CHAPTER 46: TICKING BOMB
***
LIAM POINT OF VIEW
Nadala na namin ang mga bata sa isang safe na lugar pero hanggang ngayon wala pa din si Epione.
Wala pa din feedback si Hawk kung ano na ang status nila.
"Uno, ano nang status niyo?" tanong ni Cadmus ng macontact na si Zeph.
"Fine," pansin ang pagiging husy sa boses ni Zeph kaya nagkatinginan kami ni Cadmus at bakas sa amin ang pagaalala.
"Shit! Are you hurt? Bakit ganyan ang boses mo? Do you need back up?" tanong naman ni Cadmus.
"The heck? Why do I need backup? I just woke up kaya ganto ang boses ko. Isang beses ko nga lang inangat ang baril ko. S1 can handle everything kaya ginamit ko na lang ang oras ko sa pagtulog. Huwag kang OA," sagot naman ni Zeph at walang alinlangan na binabaan ni Cadmus ng call si Zeph.
"Bastard!" singhal ni Cadmus at inis na inis na naman sa kuya niya.
"L, na contact mo na ba si Hawk?" tanong ko kay L.
Umiling naman ito bilang sagot at panay ang pindot sa laptop.
"I think may nag iinterfere sa communication system natin. I tried to call him through my phone but to no avail," ani ni L.
"Wait, ano itong mga yellow dot na nadedetect ng watch ko?" tanong ni Cadmus.
Agad ko namang chineck ang watch ko at ganun din ang lumalabas. Bigla namang napatayo si L at sinubukan ulit tawagan si Hawk. Panay din ang mura nito.
"Damn it! Umalis na kayo dito at isama yung mga bata. Babalik ako doon." Paalis na sana si L noong pinigilan siya ni Cadmus.
"Care to share kung ano ang nangyayari?" tanong ni Cadmus.
"Yang mga yellow dots na yan ay mga bomba kaka activate lang ng mga yan pag nag orange na yan ibig sabihin isang minuto na lang kapag nag red na 10 seconds na lang bago sumabog ang bomba. I need to go back para masabihan sila dahil hindi sila nag reresponse," sagot naman ni L.
Shit lang! Alam nga namin ang location ng mga bomba pero sa dami nito mahihirapan kami idifuse to.
Napadapa kami ng biglang sumabog ang isang parte ng building.
Medyo natagalan din kami sa pagbangon dahil medyo malakas ang impact noong pagsabog kahit nasa malayo na kami may tumatalsik pa din na mga debris. At parang nahilo pa ata ako sa nakakabinging pagsabog na yun. Ang sakit sa tenga fuck!
Mas unang nakarecover si Cadmus sumunod naman si L na agad inabot ang phone niya.
"V, I am sending you my current location. Pumunta na kayo dito at dalhin niyo sa hideout yung mga bata. And try to recover our communication I think may bug sa communication natin kay H!"
"Fuck! Tres can you wait for my sister V here? Just tell her the code that you told me earlier. She is coming to get all of you. I'll go to back up our stubborn leaders," saad ni L.
"Wait L, I'm coming with you." Habol ko sa kanya.
"No Clyde! Mapapatay ako ni Dos at hindi ka pa gaano sanay sa ganto, you havent finish your training. You stay here and I--" hindi ko na pinatapos pa si Cadmus.
"Please tres hayaan mo naman na gawin ko to para kay Dos."
Umalis na ko at nauna kay L kahit hindi pa sumasagot si Tres.
"For sure you will get disciplinary action for that. I guess you have feelings for M but you are too late. You shouldnt stop before until you find her," ani ni L noong naabutan na niya ko.
"How did you know na tumigil ako? Hindi ako tumigil," sagot ko.
I saw how he smirked and believe me I want to punch this guy right now.
"Yeah right before ka pumasok sa Akeron Mafia pumunta ka sa bahay ni Leader M. Nagsisisigaw ka doon at sinabi na you will stop na sa paghahanap sa kanya. Na pagod ka na at suko ka na sa kanya hindi ba? Sorry at narinig ko Its just that doon ang hideout namin. Spoiler alert, she heard you too. Even H heard you." Napatigil ako sa revelation ni L. Parang huminto ang mundo ko sa nalaman ko.
Kaya ba ganoon umasta si Dos sakin?
"Nope hindi lang niya inexpect na magkikita kayo dahil wala na sana siyang balak magpakita pa lalo na at magulo na ang mundong ginagalawan niya. May oras na naaalala ka niya. Namimiss sabi ni H. She is confused sa nararamdaman niya but if you are thinking na baka may chance pa. I just want you to know that M and H are in a situationship," ani ni L na parang nabasa ang isip ko.
"How did the two of them meet?" tanong ko kay L.
"I'll tell you if you survive,"
Konti na lang pala maaabot at makikita ko na siya pero ako din mismo ang sumuko.
Mahal ko si Epione at kung mahal niya pa ko aagawin ko talaga siya kay Hawk pero kung talagang si Hawk na ang mahal niya wala ako magagawa kundi ang palayain siya.
Baka pinagtagpo lang talaga kami para maging isang piece lang ng puzzle sa buhay ng isat isa.
Alam ko na ung pagmamahal namin sa isat isa totoo yun pero siguro dahil sa pinaglayo kami ng sitwasyon hindi na naging enough ung love na yun para sa kanya.
Hindi ko din talaga siya masisisi kung nag mahal siya ng iba pero ang sakit lang talaga.
Wala na kong iba pang mamahalin bukod sa kanya kaya kahit hindi na ko ang laman ng puso niya patuloy ko pa din siyang mamahalin. At sana kung may susunod pang buhay sana hindi na maging kontrabida ang tadhana sa aming dalawa.
Naputol ang pagiisip ko ng biglang may sumabog na naman dahilan para mapatalsik kami.
Ramdam kong may mga tumama sakin pero wala akong oras para indahin ang mga yun.
Nakita ko si L na nakahiga pa din hindi kalayuan sa pwesto ko kaya paika ika ko itong nilapitan.
Shit! Nakita kong may nakatusok na glass sa kanang bahagi ng dibdib nito. Napapangiwi si L sa sakit pero heto siya at pinipilit pa din na tumayo.
"Dito ka na lang ako na ang bahala, siguro naman alam mo na ayaw ni Dos na namamatayan ng kasamahan o nasasaktan ang sino mang member ng group niya." Iniwan ko na siya doon bago pa siya kumontra.
The time is ticking at wala akong oras makipagpilitan sa kanya. Epione needs me.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...