CHAPTER 42

11.7K 442 4
                                    

Devi Zhanaia Hemilton's P.O.V.

I'm here outside of Arc's kingdom with Raven.

Nong malaman nilang lumusob na ang mga tauhan ni Arc sa bawat kaharian ay nagmadali na silang bumalik sa kanila, gayun din sina Sabrina, Warren at Mark.

Gusto sanang sumama ni Dada ngunit pinigilan ko siya, kailangan ng North kingdom ng pinuno kaya nagpaiwan siya.

At saka, pasikreto lang naming itatakas si Hazel, wala kaming planong makipag away dito, dahil nasisiguro kong marami pa sila sa loob.

Hinawakan ko ang kamay ni Raven saka nagteleport sa likuran ng kaharian, may limitasyun ang teleportation ko, hindi ito aabot sa malayong lugar lalo na sa mga lugar na hindi ko pa nakikita.

We were about to get in when one of Arc's men appears kaya nagtago ulit kami, dahan-dahang lumakad papalapit si Raven sa likoran nito at ginilitan ang leeg

Itinago rin namin ang katawan para walang makapansin.

Pumasok na kami sa loob saka isa-isang binubuksan ang mga pinto, mabuti nalang at walang masyadong kalaban.

"Narinig kong isa-isa ng nilulusob ng Emperador ang bawat kaharian."

"Oo, tama ka diyan. At ang mga anak niya ang namamahala doon."

May nakita kaming dalawang kalabang papalapit dito kaya naging alerto kami. Palihim din namin itong tinapos, saka isinuot ang damit nila.

'May mga anak si Arc?'

Maari na kaming magpalakad lakad dahil hindi na kami masyadong mahahalata. Sumasabay kami sa iba.

"AAAAHHHH TAMA NAAAAA!!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

Agad kaming pumunta sa kinaruruonan ng ingay at doon namin patagong nakita si Hazel na nakatali ang dalawang kamay sa ibabaw ng ulo niya habang naka upo, habang ang katawan niya ay puno ng galos at halos naliligo na sa sariling dugo nito.

Napatiim bagang akot napa kuyom ang kamao, susugod na sana ako dala ng galit nong pigilan ako ni Raven. Madilim din ang mukha niya at alam kong hindi niya rin gusto ang nakikita niya.

'Tangina!'

"Tama na iyan, Raine." saad ng isang boses lalake.

"Ano bang pakialam mo? Tsaka diba dapat isa kana sa mga lumulusob ngayon sa bawat kaharian??" Tanong ni Raine sa lalaki.

"Well, ang sabi ng emperador ay maiiwan muna ako dito. Balak niyang puntahan ang North kingdom dahil may tatapusin siya."

'Si Dada.'

Biglang humarap sa gawi namin ang lalaki mabuti nalang at nakatago kami. Si Dylan, hindi ako makapaniwalang kasabwat nila ito.

"Mabuti pat tulungan mo nalang ako para ihanda yong ibang kawal at halimaw." Saad ni Dylan.

"Tsk, oo na!"

Sabay na silang umalis akmang lalapit na kami sa kulungan nong...

"Hoy, ano bang ginagawa nyong dalawa? Dapat nandoon na kayo at naghahanda sa pag lusob." saad ng isang boses sa likuran namin.

"A-ah oo, papunta na kami." Sagot ni Raven, tumango lang siya at umalis.

'Muntik na yon.'

Lumapit na kami sa kulungan at marahang binuksan saka nilapitan si Hazel.

"Hazel, Hazel gumising ka." Saad ko.

"A-ate?" paos niyang saad habang pumuluha, "Ate, a-ayaw ko na rito."

"Shh, sorry ngayon lang si ate. Itatakas ka namin, hmn?"

Ako ang mas nahihirapan sa kaniya, halos hindi niya na maidilat ang mata niya at namayat din siya.

'Mga hayop sila.'

Nong matanggal na ang nakatali sa kaniya ay tumayo ako.

"Saan ka pupunta, Devi?" Raven asked.

"Hindi ako aalis dito nang hindi naipaghihiganti ang kapatid ko." I said in a serious tone.

"Nababaliw kana ba? Masyado silang marami, hindi natin sila kaya."

"Sinong may sabing sasama kayo? Itakas mo na si Hazel, magiingat kayo." I was about to leave nong hawakan ni Raven ang kamay ko.

"Siguraduhin mong buhay kapa bago ako makabalik dito."

"Tss, ako paba? Bilisan mo na."

Reincarnated As An Emperor's Hated Daughter [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon