CHAPTER 17

18.6K 677 17
                                    

Zhanaia Hemilton's P.O.V.

"Devi."

'that voice... Dada.'

'Calm down Haily.'

"Y-yes?" I answered then faced him.

He stared at me na para bang kinikilatis ang mukha ko kaya napa-iwas ako ng tingin.

"About earlier," panimula niya.

'Yeah, mapupunta na sa kaniya ang atensyun mo. Tanggap ko na.'

"I'm sorry if I haven't told you."

Gulat akong napatingin sa kaniya.

'Why is he apologizing?'

'Diba dapat nandon na siya sa loob kasama si hazel?'

"I'm sorry, patawad kong di ko sinabi sayong may kapatid ka. I didnt mean to kept a secret from you."

Napakunot ang noo ko pero kalaunan ay nawala din.

Oo nga pala, hindi niya alam na matagal ko ng alam na may anak siya sa iba, instead iniisip niya ngayun na nag sikreto siya sa akin.

"Im sorry my princess, I won't hide any secrets to you from now on." he said then kissed my forehead.

'H-hindi niya ako iiwan?'

'Ako pa din ang prinsesa niya?'

"D-dada... " kusang tumulo ang luha ko at niyakap siya.

"Dada, wag mo po akong iwan pakiusap." Saad ko habang walang tigil ang pag agos ng luha ko at niyakap siya ng mahigpit.

"What? I would never do that."

Sa narinig ko ay parang lumuwag ang pakiramdam ko kaya maslalo ko siyang niyakap.

"You'll always be my princess."


_______

"Seriously?" tanong ni Dada at saka tumawa.

We're still here at the terrace talking. Kinukwento ko sa kaniya yung akala ko iiwan niya na ako.

"Hindi ko magagawa 'yon, " napangiti ako nong sabihin niya 'yon.

"Well, I'll be honest to you. Nong mga araw na ipinagbubuntis ka ng mama mo ay inisip ko ng ayaw ko na sayo but then nong una kitang makita, my heart beats fast and that was the first time I've felt that. At first I was indinial but to think that I wanna touch your tiny hands makes me smile like an idiot, and there I realized you won and I lose," mahabang litaniya niya.

"Kaya wag kang mag iisip ng mga ganyan ulit, dahil hindi mangyayare 'yon remember that Dada always loves you."

"Devi loves you too, dada." I said and hug him tight.

"But Dada?" may bigla lang akong na isip.

"Hmmm?"

"Ni minsan ba minahal niyo rin si mama?" napatigil siya nung itanong ko 'yon.

"I-its okay kung h-hindi niyo sasagutin na-"

"Your mom," putol niya sa sasabihin ko. Hinintay ko lang ang susunod na sasabihin niya.

"I did loved her." napatingin ako sa kaniya nong sabihin niya 'yon.

'Talaga?'

"Your mom and I were lovers back then, we're so sweet to the point na lahat ay naiinggit sa amin." habang kinukwento niya 'yon ay napapangiti siya.

"But then that day came, she cheated." nagulat ako sa sinabi ni dada.

'how come?'

"She cheated with my own best friend, at first hindi ako nakinig at naniwala sa mga sinasabi ng iba pero sa huli kusa niyang inamin sa akin at sumama siya sa best friend ko.

Sabay nilang inamin sakin ang pasikreto nilang relasyon then they both left me. Years had passed there, I met Hazel's mother her name's Layzel. We bacame friends, she gave me advices, lagi siyang nasa tabi ko nong panahong nangungulila ako sa mama mo. Hindi niya ako iniwan at hindi nagtagal we bacame lovers." Saad niya at tumingin sa akin.

"Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, Devine's parents and mine were very close friends to the point na gusto nilang kami ang magkatuluyan.

Nalaman ko rin na against ang parents ni Devine sa relasyon nila ng best friend ko kaya pinaghiwalay sila.

And so as my parents their against about our relationship between Layzel 'cause she's just a commoner.

And they force us to merry each other.

Wala akong magawa instead, nag plano ako na kapag ako na ang naging emperor ay magagawa ko na ang gusto ko at saka ako makikipag divorce kay Devine Kaya pumayag ako sa kasalang 'yon.

Sinabi ko rin 'yon sa kay layzel, wala siyang choice kundi ang pumayag at ikinasal nga kami.

Kahit kasal kami ng mama mo ay pasikreto parin kaming may relasyun ni layzel at alam niya 'yon.

Wala akong planong magkaroon pa ng ugnayan kay Devine ulit at iniisip ko na mag asawa lang kami sa papel.

But then one lustful night came at doon bumaliktad ang mundo ko nalaman kong nabuntis si Devine and months passed gayun din si Layzel.

Nasira ang tiwala ni Layzel sa 'kin dahil dun. She became cold.

Sa mga panahong ipinagbubuntis ka palang ng mama mo ay minsan niyang sinabing mahal niya parin ako, but I didn't listen. Wala rin namang magbabago dahil matagal ko ng kinalimutan ang pagmamahal ko sa kaniya.

Pinili kong alagaan si Layzel instead of your mom kahit na iba na ang pakikitungo niya sa akin. Masakit, knowing na iba na ang pakikitungo sayo ng mahal mo kumpara dati.

H-hindi ko naman sinasadiya ang nangyare." Nong sabihin niya yon ay nabasag ang boses niya. Doon ko lang napagtantong umiiyak na siya.

"Ilang buwan ang lumipas ay ipinanganak ka tumigil ako sa pagbisita sa kanila. Isang buwan din ang lumipas ay nalaman kung nanganak na si Layzel but.....

...... she died while giving birth of Hazel."

Reincarnated As An Emperor's Hated Daughter [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon