
Read at your own risk.
***
Narito ako sa isang restaurant dahil may nakapagsabi sakin na nakita daw nila si Annibal Solanno na laging pumupunta sa restaurant na ito.
Kahit hindi ako sigurado kung makikita ko siya rito ay pinili ko pa ring pumunta kahit wala pa akong plano kung ano ang gagawin ko kapag nakita ko siya.
He killed our Mom. He killed the first woman and co-founder ng mafia. Because of the death of our mother kailangan naming talikuran ang tahimik na buhay at pati na ang mga taong mahahalaga sa sa amin dahil maaari namin silang maging kahinaan.
Tandang tanda ko pa ang mga nangyari 7 years ago, naghahanda na ako dahil may practice kami para sa graduation at magkikita kami ng matagal ko nang kasintahan para sa ika-limang taong anibersaryo namin. Paalis na sana ako ng bahay noong bigla akong nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril.
"Athena, pumasok kayo sa secret room ng library. Artemis, ikaw ang kuya protektahan mo ang mga kapatid mo. Achilles, be brave kasama mo naman sila kuya mo," kalmado siyang nagsasalita subalit mababakas mo sa kanyang mukha ang pag-aalala.
Pagkasabi niya nito, tumalikod na siya upang harapin ang mga taong umaatake sa amin. All I can see that day is a brave woman, a brave mother who is willing to give her life just to protect her beloved children.
Tumakbo kami papasok sa secret room ng library.
"Athena," sabay abot sakin ni kuya Artemis ng baril.
"No. Ayoko. Kuya hindi tayo gagamit niyan. Nangako tayo kay Mommy na gagamit lang tayo niyan kung willing tayo pumasok sa mundo nila. We have our own dreams kuya malayo sa buhay na tinatahak nila dahil iyon din ang gusto nila kaya no kuya," pagtanggi ko sa gusto niyang mangyari.
"Wala dito si Dad, Lagpas sa kalahati ng mafia wala dito dahil sa malaking transaction na inaasikaso nila ngayon. Sa tingin mo kaya ni Mommy mag isa? Sa tingin mo gusto ko talikuran ang pangarap ko? No! I'm not but still hindi ako magiging duwag na mag tatago na lang dito na parang isang daga!" after ni kuya Artemis sabihin yun ay iniwan niya na kami ni Achilles.
I saw Achilles looking at something kaya lumapit ako and I saw a monitor, a CCTV monitor. Kitang kita naming dalawa ang nangyayari sa labas. Pinilit kong takpan ang mata ni Achilles but he refuse.
We saw our mom sa isang monitor at nakita din namin ang isang lalaki na may katangkaran, halos parang kaedarin ni Dad at malaki ang pangangatawan nito na nakikipagtutukan ng baril kay Mom.
Then I saw him pull the trigger na tumama sa kamay ni Mom kung saan hawak niya ang isang pistol, hindi pa nakukuha ni Mom ang kanyang baril ng biglang pinaputukan na naman niya si Mom sa binti at sunod sunod pang mga bala ng baril ang pinaulan niya sa Mommy namin. Unting-unti bumagsak si Mom sa bawat natatamo niya, sa bawat pag putok ng baril kumakawala ang luha sa aming mga mata.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...