CHAPTER 23

12 6 0
                                    

CHAPTER 23: ACHERON FOREST

***

Epione Point of View

Today is the day, nauna na kami dito sa Acheron Forest isang private island ng pamilya namin. Ang totoo niyan sa akin ito pinamana ni Lola.

Pinili namin na dito na magstay after ng annoucement tutal may mga bunker naman dito na kami lang magkakapatid ang may access.

Wala pa kaming tulog dahil sa paghahanda dahil saktong alas quatro ng umaga ang arrival ng mga kage dito sa isla.

Habang naghihintay ng oras ay inaayos na ng mga associate especially the I.T. team ang mga monitors kung saan makikita ang buong lugar.

Syempre para sa kaligtasan ng lahat naglagay kami ng mga hidden cameras para madali lang isagawa ang rescue operation kung sakali mang may mga kailangang maagapan agad ng lunas.

Magiging madugo ang laban pero walang mamamatay. If hindi nila kaya idefend ang sarili nila samin paano pa kaya sa mga kalaban namin.

Hindi naman sila kayang protektahan sa bawat oras kaya hanggat maaari gusto naming maging mahusay sila sa kahit anong larangan ng pakikipaglaban.

"Dos, mukhang ikaw ang pupuntiryahin ngayon. Pinahirapan mo sila ng matindi last time isipin mo yung iba tatlong buwan ang recovery," tumatawa pang sambit ni kuya Zeph.

Ano kaya nakakatawa sa sinabi niya?

"Edi maigi kung ganun, gamitin nila yung inis o galit nila ngayong araw para ipakita sakin ang improvement nila. Open arms ko silang haharapin," sagot ko na may konting yabang. Hindi ako si Dos kung hindi ako magyayabang.

Atsaka ngayon lang ulit ako nag ka P.O.V. Last time I checked ako ang bida dito.

"Dalawang araw na straight exercise ito. Ngayon na lang ulit ako lalaban ng harapharapan," sabay stretching naman ni Cadmus.

Sabagay noong nakipaglaban kami sa ibang mafia at kay Solanno hindi naman nakipagbakbakan talaga yang si Cadmus. Hindi pa laban para sa kanya ang pakikipagpalitan at pagpapaulan ng bala kay Solanno.

"Okay pa kaya ang buto mo bunso? Baka kasi alam mo na naging mapurol na," pangaasar naman ni Kuya Zeph.

"Wag mo nga ganyanin si bunso. Sigaw ka lang pag kelangan mo ng tulong ha. Sasagipin kita na parang prinsesa," dagdag ko pa sabay kindat.

"Wow! Thank you Uno sa concern! Thank you din Dos at pinagtanggol mo pa ako nagabala ka pa. Mga bwisit!" nakakatawa talaga itong asarin.

"Ah! Oo nga pala Dos, baka nakakalimutan mo may binili akong limited bag padating na ngayon kaso naisip ko na ibalik ko na lang. At ikaw naman Uno, binilhan pa naman rin kita ng mga damit at sapatos kasi ayaw mong gumastos. Akin na lang din kaya yun?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, shocks.

"Ito namang baby brother ko hindi na mabiro. Alam mo naman na ikaw ang pinaka the best sa ating tatlo sa pakikipaglaban. Naku! I'm scared nga e baka pagtulungan nila ako. Help mo ko ha," pagpapaawa ko pa at nakangiti na ang loko.

Nabaliktad pa nga.

"Tsaka ano ka ba kuya! Kahit na tumatakas si bunso sa training noong mga nakaraan kayangkaya pa niya. Wag mo nga asarin si bunso! Bad ka! Bad!" and the best actress award goes to Epione Acheron. Siguro naman hindi na niya ibabalik yung bag.

Mafia Princess: First Shot At Love (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon