CHAPTER 1

33.5K 1K 85
                                    


Haily Constello's P.O.V.


'Nasaan ako?' Tanong ko sa aking isip saka inilibot ang paningin sa buong paligid.


Nasa parang hallway ako habang ang disenyo ng mga dingding ay pang sina-una.

"Papa!"

Nakita ko ang isang batang babae na may malagintong buhok, tumatakbo itong may dala-dalang cake at papunta sa gawi ng isang lalaking may malagintong buhok din. Parang nasa isang panaginip ako.

"Ginawan po kita ng cake."

Nakangiting saad nito pero ang lalaking tinatawag niyang papa ay tinititigan lang siya at umalis din. Napayuko ang batang babae no'ng hindi man lang nito tinanggap ang ginawa niya.

Biglang nagbago ang lugar at napunta ako sa isang kwarto.

"Nana, bakit wala pa si papa?"

Malungkot na tanong ng batang babae sa isang babaeng naka suot ng pangkatulong na damit.

"Hindi ko rin alam prinsesa, hayaan mo ginawan naman kita ng cake. Maligayang kaarawan prinsesa."

Pero hindi pinansin ng batang babae ang Nana niya at nakadungaw lang sa bintana.

"Sinabihan ko siya kahapon, baka nakalimutan niya." Matamlay niyang saad.

Nagbago ulit ang lugar at napunta ako sa isang malawak na field.
Ikaw!" Iyong batang babae kanina. Sinigawan niya ang isang batang babae na may itim na buhok.

"Ayaw ko sayo! Lagi nalang nasayo ang atensyon ni papa!" Sigaw niya saka tinulak kaya napa-upo ito sa lupa.

May biglang dumating na tatlong lalaki at dalawang babae sa gawi nila't tinulak ng lalaking nakapula ang buhok 'yong babaeng may gintong buhok.

"Ano ba'ng problema mo? Pwede ba'ng layuan mo siya?!" Galit na saad nito saka tinulungang makatayo 'yong babaeng may itim ang buhok.

Napaiyak nalang siya habang nakaupo parin sa lupa.

"Lahat nalang kinuha niya, lahat nalang ay ayaw sa 'kin. *Hik k-kahit si papa ayaw sa akin.’

Naawa ako sa kalagayan niya, handa na sana akong lapitan siya no'ng bigla nalang umikot ang paligid at biglang dumilim.

_______

"Kaunting ere pa Mahal na Empiratris, malapit na." I heard someone's talking.


'Nasaan ako, bakit ang dilim? Why can't I open my eyes?'

Ilang minuto lang ay biglang lumiwanag ang paligid at napagtanto ko nalang na umiiyak ako na parang isang sanggol.

"Babae po ang anak niyo, Empress."

'What the heck is happening?'

"Ang anak ko, ang prinsesa ko." Saad ng isang Magandang babae na sa tantiya ko ay nasa mid 30's na siya, saka hinalikan ang noo ko.

"Dama, gusto kong alagaan mo ng mabuti ang anak ko. Sa tingin ko'y hindi na ako aabutin pa ng matagal."

"Mahal na Empiratris, o-opo. Nangangako po ako. Kahit na buhay ko pa ang kapalit," saad ng isang dama na mukhang nasa mid 40's na ang edad.

Kamukha niya 'yong babaeng nakita ko kanina sa panaginip.

"Paalam mahal ko, mahal na mahal kita. prinsesa Devi Zhanaia Hemilton.

'Wait- that name is familiar, saan ko nga ba narinig 'yon?'

'Fuck!' Mura ko sa isip ko.

'Hindi ko narinig dahil nabasa ko 'yon, I'm inside a baby's body named princess Devi Zhanaia Hemilton the Emperor's hated daughter and.....

... I got reincarnated?'

Reincarnated As An Emperor's Hated Daughter [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon