Twenty-two

75 4 2
                                    

"I want this, I want that, I want everything." Turo ko sa lahat ng bagay na nakikita ko.

"Seryoso na kasi, what do you want?" Hump asked me.

"Gusto ko ng pumasok dahil male-late na 'ko." Turo ko sa wristwatch ko.

I combed my hair using my hand and rolled my eyes heavenwards. Tss. Masyado talagang mabait ang kaibigan ko at hindi ako papayagang maka-alis ng hindi ako nabibili ng gusto ko!

"Wala pa 'kong tulog." I continued. Hinawakan ko ang eyebags ko at binukas ang mata ko, he stared at me.

"Pss. Bahala ka nga jan." he acted as if he's going to leave me.

"Iiwan mo 'ko? Okay lang, alam ko pauwi. Behlat!" Dinilaan ko sya and I crossed my arms.

He laughed and tapped my head. Inakbayan nya 'ko at tumingala sakanya. Hanggang balikat nya lang ako. Napansin ko naman na parang magkatangkad lang sila ni Chill. Tinignan ko ang mukha ni Hump. He's too innocent compared to that freaking bastard! Masungit ang mukha ni Chill. Ewan ko, bakit ko sinabi kay Dara na crush ko 'yon. Para akong elementary. Tss.

"Anong gusto mo?" He asked for the nth time.

Naglakad-lakad muna ako bago sumagot. Tumigil akk at tumingin sa paa ko.

"Sintas ng sapatos ko." I joked.

"Nice joke." He said with a blank expression.

"No, ayun nalang." I pointed the necklace carved with letter A on it.

"But, it's 2,000. So, nope." Iling ko. Napansin ko kasi yung price nya kaya umiwas kaagad ako. Tumawa naman si Hump.

Simple lang yung kwintas, so sa tingin ko hindi worth ang two thousand para sakanya.

Naglakad na 'ko palabas dahil baka ma-late pa 'ko kapag hindi ako nakaalis ngayon. I checked my time on the wrist watch before leaving at nagulat nalang ako ng tumatakbo si Hump na lumapit sakin.

"Wait. Eto na." Tumayo sya sa harap ko, hawak-hawak ang kwintas na tinuro ko.

"Bakit mo binili?" Nagulat ako sa inabot nya.

Kinuha nya yung kwintas sa box at sinuot sa akin 'yon. Tinignan ko 'yon ng mabuti, bakit kaya binili ni Humprey? Tss.

"Pasok ka na." He tapped my head and left.

He held my cheeks, at inangat ang dulo ng labi ko, making my lips crook. He smiled at me, I punched his arm at natawa kami pareho.

Pumasok na 'ko ng nakangiti, hawak ang kwintas na binigay ni Hump.

After ng subject namin sa English, 1 hour vacant kami, and since wala akong magawa, nagpunta muna ako sa may tree of creeps.

"Ang saya mo naman." Sabi ni Chill na tumabi sa akin sa tapat ng tree of creeps.

"Sa araw-araw nalang." Bumuntong hininga ako, hindi na 'ko nilubayan ng masamang espirito.

"Tss." Kinuha nya sakin yung phone ko.

Napatindig ako ng upo. Tinitigan ko kung ano ang sunod nyang gagawin.

"Magnanakaw!" Sumigaw ako kahit sobrang madaming estudyante at tinuturo ko si Chill.

"Manahimik ka nga." Tinakpan nya yung bibig ko.

"May magnanakaw! Magnanakaw!" Napakamot sya sa ulo nya.

"Shut up or I'll kiss you." Mahinahon nyang sabi, he even rolled his eyes. Gaano ba kabading 'to!

I glared at him. Tumahimik ako at umupo.

"Ano bang ginagawa mo?" Turo ko sa phone ko.

"Naglalaro. Ang oa mo kasi." Inirapan nanaman ako ng bading na 'to.

Umayos nalang ako ng upo at nag-relax.

"May pagkain ka dito?" Inagaw ko sakanya yung bag nya.

"Meron."

Hinalungkat ko yung bag nya, nag-eexpect na may makikitang pagkain dahil nagugutom na 'ko.

"Goodness gracious!" Napatakip ako sa mata ko.

May FHM magazine. Sino ba 'tong mga babaeng 'to?

"Grabe ka! Ang ew mo!" Tinulak-tulak ko sya.

"Yuck, perv." Bulong ko.

He smirked. Lakas talaga ng loob netong lalaking 'to.

"It's not mine. Sa kaibigan ko 'yan, nakilagay lang."

"Whatever." Inirapan ko sya at kinain ang Richo na nakuha sa bag nya.

Magpapalusot pa! Huling-huli naman. Ergh! Napailing ako.

Umalis na 'ko at nagsimulang maglakad.

"Huwag mo naman na 'kong sundan, maawa ka naman! Oh jusko, ano ba naman ito. Diba-" Patuloy ako sa pagkanta ng putulin ako ng asungot.

"Pareha tayo ng daan, 'wag kang feeling." Naglakad na sya at umuwi na.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon