CHAPTER 14: SURPRISE!
***
Epione Point of View
Nandito na kami ngayon sa venue at pasimple akong nagmamasid sa buong lugar.
"Mukhang hindi lang ang Hell Mafia ang inimbita dito," bulong naman ni Nate.
So.. Napansin din pala niya. Masyado ng nag kakainitan ang mga tinginan dito dahil halos lahat ng iba't-ibang group of mafia ay nandito.
"Pero wala pa ang Hell Mafia sila lang naman ang pakay natin dito pero bakit wala pa sila? Ang ineexpect ko pa naman ay tayo ang huling darating para agaw eksena ang entrance natin,"
"Maigi na din na tayo ang nauna. I don't know pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Pakiramdam ko hindi lang ito isang Auction," sagot naman ni Nate.
"Kung ano man yun. Be alert. Nakaposition naman na sila Tres for back up if may mangyari man,"
Sino ba talaga ang na sa likod ng Auction na ito dahil wala naman akong makitang ibang tao na hindi kabilang sa mafia society. Nag mukhang underground ito dahil puro mafia ang nandito ngayon.
At isa pa bakit wala dito sila Solanno? Paano kung--
Naputol ang pag-iisip ko ng bigla na lang may nag salita sa earpiece ko.
"Dos, S1 at Ikaw na din Tres, just listen to me and don't react. Control your emotion Dos, sa sasabihin ko okay? I just found out that Hell Mafia ang nasa likod ng event na ito. They are planning to bomb the place para sila na lang ang matirang mafia sa? Pilipinas," pag papaliwanag naman ni kuya Zeph
Napakuyom ang aking mga palad sa galit. Sinasabi ko na nga ba sila talaga ang nasalikod nito.
"Papunta na ako sa location mo Dos. S1, we need to get out of here as soon as possible,"
Matapos maputol ang line, bigla naman nag appear ang Hell Mafia na pinamumunuan ni Solanno.
"Good Evening, ladies and gentlemen. At talaga namang mga uto-uto kayo ano? Akalain niyong naging interesado kayo sa auction na ito? Pero... Surprise! Dahil hindi na kayo makakalabas pa ng buhay dito, " usal naman ng animal na si Solanno.
"The mouse appeared," sinend ko agad ang code kay kuya at Cadmus.
"Dos, what are you planning? Nagbago na ang plano," pagpapaalala naman ni Nate.
"Just do the first part. Kailangan niya malaman na nagbabalik tayo. Hindi naman puwedeng siya lang ang may sorpresa," saad ko naman kay Nate.
Bigla naman may nagsalita muli sa earpiece ko.
"Ano iniisip mo Dos? We need to get out sa lalong madaling panahon dahil kung hindi mapapahamak ang mga miyembro natin, " saad naman ni kuya.
"Just do the 1st part of the plan. Please,"
"Fine! Tapos aalis na tayo agad. Hindi ko alam kung ilang minuto na lang ang natitira na oras bago sumabog ang mga bomba na iyon. Hindi din mahanap ng ibang tauhan ko. We will execute the 1st part of our plan in 10 seconds. Tres, narinig mo naman ang pinagusapan namin hindi ba? Be ready,"
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...