Seven

159 5 2
                                    

"Dara, tama na 'yan!" Sabi ko kay Goy na walang ibang ginawa kundi maglagay ng lip at cheek tint sa mukha nyang, basta. Hindi ko maexplain.

"Mukha ka ng ewan. Parang clown na hindi ko maintindihan. Tigilan mo na 'yan. Malelate na 'ko, sayang ang records natin pagdating sa attendance."

Ang bilis at mag-oone month narin kami sa pag-tetake ng course na educ. I know how much happy I could be by serving children kapag nag-teacher ako, but I decided na magpa-shift nalang ako ng Psych dahil madaming branches yun at madami akong pwedeng i-take. I can also be a teacher kung 'yon ang kukuhanin ko. Sa second sem ako magpapashift, but I know that I won't roll and come back from the start dahil may ma-ccredits namang subjects.

Masayang maging foundation ng isang tao kapag nag-teacher ka, and yes, I took this course because this is my passion. Avid server ako, and I really find myself happy teaching others, but being practical narin, alam ko namang hindi mawawala sakin ang ministry na 'yon kapag nag-take ako ng psych.

"Dara, can you please make it fast?" I said stomping my feet. "Wala pa bang ibabagal 'yan? Just great." I told her sarcastically. Mabagal akong kumilos pero hindi ko talaga naisip na may mas mabagal pa sakin.

"Wait, okay? Wait." Wow. So ako pa talaga pinaghintay nya?

"KAYA HINDI UMUUNLAD ANG PILIPINAS EH." Sabi ko ng malakas. "Usad pagong din kasi mga tao." I whispered pero hindi ko alam na kahit 10 decibells lang ang sukat ng boses ko, aba, narinig nya pa yun.

"Slow progress is still progress. Anyway, I'm still ahead of those who are not trying."

"Dami mong alam. Magmadali lang hindi, pwe."

Nakatira kami sa iisang dorm. Actually, condo talaga ito at kay, Kuya Spring ang unit na ito pero dahil super lapit lang ng condong ito sa SU, he decided na parentahan ito sa mga estudyante.

At dahil kapatid nya ako, syempre babae ako at dito kami nagsstay ni Goy for free, for girls lang ito and yes, meron kaming isang blockmate na kasama namin dito, at isang 2nd year accountancy student, na Leichel ata ang pangalan sa pagkakaalam ko.

Okay, I know na nabanggit kong super lapit lang namin sa SU, but knowing Goy, she have so many time for her kaartehan kaya malelate at malelate parin kami. Aba, sa ala-pagong nyang kilos at sa laki ng SU, sinong hindi? Hindi ko lang talaga 'to maiwan eh.

"Pwede daw pakihinaan sabi ni Leichel. Ang ingay daw eh." Nagulat kami ng lumabas si Geanelle, blockmate namin sa kwarto nila, na sa tingin ko hindi papasok dahil kahapon pa nilalagnat.

"Sabihin mo sakanya, echosera sya! Mag-sapak kamo sya ng bubblegum sa tenga nya. Isa pa syang madaming alam." Sagot ni Goy. Jusko! Hindi talaga pwedeng magsama kami ng parehas na mataray. Magkakaroon ng matinding giyera eh.

"Wala daw may pake." Sabi ni Geanelle na ang hinhin-hinhin parin. Napaka-inosente nitong babaeng 'to eh.

"Oo talaga sabi-"

"Tama na hui! Kung binilisan mo nalang jan? Para kasing baliw eh." Sabi ko at inayos ko na ang Jansport kong floral na Limited Edition. Alam nyo pangalan nya? Sya si Bloom. Alam nyo kung bakit? Wala lang. Trip ko lang.

Pagkatapos na pagkatapos nya, hinigit ko agad sya pababa at ang bata, biglang nagsalita. "Higit ka ng higit, nasayo ba yung susi ng sasakyan?"

Gusto ko na syang sapakin, promise. Sya palagi ang nag-ddrive at hindi ako marunong, kaya nakakainis. May student's license naman sya at besides, sasabihin ko ulit sa pangatlong beses, super lapit lang namin sa SU. No big deal rin naman ang pag-ddrive nya dahil Wagon R lang, at maliit na sasakyan lang naman 'yon. Pero kasi, kahit na. Ang unfair. Sya tinuruan ng Daddy nya, ako iniwan na.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon