CHAPTER 44: EROS
***
Sa loob ng facility ay napapakamot na lang si Epione sa ulo niya dahil kanina pa buntot ng buntot sa kanya ang batang sinagip niya.
"Hoy bata sinabi ko na sayo na magtago ka na lang o kung ayaw mo ay tigilan mo ang paghila hila sa damit ko!" sambit ni Epione.
"Wala na ko mommy pinatay nila mommy, daddy ko. Magisa na lang Eros," sagot naman ng bata habang pinipigilan ang pagiyak.
"Oh tapos ano gusto mo gawin ko? Aish! Asan na ba yung L na yun wala akong oras para mag babysit."
"Ikaw na lang mommy Eros please," saad ng bata dahilan para magulat si Epione.
"Bata, nakita mo yung kanina. Hindi ako mabait para maging mommy mo. Hayaan mo sisiguraduhin ko na mapupunta ka sa tamang tao yung aalagaan ka."
"NO! NO! NO! Ikaw na lang mommy ko please," Umaatungal na saad ng bata.
Sa sobrang inis ni Epione at sa kadahilanang ayaw niya makakita ng umiiyak na bata ay lumuhod ito sa tapat ng bata para maging mag ka level sila.
"Huwag ka na umiyak. Sige na payag na ko okay. Stop crying na baby," sabay yakap niya sa bata para patahanin ito.
"How old are you na ba?" tanong ni Epione.
Tinaas naman ng bata ang apat niyang daliri bilang sagot.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang marating nila ang lobby ng facility.
"This spot is perfect for my arena. I just wait for them here. Eros can you sit there," turo ni Epione sa sofa.
Sumunod naman agad si Eros.
Naririnig na niya na may grupo na papunta na sa pwesto nila.
"Ang tagal niyo naman ata bago ako mapansin. Hmm.. kayo lang ba?" bored na tanong ni Epione sa mga kalalakihan na nakapalibot sa kanya.
"Nagiisa ka lang kaya bakit kailangan pa namin ng maraming tao," saad ng isang lalaki.
Marahil ito ang commander nila dito.
Nginisian lang naman ito ni Epione kaya nainis ang lalaking kaharap.
Mabilis itong sumugod kay Epione pero bago pa ito makalapit ay binato na agad ito ni Epione ng dagger niya na tumama naman sakto sa dibdib ng lalaki.
Napahawak ang lalaki sa dibdib niya habang pinipigilan ang paglabas ng dugo nito sa katawan niya.
Lumapit naman si Epione sa lalaki at hinila ang dagger niya.
"Oopss sorry favorite ko kasi to e," saad nito sabay apak sa dumudugong dibdib ng lalaki.
Sumugod ang isang lalaki at bumunot ng baril kasabay nito ang isang lalaking may hawak na bat.
Hinila ni Epione ang braso ng lalaki na may hawak na baril at pinilipat. Humarap siya sa lalaking may hawak na bat at pinaputukan ito gamit ang baril ng lalaking hawak niya.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...