Devi Zhanaia Hemilton's P.O.V.
Sa wakas naka uwi rin, parang ang pagod ng katawan ko kahit wala naman akong ginawa kundi umupo sa kandungan ng demonyo kong Ama.
Sinasama niya rin ako kapag may kausap o may kumakausap sa kaniya, walang gana naman siyang sumasagot.
Sinubukan niya pa akong subuan ng pagkain mabuti nalang at sinabihan siya ni Nana na hindi pa ako pwede sa pagkain.
'Balak niya talaga akong patayin.'
Sumakit din buong katawan ko dahil sa kaniya, kase hindi man lang marunong magkarga ng bata, minsan yong likod lang ng damit ang hinahawakan niya tapos naka bitin ako, minsan naman hindi niya inaalalayan ang ulo ko kaya palaging naka angat ang ulo ko sa taas.
'Kailan ko ba makukuntrol ng buo ang katawang to?'
May mga nobles din naman akong nakikita na may karga ding anak, may mga bata ring kasama pero magkahiwalay sila sa selebrasyon ng mga matatanda.
Napapaisip rin ako kung bakit ganon ang trato niya kanina.
Nvm, hindi siya ginto para isipin ko pa. Sayang ang beauty ko.
“Mabuti nalang at hindi ka sinaktan ng Emperador, prinsesa.”
Napatigil ako sa pag iisip ng magsalita si Nana.
‘Oo, pero papatayin naman ako sa gutom kanina.’
“Napagod kaba kanina prinsesa? Gusto mo bang kumain?” Tanong niya habang binibihisan ako.
‘Dati kabang takas mental, Nana?’
‘Tanong ka ng tanong eh, baka pag sumagot ako sumalangit agad kaluluwa mo, hayst.’
Kung tatanungin niyo kong anong nangyare sa akin sa kamay ng demonyo kong ama ay nong nagugutom ako ay, mura ng mura like.....
“Fuck! what's wrong with you?”
“Quite moving little brat.”
“Do you want me to throw you outside?”
At marami pang iba, parantanga lang? Palibhasa kase kaya niyang mabuhay ng ilang araw, malakas na atay mo
‘Habang ako tigok agad, huhu.’
Thankfully dumating si Nana at ibinigay ang gatas sa akin.
_____
‘Teka, ba't nag iba ang paligid?’
Biglang nawala si Nana, ‘nasaan ako?’Inilibot ko ang paningin ko sa paligid mga bulaklak, napaka daming bulaklak pinapalibutan ang isang...
‘T-Teka, babae?’
Naka talikod siya sa akin. Kulay blond ang kaniyang buhok at lagpas bewang na medyo curly, balingkinitan ang katawan.
‘T-Teka pamilyar siya sa akin.’
Napalaki ang mata ko ng humarap sa akin ang babae...
“Anak, anak ko....” parang nag echo sa pandinig ko ang sinabi niya.
______
Agad akong napadilat habang habol-habol ang hininga.Tumingin ako sa paligid at nakita kong naka upo si Nana sa upuan habang humihilik.
‘Panaginip, panaginip lang pala.’ Saad ko sa aking isipan.
Ang mama ni Devi ang babaeng yon, ngayon ko lang napansing isa-isa palang tumutulo ang luha ko.
‘What's with that dream?’
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Emperor's Hated Daughter [Under Major Revision]
FantasyHaily Constello is an orphan who lives alone and who loves to make a mess. But an unexpected accident happened that changed her life. She got reincarnated as an Emperor's hated daughter- the villainess. There she'll meet the ruthless Emperor, the th...