CHAPTER 43

11.6K 428 3
                                    

EAST KINGDOM


Sabrina's P.O.V.

Nagaalala ang ibang mga Emperor nong marinig nila ang sinabi ng kawal kaya nagmadali kaming umuwi, kababalik lang namin nong sinalubong kaagad ako ng isang halimaw sa labas ng kaharian.

*BOOOGSSHHHH

Abala ako sa pakikipaglaban sa mga halimaw ng makarinig ako ng isang malakas na pagsabog sa luob ng kaharian kaya nagmadali akong tumungo doon.

Nang makarating akoy naabutan ko ang mga kawal na nakahandusay na sa sahig habang may butas naman sa dingding ng kaharian na nasisiguro kong yon ang dahilan ng pagsabog.

Wala dito si ama dahil abala siya sa pakikipaglaban sa labas at pagpapalikas ng mga mamamayan.

"Tignan mo nga naman, kumusta ka?" saad ng isang babae.

"Mina." I said in a serious tone.

"Owh, kilala mo pala ako? Ikaw rin, pamilyar ka sakin. Hindi ba kaibigan ka ng Devi na iyon?"

"Ano ngayon?"

"Wala naman, parehas kase kayong mahihina." Saad niya habang nakatingin sa mga patay na kawal.

Napangisi ako, "Mahina? Kung ganon, bakit ka niya natalo? Ni hindi kanga naka abot sa third round ng leveling." Mapanuya kong saad.

Nakita ko siyang napikon kaya sinugod niya ako, kaagad niyang sinummoned ang katana niya. Naalerto ako at sinommoned ko rin ang akin.

Tumalon siya papunta sa gawi ko kaya hindi ako nagsayang ng oras at tinira ko siya ng flying dagger, pero sinasangga niya lang ito.

Nong pabagsak na siya papunta sa akin at tumalon na rin ako pa atras.

Mabilis siyang sumugod sa gawi kot sunod-sunod na tira ang ginawa niya, sinasangga ko lang ang bawat tira niya. Sinubukan niyang patamaan ang paa ko kaya tumalon ako.

Pinatatamaan ko parin siya ng dagger ko habang nasa ere ako at sinasangga naman niya.

Hinintay niya ang pagbaba ko saka niya ako sinipa kaya tumalsik ako sa sahig, handa na sana niya akong saksakin nong gumolong ako kaya ang sahig ang natamaan niya, mabilis siyang pumunta sa gawi ko kaya nadaplisan niya ako sa balikat.

"Pare-parehas lang kayong lahat, mga mahihina!" Sigaw niya at sumugod ulit.

Tumalon ako papunta sa likod niya saka pinatamaan ang likod niya.

"Bwiset kaa!!" Sigaw niya ulit at sunod-sunod akong pinatamaan nadaplisan niya ako sa pisngi pero hindi parin siya tumigil.

Hanggang sa mapasalampak ako sa dingding habang siyay palapit ng palapit.

"Hindi magtatagal ay masasakop na namin ang buong gran ter- AACKK!!" Nahihirapan niyang saad habang hinahawakan ang leeg niyang may espadang bakabaon. Napakunot noo ako at tumingin sa likoran.

"Nahuli ba ako?"

Ngumiti lang ako saka ginilitan ng leeg si Mina.

"Tama lang ang dating mo."


_____

SOUTH KINGDOM


Warren's P.O.V.

"Tangina, dre! Mas pangit pa pala ang mga halimaw na to kesa nong nasa illusion tayo!" Reklamo ko habang abala sa pakikipag laban sa mga halimaw kasama si Mark.

"34, manahimik at tapusin mo nalang sila." saad ni Mark saka sinipa sa mukha ang isang halimaw.

"34 ka palang? Ehh nasa 35 na ako ehh." Mayabang kong saad saka tumawa.

"Siraulo."

"Inggit ka lang kase...." Tumakbo ako saka sinapa sa mukha yong halimaw, "POGI AKO!!"

"Tangina, sana isa ka nalang sa mga halimaw."

"Gago!" sigaw ko, tumawa lang ang ugok.

"May gumagawa ng kababalaghan sa sitwasyun natin ngayon." saad ko at palingon lingon sa paligin. Bigla nalang kaseng lumindol.

"Gago, literal talagang lumilindol. Utak mo may plema."

May itim na portal ang lumitaw sa hindi kalayuan kaya agad kaming pumunta doon.

May dalawang babae ang lumabas sa portal. Ang isa ay naka lugay ang buhok habang nakatali naman ang isa, kaparehas lang ang itsura nila pero ang pinagkaiba nila ay may parang itim na diyamante sa dibdib nong naka lugay ang buhok saka nakangiti yong naka tali ang buhok habang seryuso naman yong isa.

"Pustahan, mas marami akong mapapatay sayo, Shakira." saad ng naka tali ang buhok.

"Sinong niloko mo, kiara?" saad nong naka lugay na Shakira daw.

"Bago niyo magawa yon, kayo muna ang mamamatay." Sabat ni Mark.

"Hmp, pakialamero." saad nong Kiara.

"Ako pa ang pakialamero?" Reklamo ni Mark.

"Ang daming satsat." Saad nong shakira saka sumugod papunta sa akin.

Mabilis siyang umikot saka sumipa sa akin mabuti nalang ay naka iwas ako.

Napansin ko ring sumugod na yong Kiara kay Mark.

Mabilis na nakalapit sa akin yong Shakira saka ako sunod-sunod na sinuntok kaya sinasangga ko lang bigla siyang yumoko at tumambling papunta sa akin kaya natamaan ang mukha ko.

'Ang gwapo kong mukha!'

"Ginagalit mo ako babae." saad ko saka sumugod. Tumalon ako papunta sa kaniya at sasalubungin sana siya ng sipa nong bigla siya yumoko at mabilis na sinipa ang sikmura ko.

'Tangina, nahalo na ata yong mga kinain ko.'

Habang naka higa ako sa lupa ay nakita ko ring tumilapon si Mark sa pader.

'Mas masakit pala yong kaniya.'

Hindi ko namalayang nakalapit na pala yong Shakira, bigla niyang inapakan ang leeg ko kaya nahirapan akong huminga. Hawak-hawak ko ang paa niyang naka apak sa leeg ko at pinipilit kong tanggalin.

Ngayon ko lang napansing hindi sila gumagamit ng sandata. Abala siyang pinapanuod ang ginagawa ng kasamahan niya na ngayon ay binubugbog rin si Mark.

'Wrong move, baby.'

Agad kong sinummoned ang espada ko at walang pagdadalawang isip na putulin ang paa niya.

"AAAAAHHHH!!" Sigaw ni Shakira.

"AAAHHH BWISET KAAAA!" Sigaw rin nong Kiara habang nakahawak sa paa niya. Pero wala naman siyang sugat.

Katulad koy napakunot rin ng noo si Mark.

'Kung wala siyang weapon, iisa lang ang magiging dahilan.....

...... Si Shakira ang weapon ni Kiara.

Reincarnated As An Emperor's Hated Daughter [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon