Nakatingin ako sakanya habang hinihilot nya ang ulo nya. Nakapikit sya at tumalikod sya samin. Naghanda naman ako ng mga sasabihin ko para sa mga magiging suggestions mamaya para sa survey.
"CR lang ako." Tumayo sya at nakita ko ang panghihina ng tuhod nya. His knees were shaking, almost falling to the ground.
Bumalik kami sa pinag-uusapan namin, pero naka-focus parin ako sakanya.
I started tapping the table. Ang usual ko na ginagawa sa tuwing kinakabahan ako. Hindi ko alam pero nanlalamig yung mga kamay ko.
Habang nagsasalita si Megan sa harap, hindi lahat nakikinig. Isang tao lang ang nakakuha ng lahat ng atensyon namin ng dahil sa isang malakas na ingay.
Nakabagsak sya.
"G-Guys, kailangan yata ni Chill ng tulong."
Nakatingin lang kami sakanyang lahat habang nakahawak sya sa ulo nya at nakahiga sa lapag.
Pakiramdam ko maiiyak na 'ko dahil higit pa sa naiisip ko ang sakit na ramdam nya. After few seconds, tsaka lang nag-sink in lahat. Tumakbo naman si Mark para tulungan sya pero tinaas nya ang kamay nya, "O-Okay lang ako."
Hindi ako nakatayo sa lugar ko. Sobrang kinakabahan ako kaya sinabi ko na ipagpatuloy nalang namin.
Tinapos namin ang meeting at umalis na ang iba. Pumasok naman kami sa loob ng bahay nila Dara para doon mag-meryenda.
"D-Dara, bumalik na ba si Chill?"
My hands are shaking.
"H-Hindi pa ata. Pero baka pabalik na 'yon." Tumango si Dara ng mabilis at hinawakan ako sa braso, tumango naman ako sakanya pabalik.
"Okay lang ako. Sorry sa kanina." Napatingin kami sakanya, hinihintay ang sunod nyang gagawin.
Anim nalang kami ngayon, at lahat tahimik at nakatingin sakanya.
"Kumain na tayo." I faked a smile. Sinabi ko 'yon para makuha ang atensyon nila.
Napansin ko ang pamumula ng mga mata nya. Huminga ako ng malalim, nagpaalam na sila Meg at Dan. Naiwan naman si Krystalline na kumakain at kausap ni Dara.
Lahat kami tahimik lang sa loob, walang kibo.
"Huy, tahimik." He chuckled.
Naiinis ako sakanya. Ang selfish nya. Sobrang selfish nya na hindi sakin ipaalam.
"Alam mo kung bakit, Chill." I hardly spoken it.
Tumingin sila sakin and I raised my eyebrows.
"Bakit hindi nyo sinabi agad?" After my anger, tuloy-tuloy na tumulo na ang luha ko. Napatingin sakin sina Dara.
"Ha?" Tinanong ko ulit sila habang humihinga ako ng malalim.
"Sinabi ang alin?" Ngumiti pa sya sakin at nagkunwari na hindi nya alam ang lahat.
I looked at Dara and Krystalline, agad silang yumuko.
"Sinabi ang alin? Ang alin nga ba?" I retuned the question to him. He knows why.
"Hindi naman ako manhid. Matagal ko ng alam, pero kung hindi kita sinundan sa ospital no'n edi mukha akong tanga na masaya parin kahit malapit ka ng mamatay? Tapos sila, alam nilang lahat. Ganun ba? Ha?"
"A-Autumn..." Hinawakan ako ni Krystalline pero hinawakan ko sya pabalik.
"Okay lang ako." Naging seryoso nanaman ang mukha nya, nakatingin sakin.
"Ano? Okay ka lang? Sasabihin mo 'yan kahit hindi mo na kaya yung sakit?"
Not here. Not here, Autumn.
Kinuha ko ang bag ko at tumakbo na palabas. Hindi. Hindi ako mag-eeskandalo sa ibang lugar.
Naglakad ako ng mabilis para hindi nya maabutan, but he is too fast to catch me. Hinawakan nya ang braso ko at pinigilan akong makalayo.
"Ano ba? Kung ikaw okay lang, ako hindi na! Pagod na 'ko. Tama na."
Nagulat ako sa mga sinabi ko, alam kong ganun rin sya. Huminto sya at binitawan ang braso ko.
Ginulo nanaman nya ang buhok nya, alam kong sobrang frustrated na sya. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
Bumalik nanaman sya sa pagiging seryoso nya."Ilang buwan nalang. Kung gusto mong i-extend yung mga hiningi kong oras para mapatunayan kung gaano kita minahal, para mawala na ng buong-buo 'yang galit mo sa'kin, gagawin ko. Para makita mo na hindi lang ganun kahaba yung pagmamahal ko. Hanggat buhay ako. Papahabain ko yun, three weeks, one month, two months, a year. Hanggat buhay ako."
"Take your meds. Kung kailangan ng surgery, sige na please. Please... Utang na loob."
Niyakap nya 'ko at naramdaman ko nanaman ang lugar kung saan ako pinaka-komportable. In his hands.
"I'm taking my meds. Ginagawa ko lahat. Pero yung surgery? Imposible..."
"H-Hindi na daw curative yung surgery sa condition ko, b-baka ikamatay ko d-daw."
"Ano? Yung three weeks na i-eextend mo, gaano na kahaba? One month? Two months? Three months? Ano? Buwan nalang bibilangin ko? Saglit na pagmamahal na lang yun eh. Ang daya mo!"
"Ever since, minahal kita. Kaya hindi mo pwedeng sabihin na buwan lang yung naging pagmamahal ko sayo. Yun lang yung magiging proof na mamahalin kita, until my last second."
"Chill, this can't be okay."
"You'll be okay, I will be. Soon, you'll wake with a smile on your face. Maybe not now, not tomorrow, or yesterday. But soon, Autumn. You'll learn how to accept things."
Hindi ko na alam paano ko ilalabas lahat. Alam nyo yung pakiramdam na, hindi na 'ko makahinga sa sobrang sakit? Sa sobrang hirap. Sa sobrang bigat.
"How can you be okay with a thing that can kill you?"
"Bakit hindi? Lahat ng sakit na naramdaman ko sayo, it almost killed me. But I'm not just okay. All I felt was that, it's the only thing I ever needed to prove the love I have for you."
I bit my lip. Ngayon ko nalang ulit naranasan ang umiyak ng sobra. Ang umiyak na parang bata. Parang bata na may gustong kuhanin, pero kahit anong gawin, hindi ko maabot.
"Hindi ko kayang hintayin ang huling araw mo... Ayoko, Chill. Please..."
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky