CHAPTER 10

40 19 17
                                    

CHAPTER 10: Long Night

***

Liam Point of View

Ilang oras na ang nakalipas simula ng umalis sila Uno at Epione at eto ko binabantayan itong pinakamamahal niyang pusa na ang sama sama ng tingin sakin na akala mo naman ay kung sino.

"Wag mo nga ako tignan! Baka gusto mo gawin kitang siopao!" sigaw ko sa pusa na hindi man lang natinag sa kakatingin at balak pa ata ako kalmotin sa baba ko buti na lang hindi mahaba ang kuko niya.

"So you're fighting to a cat now?" saad ni Tres na hindi ko man lang napansin na pumasok at na sa likuran ko na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"So you're fighting to a cat now?" saad ni Tres na hindi ko man lang napansin na pumasok at na sa likuran ko na.

Napansin din niya ang pagkagulat ko at dumiretso lang para kunin sakin si Supremo.

Umupo na lang din ako sa katapat ng upuan niya at nag dadalawang-isip kung mag tatanong ba ako ng mga bagay bagay. It's been years since we saw each other, kung noon close na close pa kami at napaka childish din niya kung kumilos pero ngayon gaya ng dalawa niyang kapatid malaki na din ang pinagbago niya.

"Spill," biglang sabi niya kaya hindi na ako nag dalawang-isip pa na magsalita.

"Ano ang nangyari simula nung.." hindi ko matuloy ang sasabihin ko at tumahimik na lang. Hindi din naman siya sumagot kaya hahayaan ko na lang sana ng biglang--

"Simula noong namatay ang Mafia Queen?" saad niya at tumango naman ako bilang sagot.

"Everything is a chaos, lumabas kami ng secret room noong napanuod namin si Mommy na binaril. Susugod sana mag-isa noon si ate pero nagpumilit ako na sumama. Ilang taon lang ako noon at halos mapaihi na ko sa takot hindi pa man kami nakakalabas noong bumungad samin si kuya at sinabing wala na kaming magagawa and then nang lumabas na kami blood splatter is everywhere I looked. Madaming katawan ang nakahandusay, madaming humihiyaw sa sakit at nang mapunta kami sa lugar kung nasaan si Mommy naging tahimik ang paligid wala akong nakikita kundi ang Mafia Queen, our beloved mother covered with her own blood and the next thing we knew inaakay na kami ng ibang tauhan pati ni Dad pataas ng roof deck dahil may nag-aabang na chopper para umalis kami nagwawala pa kami nun dahil maiiwan namin si mommy but we can't do anything about it because it is too dangerous. The next day,we bury our Queen kasama na din noon ang mga pangarap at katauhan na nakasanayan namin. Then next week after that incident walang kamatayang training na ang dinanas namin and then here we are again waiting for the perfect time for our vengeance," wala ka makikitang emotion sa mga mata niya blangko pero kahit ganun ramdam mo ang sakit ng pinagdaanan nila.

"Sorry kasi kailangan ninyong pagdaanan yan. Gagawin ko ang lahat para makatulong sa inyo lalo na sa ate mo," at bigla naman siyang na patawa sa sinabi ko, napakunot ang noo ko ng dahil sa hindi ko maisip kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko.

"Seriously Clyde, baka ikaw pa ang protektahan ni ste. Iyong ate ko na sinasabi mo e malayong malayo na sa Dos na gusto mong protektahan, mas mahirap ang pinagdaanan niya at malaki din ang kailangan niyang patunayan dahil siya ang nag iisang babae sa mafia. Hindi mo pa nakikilala ang totoong Dos. The Mafia Princess," seryoso niyang sambit, ewan ko ba pero hindi naman nakakatakot ang expression niya at sinabi niya pero bakit nagtaasan ang balahibo ko.

Arghhhh..... Nakakaasar! Wala na ba talaga ang Epione na minahal ko? Bwisit talaga yang Solanno na yan. Lahat sinira niya. Humanda talaga yan sakin. Pababagsakin ko siya, at ibabalik ko ang dating Epione.

Pero teka nga! Asan na ba kasi ang Reyna ko. Kung Mafia Princess siya pwes para sakin siya ang reyna ko. Yieee kinikilig ako sa iniisip ko nakakabakla.

"Pero.. Tres maiba lang ha nasaan na ba yang ate mo anong oras na oh malapit na mag hating gabi wala pa din siya uwi ba yan ng isang babae?"

At nakita ko naman ang nakakunot at parang nagtatakang mukha ni Cadmus.

"Haynaku Clyde wala ka pa din pala talagang pinagbago tama nga talaga si kuya. Ang lakas pa din talaga ng tama mo kay ate at para sa tanong mo uwi yan ng isang matinik na reaper atsaka maaga pa nga. May transaction sila ni Kuya pero baka nga malapit na sa gate yun ngayon... Mga.... duguan pe---"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Cadmus at tumakbo na ko palabas ng kwarto nang makarinig na ako ng mga sasakyan na nagpapasukan. Paano napqpanatili ni Cadmus ang pagigingkalmado kung ang sabi niya ay duguan ang mga kapatid niya!

Pucha naman oh! Pag may nangyari lang talagang masama kay Epione, Hindi ko na alam ang magagawa ko talaga. Mababaliw talaga ko ni lamok hindi ko pinapadapo sa kanya!

At bago pa ako makababa ng hagdan ay nakita ko na si Epione at Zeph may mga mantsa ng dugo sa kamay, mukha at damit nila.

Mabilis pa sa pagong akong bumaba ng hagdan para mas makita kung kamusta ba si Epione. Walang nag bago sa expression ng mukha niya.

Pero shet! Bakit ang daming dugo! Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at akmang tatawag na ko ng ambulansya ng mag salita si Epione.

"Sinong tatawagan mo?" kunot noo niyang tanong.

"Ambulansya malamang!" sagot ko naman sa kanya at nag dial na,pipindutin ko na sana ang call button ng biglang..

Tinapik ni Epione ang cellphone ko at bumagsak na lang ito sa malayo "Stupid," sambit niya pa na parang tinatamad ang tono.

"Ano ba Epione! Nasisiraan ka na ba? Nakikita mo ba sarili mo?" inis ko ng sagot. Ako pa ang stupid? Eh ano pa siya?

"We just need to take a bath and go to sleep," singit naman ni Zeph.

"Ano kayo immortal? Tigilan mo nga ako Uno! Tara na! Dadalhin ko na kayo sa ospital!"

Hihilahin ko na sana si Epione pero nakita ko siyang nag-alis ng boots at nagtanggal ng jacket.

"Anong ginagawa mo?!" pigil ko sa kanya nang balak na niyang alisin ang natitira pa niyang damit.

"Para tumigil ka na sa pag ka OA mo. Look, wala kaming tama ni galos wala. It's the blood of those stupid jerks. Kaya pwede manahimik ka na at aakyat na kami. Babush!" sagot niya sabay walk out.

"I told you padating na sila at puno ng dugo ng mga kalaban nila. See! Ganun sila kagaling." sabay tapik naman ni Cadmus sa likod ko.

"Hindi mo kasi ako pinatapos e, na pahiya ka pa tuloy," sasagot pa sana ko pero tinalikuran na lang niya ako.

OA ba talaga ako o weird lang talaga silang lahat?

***

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon