Three

282 7 6
                                    


"Aray nakuuu!" Patuloy sa pagkanta 'tong babaeng 'to. Nang-aasar pa.

"Hindi nga ako sasama." Sabi ko sakanya at nagtaklob ulit ng kumot.

"Sige na, kakantahan nalang kita. Mag-ssearch pa 'ko ng makalumang kanta. Arimunding ayaw mo?" Sabi nya at dahil dun, hindi ko na mapigilang tingnan sya ng masama.

Kung kanta pa ni Enya ang kakantahin nya, okay pa 'ko dahil fan talaga ako nun. Kaya lang, juicecolored. Kundiman ba naman ang kantahin sa harap ko, sinong hindi maiirita?

Wala na nga akong tulog, at ang bruha, maaga pa 'kong ginising. Kung hindi ko lang talaga 'to kaibigan, malamang sa alamang nahampas ko na 'to ng hammer ni Thor. Kainis.

"Alam mo, fate na nga mismo ang gumawa ng daan para matanggal 'yang kadramahan mo sa buhay tapos mas magddrama ka pa jan. Pano kung hindi yun nawala? Aba't malamang eh, makikita mo na centennial anniversary na ng Lola't Lolo mo sa tuhod, hindi ka pa jan tumatayo sa kakamukmok mo."

I don't believe in fate, they're God's plan. Pero sa pinapakita ko, do I really believe in his plans?

Something stabbed me. Hindi ko sya pinansin at natulog na 'ko.

"Two weeks nalang, college na tayo."

"College na pala tayo. Hindi ko ramdam. Ha ha ha." I faked a laugh.

"OO. COLLAGE. AS IN C-O-L-L-A-G-E." Sigaw nya sa akin. " SIGAW 'YAN PARA FEEL MO NA." Sabi nya pero I still replied her an emotion with no emotion at all. Collage daw. Kelan pa naging frame ang pag-aaral?

"Anyway, Autumn Serene Zaballa, 16 years of existence, ang pinakabaliw na babaeng nakilala ko, babaeng parang araw-araw na namatayan kahit isang beses palang, my deepest sympathy for you."

Is this really the way to stop the sympathy over myself?

"Sasama ako sayo." I pulled her back. Hindi narin akong nag-abalang mag-ayos pa since galing ako sa SU at nag-enroll kanina.

-

Never akong naging fan ng mga stuffed toys sa loob ng crane, ng basketball na lalaruin sa basketball mania, oh ng tekken sa sa arcade. In short, hindi ako mahilig maglaro sa arcade.

Alam nyo yung kung hindi shopping ang target ng bestfriend mo, arcade naman? Kakainis.

"Ilan pa ba 'yang tokens mo? Na-pupumice na 'ko dito." Jusme. Batong-bato na talaga 'ko. Pinahawak pa sakin yung bag nya.

"Saglit. Tatlo nalang 'to, gusto mong bumili pa 'ko?" Sabi nya. Yung totoo? Ganyan na ba talaga ka-slow ang mga tao ngayon at hindi maintindihan sa reaksyon ang ayaw sa hindi? Sarap talagang manapak.

"Hindi ba halata? Hindi ba halatang ayaw ko na?" Irap ko sakanya.

Nakita kong inabot nya sa bata yung natitirang tokens.

"Ano bang gusto mo sa buhay mo? Sinama kita dito para mag-enjoy. Kain-tulog mo nalang ba papaikutin 'yang buhay mo?" Seryoso ba 'to? Hindi manlang nag-isip.

"Totoong gusto mo 'kong mamaho? Hindi! May ligo pa, bruha ka!" Sigaw ko sakanya. Mejo onti lang naman yung nagtinginan kaya hindi ako nahiya. Walang-wala 'yan sa pagsigaw ko ng "Hello people of the earth!" Sa loob ng hypermarket, sa pagpalit ng Argentina at CDO na cornbeef sa mga stalls nila, at sa pagsakay ko ng nakadapa sa cart dito.

Habang nag-iimagine ako ng paglipad ko na parang si Superman galing sa pinakamalayong planeta, nagulat nalang ako ng bumangga si Dara sa isang moreno, matangkad, at parang masungit na lalaki.

"Sorry." Sabi nya at tinulungan nyang magpulot ng mga nalaglag na gamit si Daranggoy.

"Uso mag-binoculars kung hindi mo kita, Kuya." Masungit na irap ko sakanya. Nakakainis naman kasi talaga eh. Sorry lang tapos wala pang sincerity kang makikita sa kaibuturan ng pwet nya at hindi naman sya talaga feeling sorry kahit mula sa pinakamiliit na ugat manlang ng puso nya.

"Sorry kung natamaan KITA, miss." Sabi nya kay Dara.

Alam mo yung ang kapal-kapal nya. Mas makapal pa sa asdfghjkl na eyeliner ni Baekhyun, mas makapal pa sa mukha ng Kuya ko, at mas makapal pa sa font na Bold.

"Tss." Sabi ko at tumayo na. Hinigit ko agad si Dara.

Mejo malayo na kami, at alam mo yung nakalanghap na 'ko ng konting oxygen mula sa pagkakainis ko kanina, kaya lang may biglang sumigaw ng,

"Miss! Bukas na bukas yung bag mo! Nalalag napkin mo!" Tapos nakita ko nalang syang tumatakbo papunta samin.

Alam nyo yung ang ganda na ng pagsesenti ko, kaya lang bakit laging may patawa sa buhay ng tao?

Tumingin ako kay Dara. Mga three seconds kasi hindi mag-sink in sa amin.

"Dara Elchico, 16 years of existence, pinaka-clumsy na nakilala ko, babaeng ngayon ko lang nakitang parang namatayan, my deepest sympathy for you."

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon