"Putspa pare, ang angas ni Neon, ang gaganda palagi ng kasama. Bawat linggo ata magkakaiba eh." Walang katapusang sabi sakin ni Kyle. Tinatanguan ko nalang yung kadaldalan nya.
"Nakita ko nga kanina, ang angas nga." Simpleng sabi ko. At dahil doon, napansin kong naiinis na sya ng pisilin nya ng dalawang beses yung earlobe nya.
"Samin ka nalang kumain?" Simpleng sabi nya. At sa pang-ilang beses, tinanguan ko lang ulit sya.
"Nandun narin sila Mami at Dada."
"Angas ah. Mami at Dada." Kanina pa 'ko badtrip pero natatawa talaga 'ko tuwing naririnig ko yung Mami at Dada nya.
"Tama na pre. 'Wag mo na 'kong pagtawanan."
Nag-doorbell kami at binukas naman agad ni Mang Felix yung gate.
"Mi, Di, kasama ko po si Chill."
"Tang juice na malamig. Pare, kaya ka napagkakamalang bading eh. Tae. Hindi ganyan magpakilala." Bulong ko.
"Tss. Pano ba?" Bulong nya. Buti nalang wala pa sa baba sila tito.
"Mom, Dad si Chill po. Dito po sya kakain." Sabi ni Kyle sabay akbay sakin pagkababa nila Tito.
Tae.
"Hello po Tito, Tita." I smiled.
"Last time I heard you call us, hindi pa naman Mom at Dad ang tawag mo sa amin. Anyway, kumain na kayo. I've never seen you for a long time. Ang laki mo na." Niyakap ako ni Tita at ngumiti lang ako.
Nagpahanda na si Tita kay Manang ng pagkain, nagkwentuhan.
"Pare, tara akyat tayo." Sabi sakin ni Kyle.
Sobrang boring ng araw ko ngayon. Badtrip pa. Pss.
"Tara." Sabi ko at umakyat na kami.
"Saan kayo pupunta?" Nagulat kami ng harangin kami ng Daddy ni Kyle.
"Sa taas po. May gagawin lang po kami." Sabi ni Kyle.
Eto na nga ba sinasabi ko eh. Kaya napapagkamalang bading si Kyle kasi kung sumagot parang hindi nag-iisip.
"Tatanggapin ko." Tumalikod yung Daddy nya tapos humarap ulit.
"Po?" Tanong ni Kyle.
"Tatanggapin ko kung ano ka. Mahal kita, anak. Kaya lang bakit hindi mo kaagad sakin sinabi? Naghihintay pa 'ko ng magdadala ng pangalang Dela Cruz. Sana man lang ay nakagawa pa kami ng isa ng Mama mo."
Anak ng putspa. Ang drama.
"Maliligo lang ako Da." Sagot ni Kyle. Tae. Ang slow mo Kyle.
Tito talaga. Naupo muna ako sa sofa at pinanood sila dahil wala naman akong pakielam.
"Yun na nga. Tanggap ko lahat. 'Wag ka namang gumawa ng ganyan."
"Da, may gagawin lang din kami sa taas. Sa alam ko wala namang masama sa paggawa non. 'Wag nyo naman saking ipagkait pati oras ko, kinuha nyo na nga yung computer sa kwarto eh. Minsan lang ako magsaya."
Wait. Mapapamura ako neto eh. Nak ng.
"Ibabalik ko yung computer sa kwarto mo. Basta huwag nyo lang gawin 'yon."
"Da. Maliligo lang ako tapos mag E-NBA lang kami dun. Anong masama dun?"
"Anak, mahal na mahal kita. Hindi mo 'ko binigo. Akala ko bading ka."
"Changgala! HINDI AKO BADING! Tsaka kung bading ako, hinding-hindi ko papatulan 'to. Kadiri." Sabi ni Kyle na parang hindi matanggap yung sinabi ng Daddy nya. Ginulo nya yung buhok nya at pinisil ulit yung earlobe nya ng dalawang beses.
"Talaga anak? Bukas na bukas, ipakilala mo na sakin yung babaeng nililigawan mo. Kung hindi mo sya dadalhin, maawa ka anak. huwag mo 'kong biguin. Osige na, umakyat na kayo."
Tss.
"Da? Hui Da. Anong nililigawan?" Hindi pinansin ni Tito si Kyle at dumiretso lang pababa.
"Kaya ka napagkakamalang bading. Pati sa kwarto mo, feel na feel mo 'kong dalhin. Changgala. Dalian mo na."
Umakyat kami at habang naliligo si Kyle, panay lakad ako sa kwarto nya.
Pumunta ako sa may shelf na kulay Blue at napansin ko ang albums ng Beatles. Astig.
Napansin ko rin sa may drawer nya ang collections nya dito. Posters, ballers, t-shirts at sweaters.
"Psst. Pare, arbor." Sigaw ko habang nasa banyo sya.
"Arbor ng alin? Uubusin mo nanaman gamit ko. Lumayas ka na nga." Mejo pasigaw na sabi nya, but still enough for me to hear what he said.
"Baller lang. Yung Beatles. Dali na, rich kid ka naman eh." Sabi ko sakanya pero hindi na sya sumagot.
Binuksan ko yung isa nya pang cabinet pero iba yung nakita ko.
"Pare dapat hindi mo na kinaila."
"Alin nanaman?!" Nararamdaman ko na yung inis nya. Tae naman kasi eh..
"PRE! DAPAT HINDI MO NA PINAGKAILA! AKO PA MAPAPAGKAMALANG BOYFRIEND MO EH! PUTSPA LALAYAS NAKO!" Sigaw ko. Nababadingan na talaga 'ko kay Kyle.
Kinabahan ako ng konti ng maisip ko kung anong sasabihin ni Tito.
"ANO BANG SINASABI MO?" Sigaw nya ng makalabas na sya ng CR.
"Please pare, 'wag ako." Pagmamakaawa ko. "Humanap ka ng iba mong Dada. 'Wag ako." Sabi ko ulit.
"Changgala, kapag ako nainis hihigitin ko patilya mo, twenty times." Sabi nya habang nagpupunas ng buhok.
"Bakit may diary ka dito? Sinabi naman ng papa mong tanggap ka nya, ba't hindi ka parin umamin?"
"Pusanggala. Hindi nga ako bading! Tae."
"What's the meaning of this pare?" Sabi ko.
"Ikaw nagbigay sakin ng diary na 'yan! Nagddrama ka pa nga eh. Sabi mo, "Ikaw na bahala kung kanino mo ibibigay, kung kay ate Charo o kay Mel Tiangco." Paganun-ganun ka pa kasi sabi mo jan mo isususlat talambuhay mo. Tae, walang ganyanan pre. Baka makita mo pinakatatagong biceps ko ng wala sa oras." Sabi nya.
Hindi ko matandaan. 'Wag lang talaga akong lalapitan ni Kyle kung ayaw nyang mapamukhaan ng maskels.
"Eh ba't may kwintas? Ano, sinusuot ma ba 'yan o ibibigay mo sa nililigawan mo? Eh baka naman isasanla mo dahil nabuntis ka at iapapang-abort mo yung perang makukuha mo dahil jan sa mga kabadingan mo." Hindi ko na talaga alam sinasabi ko, pero sht. Kinakabahan ako kay Kyle.
"NAPULOT KO LANG 'YAN SA MAY BATO SA PLAYGROUND. SHEET KA PRE! SHEET KA! IUWI MO NA NGA 'YAN! Saksak ko 'yang talambuhay mo jan eh." Galit na sigaw nya.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky