"Ugh, ano ba 'yan!" Nagmadali akong sumilong para mailagay yung folder ko sa bag ko.
Pagkalagay ko naman, agad akong tumakbo para makapunta sa sakayan ng bus. Tumingin ako sa taas at napansing malalaki ang patak ng ulan kaya mabilis akong mabasa. Ang bag ko naman, medyo nabasa kaya binaliktad ko ang pagkakalagay at niyakap 'yon.
"Isuot mo nga 'to." Nagulat ako ng may nagpatong ng jacket sa akin.
"Anong--" Tumingala ako, at medyo nabasa ang mata ko kaya kinusot ko naman kaagad 'yon.
"Yagi!" I smiled. Ang tagal naming hindi nagkasama nila Janine. Ngayon ko nalang ulit sila nakita.
"Akala ko lalaki." I laughed.
Dahil sa matangkad, at may pagka-manly ang boses ni Yagi, akala ko lalaki yung nagpatong ng jacket sakin. Napatawa naman ako sakanya at ngumiti pa.
"Sabay na tayo nila Janine. Nako ha, hindi ako lalaki! Girlaloo ako." Irap nya habang nakapamewang pa.
"San ba daan nyo?" Tanong ko.
"Papunta kami sa mall eh." Si Ja!
Si Janine, ang ganda nya talaa kahit mataba. Napatingin ako sa mukha nya, mukha syang German at may pagka-morena. Sana lang makapag-diet 'to.
"Janine!" I hugged her, ang lambot parin nya.
"Tara na?" Sabi ni Yagi habang binubuksan pa ang isang payong.
"Ay, sorry. I can't go. Tatapusin ko pa yung assignment ko sa Fil1A." Nanghihinayang kong sabi.
Napatingin ako sa paligid namin, humina ang ulan but still, they're not minding the drizzle.
Matagal narin kaming hindi nagkakasama nila Yagi, lalo na't nag-shift ako sa BS Psych. Bihira ko nalang silang makita sa loob ng university. Buti nalang at paminsan-minsan, naco-contact ko parin sila.
"Heh. Magtatampo na kami sayo." Irap nila sa akin.
"Sorry na." Simangot ko.
"Joke! Hehe." Janine laughed a little. Her dimple appeared, almost on her chin.
"O, sige na. Bye na! Sayo na 'yang jacket ko." Niyakap nila akong dalawa at nagpaalam na.
Sumakay ako ng bus at naupo sa may harapan. Para hindi hassle.
Nakita kong tumatakbo habang basang-basa papasok si Chill sa bus. Umupo sya sa may gitna at muntikan na syang bumagsak.
"Chill..." Lumipat ako sa tabi nya at isang babae rin ang umupo sa tabi ko.
Ang init nya.
"Nilalagnat ka." Sabi ko sakanya at inabot ang jacket.
Basang-basa. Tinapik ko ang likod nya, parang sumisingaw sa basa nyang damit ang init nya. San ba kasi 'to galing? Psh.
Inalalayan ko sya sa pagbaba.
"Hindi naman ako lasing, nilalagnat lang naman ako." Sabi nya at bumaba. Salubong parin ang kilay nya, walanjo!
He's drop-dead gorgeous with his wet look though!
"Eh malayo pa yung sainyo. S-Samin ka na muna..." Napatingin ako sa baba. Nahihiya, dahil sa pag-aaya.
Baka sabihin naman neto, concern na concern ako.
Sumakay na kami sa elevator, at binuksan ang pinto ng unit namin. Nakita ko namang nakangiti si Jeanelle ng pumasok kami. I looked at her weirdly para ipaalam na wala 'yon. It's fine! Jeanelle's too innocent.
"N-No boys allowed." Nanginginig na tinuro nya yung sign sa pintuan ng kwarto namin ni Goy.
Napangiti lang ako at tuluyan syang pumasok sa kwarto namin at nahiga.
"Ang init mong bwiset ka." Napakunot ang noo ko. Kainis.
Kumuha ako ng mainit na tubig sa basin at ng towel.
"S-Salamat." Hinigit nya yung kamay ko para mapaupo ako.
"M-May kukuhanin lang ako." Nahihiyang ngiti ko at tumalikod na.
Nilagay ko yung bimpo sa noo nya pagkatapos kong punasan ang braso nya.
"Ergh. Basa parin yung damit nya." Humanap ako ng malaking damit ko sa closet.
Small, hindi kasya sakanya.
Medium, hindi parin kasya.
Large, konti nalang pero bitin pa.
"XL." Nakita kong size ng t-shirt na hawak ko.
"Hello Kitty?" Napakunot ang noo ko, walang choice.
Naramdaman kong mainit parin ang balat nya ng nagsimula akong itaas ang damit nya.
"No." Binaba ko ulit yung damit na. Sheep naman, anong gagawin ko?
Inangat ko ulit 'to at nakasara yung mata ko--syempre isa lang. Para makita ko kung saan na yung dapat kong tanggalan. Ugh, Autumn! Don't let your other side come out, hindi 'yan tama!
"Ang taas ng lagnat. Ang init."
Pinunasan ko yung pawis ko.
Oh goodness! Ang hot nga.
"Ano ba Autumn, 'wag ka nga!" I smashed my forehead.
Nahirapan akong isuot sakanya yung damit, pero napangiti naman ako pagkatapos.
Isang lalaking naka-Hello Kitty habang mahimbing na natutulog.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky