Life is like taking a shot with your camera, you feel like some photos are not worth, but the films you had are the shots of your memories. And they're not worthless, because they've been part of your life. They are the captured memories, that can't be forgotten.
Tumingin ako sa paligid ko, isang perpektong mundo para sakin. Isang perpektong lugar, kung saan ko gustong alalahanin lahat. Lahat ng saya, lungkot, galit, at sakit. Gusto kong bumalik dito kasama sya, gusto kong makita nya ulit 'to. Kahit sa mga sandaling oras nya nalang na pwede ko syang makasama. Naaalala ko ang mga oras na sinundan ko sya sa ospital, kahit basang-basa na ko, wala akong pakielam. Narinig ko ang sinabi ng doktor, 4 months. April na, apat na buwan na ang nakakalipas, pero hindi pa naman ganoon kalala. Bakit nga naman ba 'ko maniniwala sa mga doktor na 'yan? They can cure sickness, but can never predict the end of a life.
Umikot ako, sakto ang lugar. This is your surprise for him, Autumn. This is everything you could give.
A date. Autumn themed. Naaalala ko pa ang kinwento ni Mama sakin kung bakit naging si Autumn Serene ako. Dapat, apat kaming magkakapatid. Kaya lang, since hindi naman kami sobrang mayaman, Kuya and I are already enough. Naisipan nila Mama na dalawa na lang kami. Dapat daw kasi, kami ang four seasons of love. At isa pa, naalala ko rin na isang dahilan ay dahil sikat ang bandang Autumn Serenity ng mga panahong pinanganak ako.
Siguro, noong naintindihan ko ang ibig-sabihin ng pangalan ko, mas minahal ko pa 'yon. Pangarap kong makapunta sa isang lugar, kung saan makakakita ako ng totoong fall. Kasama ang mapapangasawa ko. Naging pangarap ko na 'yon noon pa.
"You can do it." I smiled. I know, unusual na babae ang mag-aya ng date. Pero, peace offering ko na rin 'to.
Perfect place, Autumn. Our Camelot. Halos lahat ng puno, broad-leaved trees. Till sunrise. Till sunrise...
-
"Ehem." I coughed.
"Autumn?"
"Gabi na, baliw ka ba? Paano kung may nangyari sayo jan?" Napatayo sya sa kama nya ng pumasok ako sa kwarto nya. Halatang nagulat sya.
"Ah, magpapasundo naman ako." I smiled.
"Tara nga dito." Ginalaw nya ang kamay nya, sumesenyas na lumapit ako sakanya.
"Ha?"
"Tara dito." Turo nya sa tabi nya habang nakataas ang kilay.
Napangiti ako, masungit ka pa rin Gonzales.
Umupo ako sa tabi nya at nagulat at napangiti ng yakapin nya 'ko.
"Sorry kahapon."
'Wag kang iiyak, Autumn.
"Nag-alala lang naman ako, k-kasi natatakot ako para sayo." Niyakap ko sya ng mahigpit.
Fail. Ang iyakin mo talaga, Autumn Serene.
"Eh ano pang iniiyak mo jan? Okay naman ako," He flicked my nose. "Magiging okay pa 'ko. Tapos sa graduation day natin, sasagutin mo 'ko ng 'oo' mo."
Tumingin ako sakanya ng masama, "Para mo namang sinabing atat ako." Tumawa sya. Pinunasan nya ulit ang luha ko then he smirked. Jerk!
"Ano bang iniiyak mo?"
"Mag-promise ka muna na hindi mo 'ko irereject!" I frowned. Kinakabahan ako, kinakabahan ako.
"Promise."
"Bukas, six thirty pm! Be ready, mag-ayos ka. I'll fetch you." Talikod ko, at bago pa 'ko tuluyang makalabas, he asked me.
"Are you asking me a date?" His eyes widened. I shook my head.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky