CHAPTER 3: MAFIA RECRUITMENT
***
Someone's Point of View
Ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Ito ang simula ng mga plano ko. Iniwan ko ang pangarap ko para dito. Magiging delikado ang tatahakin ko pero kung mapapalapit naman ako kay Annibal Solanno kahit impyerno tatahakin ko mapagbayad lang ang mga Solanno.
Sisiguraduhin ko ang pagbagsak ng taong iyon. Sisiguraduhin ko na mawawala ang kapangyarihan na iniingatan niya. Sisiguraduhin ko na mawawala ang karangyaan na ninakaw niya kahit na makipagtulungan ako sa kagaya niya.
"Ano ready ka na? Pare, malaki ang kita dito madami ka pang makikilala na bigating tao," sabi naman ni Vince.
Isa sa mga matalik kong kaibigan. Moreno, may katatamtamang taas at may maamong mukha.
Noong malaman ko na kabilang siya sa isang Mafia e naging interesado na ko, lalo na nang marinig kong mortal na kaaway ng mafia na sinasaniban niya ang mga Solanno.
"Oo naman Pre. Wala ng atrasan 'to. Kailangan ko din talaga ng pera alam mo naman kung bakit," sagot ko naman sa kanya.
Hindi niya alam ang tungkol sa nakaraan ko lalo na sa ginawa ng mga Solanno sa pamilya namin.
Pagkalabas namin ng apartment ay maraming mga lalaki na naka itim na suit ang sumalubong sa amin. Ngayon ko lang napansin na magkatulad sila ng suot ni Vince.
"Pare, since recruitment process pa lang kailangan mo isuot ang mga ito," sabay abot sa akin ni Vince ng itim na blindfold at isang headphone.
Kinuha ko naman ang mga ito at agad isinuot. Akala ko may musika akong maririnig pero kahit na ano wala akong marinig, naramdaman ko na lang na may dalawang tao na humawak sakin at pinasok ako sa loob ng sasakyan.
Sana naman walang masamang mangyari sakin hindi pa nga ako nakakapagparami ng lahi e. Basta, I will make sure na malalagpasan ko itong recruitment process na ito kahit anong mangyari hindi ako pwedeng umuwi ng talunan.
Mahaba at ramdam ko ang lubak lubak na daan na aming tinatahak. Nagulat pa ako nang bigla na namang may kumapit sa braso ko at inalalayan ako sa pagbaba.
Halos naririnig ko na ang matinding tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Wala naman kasi sinabi sakin si Vince about dito noong tinanong ko siya dahil nga confidential daw ang process na ito.
May nagtanggal ng headset ko at parang wala din namang na bago dahil tahimik pa din ang paligid.
"Magandang gabi," bati ng isang lalaki. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang boses nang taong nagsasalita ngayon.
"Binabati ko ang katapangan ninyo para harapin ang hamon na ito. Dalawang bagay lang ang ibibilin ko sa inyo be strong and survive."
Kinilabutan naman ako sa sinabi niya idagdag mo pa na wala akong nakikita ngayon basta sigurado ako na madami kami ngayon kung nasaan man kami.
"100 men standing in front of me pero ilan kaya ang mananatiling nakatayo sa loob ng limang araw? Physical, emotional at mentally ang susubukan. Shall we start the process?" pagpapatuloy niya pero ni isa wala pa ring sumasagot.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...