CHAPTER 45

11.5K 401 0
                                    

Devi Zhanaia Hemilton's P.O.V.

Nong masiguro kong nakaalis na sina Raven ay saka na ako lumakad ng palihim, maraming kulungan dito pero wala namang nakakulong.

Kanina pa ako palakad-lakad at hindi ko na alam kung nasaan ako, may nakita akong hagdan na papunta sa ibaba. Parang may tumutulak sa aking puntahan ang nasa ilalim nito.

'Bahala nanga.' saad ko sa isip ko at bumaba sa hagdanan.

Hindi masyadong nakikita ang hagdanan dahil masyado itong nakatago.

Nong makababa na ako ay madilim ang paligid ang bumungad sakin at tanging mga lampara lang ang magsisilbing ilaw kaya nagpatuloy ako sa paglalakad, masyado ring masikip ang daanan dito.

Sa pinaka dulo ng daan nito ay may isang pintuan, kataka-taka dahil ito lang ang pintuan mula nong makapasok ako dito. Gawa ito sa kahoy, makapal na kahoy at may maliit na bintanang may bakal na magsisilbing silipan sa loob.

Sinilip ko ang loob pero masyadong madilim dahil wala man lang bintana dito, kaya itinapat ko nalang ang taynga ko.

"Shhh, wag kang maingay anak. Mahahanap din tayo ni kuya mo." saad ng boses babae.

"M-mama, gusto ko na pong umuwi." saad ng boses bata.

'Bakit sila nandito?'

Nagtataka man ay binuksan ko parin ang pinto at bumungad sa akin ang mag-inang naka sandal sa dingding magkayakap.

'Sino ang mga to?'

Dylan's P.O.V.

"Ano pa bang ginagawa mo diyan, Raine?" I irritatedly asked. We're here inside the throne room and she was sitting on our Majesty's throne.

"Bagay ba saking umupo sa tronong to, Dylan? Balang araw magiging akin din to." Saad siya.

"Yeah, pero bago yon. Gawin mo muna ang ipinag uutos sayo ng Hari.

"Relax ka lang, Dylan. Masyado ka namang tapat sa Hari." natatawang saad niya.

Napakuyom ako ng kamao, 'hindi ko to ginusto.'

Abala ako sa paghahanda ng magiging almusal namin ng mama at kapatid ko nong bigla nalang may pumasok sa bahay namin ng walang paalam kaya na alerto ako.

Sinummoned ko ang weapon ko pero bago yon ay may nakahawak na sa magkabilang balikat ko, may pumasok ring isang lalaking may mabigat na aura habang may ngising naka paskil sa labi nito. Magkamukha lang ang lalaking kaharap ko at ang dalawang nakahawak sakin at masasabi kong clone niya ang mga to.

"Sino ka? Anong kailangan mo samin?!" Tanong ko, pumasok ang mga tauhan niya sa kwarto at pwersahang pinalabas ang mama at kapatid ko.

"Mama!" tawag ko.

"Huwag kang mag alala bata, hindi ko sasaktan ang mama mo kung susundin mo lahat ng sasabihin ko." mahinahon niyang saad.

"Minsan na kitang nakitang makipaglaban at maari kong gamitin ang kakayahan mo kung hindi, ito na ang katapusan niyo."



Hawak ni Arc ang mama at kapatid ko, kung may pagkakataon lang ako ay matagal na akong umalis dito pero wala akong kakampi, kahit sina Raine hindi ko mapagkatiwalaan, halang ang kaluluwa ng mga to.

Hindi ko rin alam kung saan ikinulong sina Mama, kapag nahanap ko sila ay hindi ako magdadalawang isip na baliktarin ang hari.

"Gawin nalang natin ang iniutos sa atin." Seryuso kong saad.

"Kahit kailan talaga, panira ka lagi." Reklamo niya, lalabas na sana kami ng throne room nong bigla nalang bumukas ang pintuan at bumungad samin ang  pamilyar na babae.

'Devi.'

Devi Zhanaia Hemilton's P.O.V.

Kanina pa ako palakad-lakad sa hallway ng palasyong 'to.

‘Saan ko ba kase matatagpuan ang dalawang bwiset na yon?’

Yong dalawang babaeng nakita ko kanina ay nilagay at itinago ko muna sila sa labas ng palasyo at sinabing babalikan ko sila.

Confident pa talaga akong makakabalik pa ako ng buhay.’

"Bagay ba saking umupo sa tronong to, Dylan? Balang araw magiging akin din to."

"Yeah, pero bago yon. Gawin mo muna ang ipinag uutos sayo ng Hari.”

Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng dalawang pamilyar na boses, nagmumula ito sa isang silid na naka awang ang pintuan.

“Sino ka??”

Akmang bubuksan ko na ang malaking pintuan nong may nagsalita sa likuran ko.

Humarap  ako sa nagsalita at bumungad sa'kin ang mukha ng isang kawal. Nakalimutan kong hindi ko na pala suot yong uniform nila. Natatakot kase sa'kin yong babae kanina kaya hinubad ko.

“A-ahh ano,” nag-aalinlangan kong saad. “May multo!” sigaw ko saka itinuro ang kisame.

Ang tanga naman ay lumingon kaya tinapik ko ang balikan niya, nong humarap na siya sa'kin ay sumalubong sa kaniya ang kamao ko.

‘Akalain mo yon, naniniwala pa siya sa multo.’

Nong makita kong tulog na ang kawal ay pumasok na ako sa kwarto kung saan ko narinig ang tinig at naagaw ko naman ang atensyon nila

Nadatnan ko si Raine na nakaupo sa isang truno habang kaharap naman niya ang nakatayong si Dylan.

‘Let the game....

... begin.’

Reincarnated As An Emperor's Hated Daughter [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon