"Room? Ano? Hindi kita marinig, badtrip." Napatayo na 'ko, suot ang boxers at white t-shirt ko.
Lumapit kaagad ako sa may bintana para umayos ang connection.
"Room 210. Kahit saglit lang, para makakuha lang ako ng gamit." Sabi ni Ella sa kabilang linya.
"Oo, I'll come quick. Bye." I ended the call.
Pusha, napapa-english ako sa mga nangyayari. Minsan lang ako magseryoso, dahil nanaman sakanya.
Nagsuot lang ako ng jeans at hindi na nag-atubiling magpalit ng t-shirt. Nagdala nalang ako ng extra shirt ko at bumaba na kaagad.
Nakarating naman ako agad sa ospital na sinabi ni Ella sakin.
"What happened?" I asked seriously.
Nakayuko, tahimik, at hindi sya sumasagot.
"Why can't you just tell me? Bakit ba kapag si Elle, ayaw mong magsalita? Go and just break that crap!" Nataasan ko ng boses si Ella.
Nagulat rin ako sa mga nasabi ko. Hindi ko inaasahan na matataasan ko sya ng boses.
"Kasi sya nanaman..."
Nakita kong umiiyak na sya sa peripheral vision ko at dumiretso na sa pag-alis. Iniwan ako, sa tapat ng pinto ng kwarto ni Elle.
I clenched my fist. Si Neon. Si Neon nanaman ang may kasalanan. Sheep lang mga pre, ano bang problema ng Neon na 'yan?
Pumasok ako, at nakita ko si Elle.
She had little wounds, and asleep. Umupo ako sa tabi nya, at inayos ang buhok nya.
"Wala na ba? Si Neon nalang talaga?" Sabi ko at inayos ang buhok nya.
Hindi nya 'ko naririnig, pero alam kong alam nya. Alam nya parin ang nararamdaman ko.
"Tss. Drama. Sorry." Sabi ko kahit hindi nya 'ko naririnig.
"Hindi ako nakinig sa sinabi mong hindi tayo dapat. Kahit sinabi mong it was all such a joke. We were charlatans, great pretender we were."
Tumayo ako, at napatakip ang kamay sa mukha. Hindi ako sanay ng ganito. Ang baduy talaga. Tss.
Bumalik ako sa pagkakaupo.
"We were charlatans..."
"Sorry Chill, but I really love Neon."
"I have to leave now, sorry."
Naalala ko nanaman lahat. Yung mismong araw na 'yon.
"Ella?" May kumatok sa pinto kaya napaayos ako ng upo.
"Ikaw pala." Sabi nya pagka-bukas ko ng pinto.
"C-Crisanta." I said.
"Bantayan mo na muna sya, may pupuntahan lang ako." Sabi ko at tuluyan ng umalis.
"Chill." Crisanta muttered. I didn't look back. I stay put, standing where my feet is.
Anak ng tipaklong, sabi sainyo astig ako mag-english eh.
"Si Neon. Si Neon nanaman ang may kasalanan 'no?" I smirked. "Tss."
"She called me. She said that all she need is you. She wants you, and it never changed." Humarap ako ng naguguluhan sa mga sinasabi nya.
"What for? Para sabihin ulit sakin na joke lang lahat? Na ginamit nya lang ulit ako?" I said sarcastically.
Everything's a mess. Hindi ko na maintindihan kung joke lang ba ang lahat.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky