Devi Zhanaia Hemilton's P.O.V.
Ilang taon din ang lumipas simula nong digmaang iyon, maraming nangyare. May kaniya-kaniyang buhay na rin ang iba.
Nandito ako sa garden at dinidiligan ang mga halaman, ngayon alam ko na kung bakit ito ang naging paboritong lugar ni mama, at iyon ay dahil napaka tahimik at gaan sa pakiramdam kapag nandito ka.
“I wonder what's my wife's thinking, hmn?” Nabalik ako sa huwisyo nong maramdaman ko ang dalawang brasong pumulopot sa bewang ko at ang labing dumampi sa balikat ko.
Hinawakan ko ang kamay na iyon saka sumandal, “wala naman, masaya lang ako at sa wakas ay tahimik na ang buong Gran Terrano.” Saad ko at hinarap si Dylan.
Ilang taon rin ang lumipas at nagpakasal kami ni Dylan, well inaamin kung unti-unti akong nahuhulog sa lalaking to mula pa noon.
Ipinamana sa akin ni Dada ang trono at kaming dalawa ang kasalukuyang Empress at Emperor. Si Hazel naman at piniling maging knight, dahil sawa na raw siyang maging mahina.
Naging sila ni Raven at sila ang may pinakamataas na ranggo sa kaharian namin. Kina Sabrina naman, naging sila ni Mark at may dalawa na silang anak, dalawang lalake at sila ang kasalukuyang Emperor at Empress ng east kingdom.
Si warren naman ang naging tagapagmana ng South kingdom na hanggang ngayon, single parin. Torpe kase, ayaw pang amining may gusto siya kay Courtney at lagi nalang silang nag aaway.
“Pupunta rito ang mga nasa kabilang panig upang dumalo sa kaarawan nina Damon at Desmond.” He said while holding my both cheeks and kissed my nose.
Napangiti ako sa inasal niya, Damon and Desmond was our twin sons, mag dadalawang taon na sila ngayon at mamayang gabi gaganapin ang selebrasyon. Sigurado akong hindi iyon papalagpasin ni Dada. Siniguro ko talagang magsisimula ang pangalan nila sa letrang ‘D’ katulad ng sa amin ni Dylan.
Matapos niyang ipamana sa akin ang trono ay na isipan niyang maglakbay, tatlong taon ko na rin siyang hindi nakikita pero naguusap parin naman kami gamit ang sulat, kasama niya si freya ngayon.
Ipinulupot ko at dalawang kamay ko sa leeg niya then kisses his lips lightly.
“Wife, malalaki na sina Damon at Desmond at gusto ko rin ng anak na babae— aray!” Daing niya nong pingotin ko ang tainga niya.
“Tigilan mo'ko Dylan, kung ikaw kaya mag anak? Madali lang sayo kase hindi naman ikaw ang eere!” Saad ko saka siya iniwan.
“Devi naman,” saad niya saka ako niyakap, “diba gusto mo rin ng babae? Gawin natin mamaya?” Pilyong saad niya at may matching taas baba ng kilay.
Bago pa ako makareact ay ginamit niya na ang speed ability niya para maka alis.
Bwiset ang lalaking yon, well gusto ko rin naman.
‘Landi Devi.’
Misan naiisip ko rin ang totoong buhay ko, nasa novel ako at nabago ko nga ang istorya,
‘Buhay pa kaya ang totoong katawan ko? Ehh, ang totoong devi, saan na siya ngayon?’
Mga tanong na hanggang ngayon ay hindi ko parin nasasagot.
Someone's P.O.V.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, bumungad sakin ang itim na kisami— ang paligid ay purong itim at nakahiga ako sa isang kulay puting kama.
‘Nasaan ako?’
Sumasakit lang ang ulo ko kapag pinipilit kong alalahanin kung paanong napunta ako dito pero walang pumapasok sa isip ko.
“You're awake.” Saad ng isang boses na galing sa lalaki. Napatingin ako sa pintuan kung saan nanggaling ang boses doon ko nakita ang isang lalakeng may dala ng tray ng pagkain. May tattoo siya sa kanang braso dahil naka black sleeveless siya at tingin ko nasa 20 plus na ang edad nito pero hindi ko maitatangging may angkin itong kagwapuhan at may maputing balat halatang maalaga sa sarili.
“Sino ka at nasaan ako?”
“You're here at our hideout since hindi kita pwedeng dalhin sa hospital, I'm Kaiden, hindi moko naalala?” Kumunot lang ang noo ko saka umiling.
‘Hideout?’
“Dude, partners in crime tayo. Ang sakit lang sa pusong hindi mo naalala ang kapogian ko.”
Nong makita niyang hindi ako interisado ay bumuntong hininga siya.
“Huwag mong sabihing hindi mo rin naalala ang pangalan mo? Nagka amnesia kaba?”
“No, I remember my name. My name is Devi Zhanaia.” I stated.
Bigla nalang siyang tumawa, “Ano kaba? Sa subrang addicted mo sa istoryang iyon ay inapply mo na talaga sa totoong buhay mo HAHAHA...” Natatawang saad niya.
“I'm saying the truth!”
Nang matapos na siya sa pag tawa ay sinuri niya ang buong mukha ko, parang inaalam niya kung nagbibiro ba ako. Kalaunan ay bigla nalang siya umiling-iling.
“Hindi, hindi, hindi! Ikaw si Haily Constello, HAILY CONSTELLO! ISANG SIRAULONG MAMAMATAY TAO!”
‘W-What?!’
— END —
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Emperor's Hated Daughter [Under Major Revision]
FantasyHaily Constello is an orphan who lives alone and who loves to make a mess. But an unexpected accident happened that changed her life. She got reincarnated as an Emperor's hated daughter- the villainess. There she'll meet the ruthless Emperor, the th...