Slowly moving of fingers, the way its ends pushes the keys, a pinch of relaxation I get.
Namimiss ko na ang piano ko. Ilang days narin ng mag-stay ulit kami sa condo.
May pre-lims at finals pa 'kong tatahakin bago ako makabalik sa bahay, makapasok sa music room, at mahawakan ang piano ko.
Habang hinihintay ko si Ate Mika, isang irregular na classmate ko na magiging kasama ko for the interviews, for teaching journ, naupo muna ako sa tinatawag nilang tree of creeps.
Isang puno na never na ulit tinubuan ng leaves. Ang astig nya tignan, pero usually ang mga tao dito, natatakot. Marami daw kasing rumors or stories about this tree.
May isang bench na malapit dito, marami namang umuupo pero kapag day lang. Kapag medyo madilim na, konti nalang rin ang makikita mo.
Walang nakaupo sa bench kaya I decided to take a sit. Isang note ang nakita ko.
First time kong maging baduy, oo, old school. Sinabi ko sa tree of creeps na buddy na kami. Pumayag naman ata.
If you only know. If only you can read this, you deserve someone better. I know, imposibleng makita mo 'to. I put it on a bench na feeling ko ang layo sayo. Pero, maybe one day. One day, the blow of the wind might take this to you.
I've never been this expressive, sayo lang.
Ang cute. Ang cute nung stationery, panira lang yung sulat. Maganda naman, pero pangit. Ah basta, kakaiba. Pero ang bango kasi, at natuwa ako sa ginawa nya.
I kept the note. I know, this ain't for me pero who knows, baka ako ang maging daan ng sparks. Or I mean, maging wire ng pagmamahalan at kabaduyan ng mga tao ngayon.
Pero yung totoo, paano kung ako nga ang maging ka-spark nya? Alam mo, kapag tambay ka ng SU Nonsense Jokes and Confessions, wire lang ang may sparks. Pero kapag nagbabasa ka rin sa UST files, maiinggit ka sa may ka-spark.
"Kanina ka pa?" Suddenly, nag-flash sa harap ko si Ate Mika.
"Ay. Hindi, kakaupo ko lang dito." Sabi ko sakanya.
"Sorry, na-late ako. Tara na?" Hinigit nya yung kamay ko at nagpunta kami sa Monte Hall.
Mga five minutes rin kaming naglakad dahil medyo malayo, bumili rin ako ng blue fluffy cotton candy dahil minsan, because of my weird acts, naiisipan kong mag-alaga ng cotton candy, siopao, mochi dahil ang cute cute nila.
"Hey, sup?" A tall, dark, creepy guy draw near to us.
"Matthew." Sabi ni Ate Mika at nagmadali sa paglalakad.
Hinigit ako nung lalaki, I was dumbfounded.
"Creepy!" Tulak ko at tumakbo kasama si Ate Mika. Tawa naman ng tawa yung lalaki, parang baliw.
Tinignan kami ng mga ilang estudyante na naglalakad sa hall pero tumakbo parin kami.
Nagpunta kami sa may elevator at sumakay up to seventh floor. Medyo hiningal ako, pero kaya pa naman.
"Ba't tumawa yung lalaki?" I asked her a query. Seriously, the creeps, tagos sa bones.
Umiling lang sya. "Natatakot ako..."
Yumakap sya sakin at ramdam ko ang nginig sa katawan nya.
"Ate? May problema ba?" Niyakap ko rin sya.
"Nag-ddrugs yun eh! Adik yun! Pramis!" Bigla akong natawa sa pagkasabi nya. Pero kung titignan, para ngang naka-drugs yung lalaki.
Umakyat na kami sa office at ininterview kami. Fortunately, wala namang naging problema. I wasn't kind of nervous dahil parang normal talk lang naman.
Mag-ttraining kami every Saturday for journ and public speaking, at next, magtuturo rin kami sa other students.
"Sa Sat ulit?" Ate Mika smiled.
"Sure. Bye ate! I have to go now." I smiled back.
We parted ways, sumakay ako ng bus, dahil I would feel more comfortable.
Nakaramdam ako ng pagod kaya nakatulog ako saglit. But since malapit lang naman ang condo, lumagpas ako ng konti.
"Ang sakit na ng paa ko. Badtrip." Ngawit na ngawit na yung paa ko sa kakalakad.
Umakyat na 'ko sa fifth floor, room 510, unit ni Kuya at dumiretso sa kwarto namin ni Goy.
"Seryoso? Ganon na ba ka-eewy ang mga tao para iwanan nalang sa CR ang napkin? We're old enough guys, maging conscious naman kayo." Leichel told us very irritated.
"Ugh, napkin sucks." I whispered.
"Sino ang meron ngayon?" Tanong ni Leichel sa aming dalawa ni Goy. Si Goy na napakakalat ng gamit, si Goy na dinadalaw ngayon, si Goy na na-sspeechless sa hiya.
"A-ako. Pero hindi ko alam na naiwan ko sa CR. Sorry." Napayuko nalang sya.
"Kadiri ka. Kuhanin mo yung napkin mo, pakitapon ng maayos please?" Inis na sabi nya at bumalik na sa kwarto nila ni Genealle.
"Seriously Goy? 'Wag ka ng mag-napkin. Pahamak 'yan sa buhay mo."
"Ha ha ha." She laughed sarcastically.
I laid down with eyes opened.
"Yung blue jar." Napatayo ako at naghilamos saglit.
Tumungtong ako sa isang upuan at inabot ang shelf na merong blue jar. Kinuha ko rin yun at tsaka bumaba.
Nilagay ko sa loob ng jar yung note na nakuha ko. Itinago ko, para if ever na may maghanap, mababalik ko pa.
Ginawa kong messy bun ang buhok ko at bumalik sa kama para matulog.
Tinignan ko muna yung poster ni Andrew Garfield, ang gwapo gwapo. Napapadyak ako. Naiinis ako, ayoko ng ganitong feeling.
So close yet so far.
The note flashed, yeah, close yet far.
Sino kaya sya?
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky