CHAPTER 2

30.1K 999 55
                                    

Devi Zhanaia Hemilton's P.O.V.

Kusa nalang umiyak ang katawang 'to, siguro ay dahil pumanaw na ang kaniyang Ina.

Maya-maya pa'y may bumuhat sa akin, 'yong dama kanina.

"Mahal na prinsesa kay ganda mo, napaka ganda. Ipinapangako kong aalagaan kita na parang tunay kong anak. Tatawagin mo akong 'Nana', ha?" nakangiting saad niya sa tingin ko'y siya ang magiging dama ni princess Devi hanggang sa paglaki.

"Dama! Ang Emperador ay paparating na!" Saad ng isang dama na bigla nalang pumasok sa silid.

Biglang napalitan ng takot ang mukha ni Nana— I prefer to call her 'Nana,' at napahigpit ang hawak sa akin.

Maya-maya pa'y nakarinig ako ng mga yapak papunta sa silid na 'to.

'Mamamatay naba ulit ako? Pero kabubuhay ko lang ehh. Tangina.' Saad ko sa isip ko.

May dalawang lalaking pumasok sa silid. Ang isa ay blangko ang ekspresyon ng mukha habang ang isa naman ay may dalang mabigat na ora. Biglang napalitan ng takot ang buong paligid.

Meron siyang malagintong buhok, pulang mga mata, matangos na ilong at makisig na pangangatawan. Naka suot din ito ng kurona at may dala-dalang Espada.

Kamukha niya ang lalaking nakita ko sa panaginip.

'The ruthless Emperor Laxus Zeinor Hemilton.'

Inilibot niya ang paningin niya sa kwarto at napunta ito sa gawi ng Ina ni Devi'ng wala ng buhay. Wala ka man lang makikitang bakas ng kalungkutan sa mga mata niya. Hanggang sa magtama ang mga paningin namin.

Wala kang makikitang kahit kunting emosyon sa mukha niya pero ang mga mata niya. Nong magtitigan kami ay may nakikita akong emosyon pero hindi ko alam kung anong naka saad.

Itunutok niya ang espada sa akin, narinig ko pang nag singhapan ang mga dama, nagulat rin ang lalaking kasama niya kanina.

Napahigpit lalo ang hawak ni Nana sa akin, nararamdaman ko ang panginginig niya.

Hindi niya inalis ang espada sa direksyon ko habang siya'y mataimtim na nakatitig sa akin, gayon lang din ang ginawa ko sa kaniya.

Kung normal na bata lang siguro ang nasa sitwasyon ko'y kanina pa ako umiyak, pero isang 18 years old ang kaluluwang nandito.

Hindi ko pinahalatang nanginginig at nanlalamig na ang mga kamay ko. I'm not afraid to die, but I don't want to die yet, kabubuhay ko lang at gusto ko pang maranasan ang nasa loob ng nobelang ito.

Ilang minuto lang ay ibinaba niya na ang kaniyang espada at walang pasabing umalis.

I sighed in relief.

'Buhay pa ako, salamat naman.'

EMPEROR'S P.O.V

'Interesting...' I said to my mind then left.

Reincarnated As An Emperor's Hated Daughter [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon