CHAPTER 43: DANGER
***
Liam Point of View
"Clyde!" napabangon ako sa pagkakahiga sa buhangin ng marinig ko ang boses ni Zephyr.
"Zeph?" nagtataka kong tanong. Anong ginagawa ni Zeph dito. Akala ko ba nasa mission na siya.
"Tell me na kasama mo si Epione. Andito lang siya hindi ba? Dos!" Sigaw nito habang palinga linga sa paligid.
"Wait akala ko nasa mission ka na?" tanong ko dito at bigla naman itong napamura.
"Si Dos ba ang nagsabi sayo niyan?" tanong naman niya pabalik sakin.
"Oo yun ang narinig ko sa usapan nila ni Z. Magkasama kami ni Epione kahapon pero pag gising ko wala na siya dito."
"Fuck! Tara sumama ka kausapin natin si Z. Siguradong alam niya kung nasaan si Dos at masama ang kutob ko. Tangina! Sana mali ako."
Nagtungo na siya sa isang bangka kaya sumunod na din ako. Bigla ko naman naalala ang actions at mga mata ni Epione kahapon. Kinakabahan na naman ako. May mali e.
"Hello Cadmus, iharap mo sakin si Z. Mamaya ka na magtanong! Pagdating ko diyan siguraduhin mo na kasama mo na si Z. Tawagan mo din ang mga manager."
Parang hindi mapakali si Zephyr ngayon ko lang nakita na ganto siya ka aligaga.
"Hawk. Pumunta ka dito sa resort. It's about Epione."
See? May mali talaga dahil pati si Hawk pinapapunta niya.
"Hello Dad, I think she did something crazy again. You should go here," sabay baba ng tawag at sabunot sa buhok niya.
Tanaw na namin ang isla at bago pa maitulak sa pinaka pangpang ang bangka tumalon na agad si Zephyr kaya sumunod na din ako.
Dumiretso kami sa kwarto ni Cadmus at doon nakita ko si Z na nakatungo.
"Explain," bungad ni Zephyr.
Bigla namang napaangat ng tingin si Z at tumakbo ito kay Zephyr at niyakap ito.
"You're back! Thank God you're safe," ani ni Z.
"Hindi ako umalis. Tell me anong sinabi mo kay Dos. Asan ang kapatid ko?!" masamang tinignan ni Zephyr si Z at napakunot naman ang noo ni Z.
"Why are you here Uno and where the hell is your sister?" ni hindi ko namalayan na nandito na pala si King at nasa likod naman niya si Hawk.
Umupo naman si Zeph sa isang upuan bago lingonin si King.
"Inatake ako ni Dos noong isang gabi, noong gabi na dapat aalis na kami papunta sa mission. Ang sabi niya siya na lang ang aalis. Tinurukan niya ko ng pampatulog at dinala sa isla niya at doon kinulong. Hindi agad ako nakatawag dahil ang magaling kong kapatid tinadtad ng padlock at time bomb ang pinto buti na lang nag taka si D1 noong nakita niya si Dos at mabilis na trinack ako ni D1. Nalaman ko na magkasama si Clyde at Epione sa isa pang island kaya doon na ko dumiretso. Umaasa na hindi siya tumuloy,"
"Magkasama kayo?" malamig na tanong ni Hawk. Nginisian ko lang to bilang sagot at nakita ko naman na naka kuyon na ang kamao nito.
BINABASA MO ANG
Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)
General FictionDoes a Mafia Princess who is out for vengeance have a shot at love? Shall there be a happy ending just like the usual fairy tale where the princess meets her prince and they lived happily ever after or a tragic and bloody war? Date Published: Januar...