CHAPTER 42

7 1 0
                                    

CHAPTER 42: ONCE AGAIN

***

Epione Point of View

Nandito ako sa bahay ko sa Manila. Walang nakakaalam nito kundi ako lang. Kinuha ko ang isang box sa drawer ko. Ito dapat ang ibibigay ko kay Liam noong araw ng graduation naming dalawa yun nga lang the tragedy happened.

Tumakbo na ulit ako patungo sa rooftop dahil hindi ko na pina land pa ang helicopter.

"Let's go back to the island," utos ko dito ng makasakay na ulit ako.

Ilang minuto lang ay nandito na ulit kami sa Isla. Malamang maiinit ang ulo nila sa pagaakalang umalis na kami at nang mag land ang helicopter tanaw ko agad si Liam.

Palapit na ko sa kanya at parang gusto ko matawa sa itsura niya para naman kasi siyang nakakitang ng multo sa reaction niya.

Tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang gawin pero heto siya at nakatingin pa rin sakin. Magsasalita na sana ulit ako ng may tumawag sakin.

"Dos, nasaan si Uno?" sa boses pa lang niya parang iiyak na siya.

"Umalis na," sambit ko noong nilingon ko si Z.

Bigla namang may dumapong kamay sa pisngi ko.

Magsasalita na sana si Liam pero pinigilan ko siya.

"Ang sabi mo may plano ka? Nagtiwala ako sayo Dos. Hindi kita mapapatawad kapag may nangyari kay Uno," sambit niya bago tumakbo paalis.

Napailing na lang ako. Babalik si Kuya Zeph at magkikita kayo. Kailangan ko mag sinungaling kay Z dahil alam kong magpupumilit siya na sumama sakin sa oras na malaman niya na magisa akong pupunta sa mission dahil iisipin niyang ginawa ko iyon para sa pabor niya.

"Ano na may naisip ka na ba na gusto mong gawin ngayong araw?" tanong ko dito.

"Hindi ka na aalis?" tanong naman niya pabalik.

"Aalis pa din, pinauna ko lang si Uno. Nangako ako sayo hindi ba? Tara na nga lang kumain hindi pa ko nag aagahan e." Hinila ko na lang siya dahil wala ata siyang balak umalis sa kinatatayuan niya.

Ilang oras na lang ang natitira at kailangan sa oras na yun masulit na namin ang araw na ito dahil hindi ko na alam kung mauulit pa ba ito.

Andito kami sa isang restaurant walang mga customer ngayon dito dahil pinasarado ko talaga to para ngayong araw na ito.

"Anong gusto mo kainin?" tanong ko dito dahil nakatingin lang ito sakin ngayon at parang pilit niyang binabasa ang takbo ng isip ko.

"Alam mo ilang oras na lang ang meron ako para mag stay. Sasayangin pa ba natin?"

Umiling naman siya tsaka dumiretso ng upo. Siya na din ang tumawag ng waiter at nag order para sa aming dalawa.

"Kamusta ka?" tanong ko sa kaniya.

Parang na weirdohan ata siya sakin dahil nagtanong ako sa kanya ng ganun. Sabagay dapat yan ang una kong tinanong noong una kaming nag kita.

"Sa loob ng 7 years kung ano anong trabaho ang pinasok ko. Naging Marketing Head, naging call center agent, naging professor depende kung sino ang mag alok ng malaking sahod. Ang hirap pala ng buhay. Alam mo yun nasanay kasi ako na nakukuha ko ang lahat kaya ayun noong nawala hindi ko alam kung paano ulit tatayo. Ikaw kamusta ka?"

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon