CHAPTER 21: EPIONE'S RESOLVE
***
Liam Point of View
Pag katapos namin masiguradong safe na nakaalis ang private plane ng mga Acheron bumalik na agad kami dito sa HQ yung iba nag papahinga, yung iba kumakain, yung iba naman nasa training ground pero ako heto nag lalakad patungo sa garden.
Yung lungkot na nararamdaman ko may mas lumala pa. Noon naman kasi kahit na malayo ako sa pamilya ko nakakauwi naman ako ng weekends pero ngayon ang layo na nila.
Hindi ko sila mapupuntahan kapag kelangan ko ng kausap o pag miss ko na sila. Hindi ko na makukulit si Lala. Hindi na kami makakapag basketball ni Levi. Lalo ko ng hindi na alagaan si Mommy.
Umupo lang muna ko dito sa ilalim ng puno habang pinipigilan ko ang emotions ko bakita naman kasi kelangan maging ganto ka komplikado ang lahat.
Kung hinayaan ko na lang ba ang lahat at hindi na nag hangad mag higanti hindi naman namin kelangan umabot sa ganto.
Kung mas inubos ko na lang ang oras ko para alagaan si Mommy, mag provide sa kanila at gawin ang lahat para sumaya lang kami siguro normal lang ang lahat.
Ewan ko ba pero parang nag sisisi na ata ako pero sa tuwing naiisip ang nakikita ko naman si Epione e naaalala ko lahat ng ginawa ng mga Solanno sa pamilya nila at sa pamilya namin.
Hindi ko na alam kung ano ang tama. Naguguluhan na ko ng biglang -
"Nababaliw ka na ba? Sinasabunutan mo kasi ang sarili mo." boses yun ni Epione pero hindi ko naman siya makita.
Hala! Sa sobrang pag mamahal ko kay Epione naririnig ko na siya.
"Tsk." at bigla namang may bumabang anghel. I mean bigla na lang tumalon si Epione pababa mula sa punong kinauupuan ko ngayon.
"Galing ka diyan? Sa taas?" tanong ko dito.
"Obvious naman hindi ba. Nakita mo naman hindi ba. So, ano nababaliw ka na ba?" pag-ulit na naman niya sa tanong niya with her usual sarcastic tone.
"Hindi. Napapaisip lang ako at nalulungkot lang din alam mo naman na ayoko na napapalayo sa kanila noon pa man."
Nagulat naman ako ng umupo ito sa may tabi ko.
"Napapaisip ka kung tama ba ang ginagawa mo? Kung tama ba na mag higanti ka sa halip na kasama pamilya mo at namumuhay ng normal. Tama ba?" Hala! Malapit na talaga akong maniwala na nababasa nila ang naiisip ko.
"Hindi ko nababasa ang iniisip mo, sa bawat punto ng buhay namin na isip na din namin yan." napalingon naman ako sa sinabi niya at halata namang totoo ang sinasabi niya.
Ang nakikita ko kasi sa kanila ngayon e puro galit at pag hihiganti ang nasa isip hindi ko naman alam na kahit sila naiisip din yung ganun.
"Eh bakit ginagawa mo pa din to?" tanong ko naman sa kanya.
"Sinabi ko naisip ko lang pero hindi porket naisip ko yun tatalikuran ko na. Naisip ko lang.. Naisip ko na tumigil, talikuran ang lahat at tumakbo pabalik sayo."
Ewan ko ba kung ano nararamdaman ko sa sinabi niya oo nagulat ako at the same time nasaktan kasi hindi pa ba ko sapat na rason para bumalik siya noon at tigilan to.
Wala lang ba talaga lahat ng pinag samahan namin noon?
Heto na naman at dinadagsa na naman ang isip ko ng mga katanungan at alam ko hindi ito ang oras para malaman ko ang mga sagot dun pero kasi aish!
"Bakit hindi mo ginawa? Bakit hindi ka tumakbo pabalik sakin? Hindi pa ba ko sapat na dahilan?" sunod-sunod kong tanong wala e hindi ko na mapigilan.
***
Epione Point of View
Hindi na ko na gulat pa sa tanong ni Liam kasi kahit ako ang nasa lugar niya yun din ang maiisip ko at hindi ko siya masisisi kung galit man siya sakin.
"Bakit hindi ko ginawa? Kasi naisip ko kung tatakbo ako pabalik sayo, kahit gaano kita ka mahal hindi ako magiging masaya. Hindi tayo magiging masaya." para saan pang hindi sagutin hindi ba?
Deserve niyang malaman ang sagot sa mga tanong niya kahit alam kong mas masasaktan siya at mas dadami ang tanong sa isip niya.
Kahit gaano pa ka dami ang tanong niya nag decide na ko na sasagutin ko na lahat. I want to be fair. Tutal alam na din naman niya lahat kahit hindi ko sabihin ang kwento dahil ang magagaling kong kapatid sinabi na sa kanya halos lahat.
Ewan ko ba sa mga yun mawala lang ako saglit, nawalan lang ng malay o nag papahinga lang panay kwento ng buhay ko, ng buhay namin.
"Hindi magiging masaya? Sino ka para idikta yan sa relasyon natin?! How sure you are na hindi tayo magiging masaya!" tumayo siya bigla at galit na galit na tumingin sakin.
Go lang Liam, magalit ka sakin kasi yan ang dapat maramdaman mo.
"Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin maging masaya kahit gaano kita ka mahal lalo na kung alam kong iisang hangin lang ang nilalanghap namin ni Solanno! At hindi ko kayang isipin yun! Hindi ko kayang mabuhay sa isang mundo na alam kong pakalat kalat na nag lalakad ang pumatay kay Mommy! Hindi ko kayang makita siyang masaya.. Hindi ko kayang makita na buo sila habang kami kahit kelan, kahit anong gawin namin hindi na kami mabubuo pa." siguro yung ibang tao, umiiyak na habang sinasabi yan pero ako? Wala e naubos na yung luha ko.
"Paano ko ibibigay ang pag mamahal na deserve mo kung puno ako ng galit kung kinakain ako ng galit? Paano ko makukuhang sumaya pag katapos kong masaksihan yun?" dagdag ko pang tanong sa kanya.
"Epione I'm ---" pinutol ko na agad ang sasabihin niya dahil alam ko na hihingi siya ng tawad kahit hindi naman dapat.
"Wag mo na ituloy ang sasabihin mo kasi hindi naman dapat. Hindi mo kelangan sabihin yan kasi inaamin ko nag papaka selfish ako ngayon. Okay lang kahit magalit ka, normal lang yun pero wag na wag kang hihingi ng sorry lalo na at alam natin na wala kang kasalanan. Sadyang ito ang pinili ko."
Kitang kita kong gumuhit sa mga mata niya yung sakit after kong sabihin na mas pinili ko itong pag hihiganti ko kesa saming dalawa. Para kay Mommy to at hindi ko pag sisisihan to.
"Eto lang ang sigurado ako Liam hindi kita hahayaang mapahamak. Hindi ako papayag na mahawakan ka nila kahit na hibla lang ng buhok mo. Hindi man kita binalikan, hindi man kita pinili pero I will protect you kahit buhay ko pa ang kapalit. Wala ng buhay ang makukuha sakin."
***
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...