CHAPTER 16: AKERON EXIT PLAN
***
Liam Point of View
Nakasakay na kami sa sasakyan ni Cadmus na isang black chevrolet colorado at patuloy lang kami sa pag-abante papunta sa building na pinasabog.
Halos kumakalat na ang apoy sa 1st floor papunta sa 2nd floor. Hindi pa din tumatawag sila Zeph samin kung ano na ang status nila.
"Bingo!" sigaw naman ni Cadmus at ng matignan ko kung sino ang tinitignan walang iba kung hindi si Solanno.
Halos paulanan ni Cadmus ng bala si Solanno pero hindi naman niya ito pinapatamaan sa katawan kung hindi naka focus lang siya sa hahakbangan ni Solanno kaya para siyang nagsasayaw at naghihiyaw sa sobrang inis at takot.
At si Cadmus? Ayun tuwangtuwa lang naman sa mga trip niya. Babarilin ko nga din sana si Solanno kaso pinapaulanan din kami ng bala ng mga kasama niya.
Hindi ko nga alam kung paano nagagawa ni Cadmus magdrive at mangtrip kay Solanno ng sabay. Noong makuntento naman si Cadmus ay umikot lang kami sa likod ng building at nagpark lang doon.
Pababa na sana ako ng sasakyan pero pinigilan naman niya ako ulit.
"Bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"Maghihintay lang tayo. Manunuod lang. Kapag may kalaban na umatake satin saka tayo lalaban pero sa ngayon maghihintay lang tayo, " sagot naman niya sakin.
Maghihintay na naman? Hanggang kailan ba ako maghihintay. Nakakainis naman.
"Bro, Alam ko naiinis ka kasi puro hintay lang ginagawa natin pero isipin mo ito paano kung sumugod tayo doon at nauna pa tayong na puruhan bago nila hingin ang tulong natin? Edi walang tutulong sa kanila higit sa lahat magiging pabigat pa tayo, Kayat habang kaya pa nila mag tiwala ka lang sa kanila," sagot naman niya.
Nababasa ba niya ang naiisip ko.
"Hindi ko nababasa ang iniisip mo sadyang obvious lang sa mukha mo," dagdag pa ni Cadmus.
"Anong pakiramdam mo nang makita mo si Solanno?" tanong naman niya sakin.
"Hindi ko alam. Galit ako, oo pero mas naiisip ko si Epione ngayon kesa sa galit ko. Iniisip ko kung okay lang ba siya? Kung nasaktan ba siya? Kung ano naiisip niya ngayon na nakaharap niya si Solanno lalo na ang mapanuod ulit ung CCTV footage ng pagkawala ni tita," sagot ko naman sa kanya.
Ewan pakiramdam ko nawala sa isipan ko yung revenge ang naiisip ko lang ngayon e sana safe si Epione.
"Mahal mo talaga si ate ano? To the point na handa kang kalimutan iyong paghihiganti mo, " ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya.
Yeah, He's right. I'm just wondering kung masama na ba akong anak dahil inuuna ko pa yung taong mahal ko higit sa pag hihiganti ko para sa pamilya ko.
Bigla naman nagring yung phone ni Cadmus at ni loudspeaker naman niya ito para marinig ko rin.
"Hey there brother!" bungad naman ni Zeph sa kanya.
"Oh kamusta diyan sa impyerno? Mainit ba?" tanong naman ni Cadmus sa kanya na nakangiti pa parang inaasar ang kapatid niya.
"Oo mainit kaso hindi kami bagay dito e kaya alis na lang kami. Nasa location na kayo?" tanong naman ni Zeph.
"Yup! Just waiting for your grand exit," sambit naman ni Cadmus.
Hindi naman agad sumagot si Zeph at rinig na rinig namin ang hingal niyang boses.
"Uno! Dapa!" sigaw ng pamilyar na boses.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...