CHAPTER 34: PAST AND PRESENT?
***
Liam Point of View
Nananatili lang ako na nakatitig pa din sa painting ng tawagin ako ni Manang.
"Sir, okay na po naayusan ko na po si Dos pwede po ba na paki buhat na lang po ulit siya."
Tumango naman ako agad bilang sagot. Pagpunta ko sa bathroom ni Epione ay bigla na lang uminit ang pakiramdam ko e paano ba naman si Manang akala ko naman nakaayos na talaga si Epione e bakit naman naka towel lang ito.
"Ah manang? Akala ko po ba nakaayos na?" tanong ko rito habang hindi ako makatingin ng ayos.
"Hindi ko siya mabibihisan dito at mababasa lang din ang damit dahil basa ang bathtub kaya ko sayo pinapabuhat si Dos ng mabihisan ko na din siya," pagpapaliwanag naman niya.
Kaso paano ko naman bubuhatin ito ng ganto?
"Kung gusto niyo po tatawag na lang po ako ng iba," dagdag pa nito.
Iba? Edi mahahawakan at makikita nila na ganto si lablab? Ano sila tumama sa lotto? Hindi pwede!
Binuhat ko na lang agad si Epione bago pa makatawag si manang ng kung sino.
Dahan-dahan ko itong inihiga sa kama. Ngayon ko lang din na pansin ang mga sugat niya sa kamay niya.
Kahit natutulog siya bakit ang lungkot pa din niyang tignan.
Pumunta muna ako sa mini sala ni Epione habang binibihisan siya ni manang.
"Sir, okay na po. Lalabas na po ako." paalam ni manang pero bago pa siya lumabas
"Ahm. Manang kilala niyo po ba yung nasa painting?" sabay turo ko sa painting.
"Hindi ko pa siya nakikita ng walang maskara pero lagi siyang kausap ni Dos. Iyang batang yan ang nagiisang nakakapaglagay ng totoong ngiti kay Dos bukod sa tatay at mga kapatid niya. Simula noong namatay ang kanyang ina. Si hawk na ang sumagip kay Dos noong-" hindi na natapos ang sasabihin niya at mabilis na lumabas.
"Ano kaya iyon? Anong nangyari sayo at kailangan ka sagipin?" tanong ko sa natutulog na Epione.
Dapat ba akobg magpasalamat sa kanya dahil sinagip ka niya? Dapat ba akong mainis dahil napapangiti ka ng iba? O dapat ba kong mainggit dahil siya ang kasama mo noong dapat tayo ang magkasama?
Akala ko si Lee lang ang dapat kong bantayan pero bat may isa pang rival.
Pero dahil sa sinabi ni manang napapaisip ako kung dapat pa ba kitang ipaglaban. Pakiramdam ko kasi may nakakuha na ng lugar ko sa puso mo.
Bakit pakiramdam ko isa na lang talaga akong nakaraan at siya na ang kasalukuyan.
Nilapit ko ang isang upuan sa may kama niya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Hahawakan ko na sana siya sa mga kamay niya ng mapansin ko na ang daming sugat ng kaliwa niyang kamay.
Siguro ito yung sinasabi nila na nasasaktan ni Epione ang sarili niya ng hindi niya alam.
Tumingin tingin ako sa paligid at naghanap ng first aid kit hindi naman na ko nahirapan sa paghahanap ng makita ko ito sa may vanity niya.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...