CHAPTER 30

14 6 0
                                    

CHAPTER 30: HOW WE MET

***

Liam Point of View

Nagsimula na kaming kumain pagkatapos ng speech ni Epione. Grabe din talaga ang pamilya nila pagkatapos ng mahirap na training laging may kainan.

Akala mo may pista sa sobrang daming handa. Nagtataka nga ako doon sa anim kung bakit hindi pa sila kumakain e nakatayo lang sila doon sa tuktok ng Akeron Forest at pinagmamasdan lang ang mga member nila tila tinitignan nila maigi kung ano ang mga natamo nila?

Mali ang inisip ko! Paki erase yun sa mga isip niyo. Aish! Paano ba naman bigla na lang nag pulong yung mga managers at naglabasan ng cellphone sa tingin ko tinitignan nila kung sino ang nanalo sa pustahan.

Kitang kita din ang hintuturo ni Zeph na halatang binibilang ang mga taong nakasuot ng ribbon niya. Si Cadmus naman palinga-linga din sa mga ribbon niya na nakalagay sa mga members. Samantalang si Epione wala nakatingin lang siya sa dagat.

Bumalik na lang ako sa pagkain ng biglang

"Ui! Dali na mag kwento ka na," sambit ni Kit

Napaisip naman ako kung ano ang pinagsasabi niya. Anong kwento ba? Sa pagbugbog ba sakin ni Epione? Hindi ba nila napanuod?

"May sasabihin ata si Epione," saad ni Vince

Nakita ko naman si Epione na hawak na ulit ang megaphone.

"Magsamasama yung may magkakatulad na ribbon. Iyong mga walang ribbon magsasama din kayo." Napatapik na lang ako sa noo ko dahil sa sinabi niya isa lang naman ang dahilan kung bakit niya inutos 'yun.

Naiinip na siya sa paghihintay kung sino ang mananalo sa bet nila.

Sumunod na lang kami sa utos niya at kitangkita naman ang pagtataka sa mga mukha ng members, kung alam niyo lang pinagpustahan nila tayo.

"Yes!" sigaw ni Epione. At sa sigaw pa lang niya alam kong siya ang nanalo sa bet nila. Kitangkita ko din ang pagtalon ni Nate kaya malamang siya din ang nanalo.

"Pre, Ano na?! Kwento na kasi, paano mo nakilala si Dos? Paano mo naging girlfriend si Dos atsaka bakit sabi mo malabo?" tanong ulit ni Kit.

Ah yun pala ang gusto niyang ikwento ko tignan mo ito hindi man lang inintay na makauwe kami. Ang chismoso talaga.

Lumapit din si Vince ganun na din si Lee nang marinig ang tanong ni Kit. Lakas din talaga ng pandinig ng dalawang to e.

"Teka, pati ikaw makikinig?" tanong ko kay Lee baka nakakalimutan niya na mag karibal na kami simula kanina.

Tumango lang ito at parang wala namang pake. Paano niya nakukuhang maging cool? Tsk mas cool pa din ako.

Hayaan na nga na marinig niya para alam niya kung saan siya lulugar para sakin ako na yata ang may pinakamagandang love story.

Ang tagal naman mag simula ng klase badtrip kasi hindi ako pwedeng magcutting ngayon.

Paano ba naman kasi pinatawag ako ni coach dahil aalisin daw niya ako sa team pag hindi tumaas ang grades ko kaya ngayong 2nd year kailangan mag focus ako sa pag aaral ko, no choice talaga kung hindi pumasok.

"Ui CL! Magkakaroon daw tayo ng bagong kaklase ngayon. Galing daw Japan. Sana babae ng magkaroon naman ng magandang babae sa section natin," sambit ni Seth, tsk puro babae ang laman ng utak.

Hindi ko na lang ito pinansin at tinungo ko na lang ang ulo ko sa desk para matulog tutal 1st day pa lang naman at wala pa naman yung magiging advicer namin ngayong taon.

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon