August 1, 2014
Three days before Chill's birthday.
Three days before, malapit na sana. Malapit na yung surprise ko. Pero bakit ako yung nagulat? Ako yung nanghihina ngayon. Bakit gano'n? This is definitely not a birthday gift! Hindi pwede.
"We're sorry, but when we scanned it again, the tumor just lurked. It hides for a long time but attacks the parient sa time na bumalik ulit ito."
Kagabi, tinawagan ako nila Tita. Akala nila mawawala na si Chill. Akala nila susuko na sya. Tinitigan ko sya, for almost one month na araw-araw ko syang nakikita, ngayon ko lang napansin na ang payat nya na. Sobrang putla nya na.
"Sorry, Mrs. Gonzales. But meds and chemotherapy aren't curative anymore."
Ano'ng sinasabi nila? Na dapat nalang naming intayin na mawala nalang sya?
Napaka-unfair naman. Sobrang unfair.
"Doc, please try to do everything."
"We're doing our best that we can Ma'am, we're trying to do anything. I'm sorry. Excuse po, tawagin nyo nalang po ako kapag kailangan nyo pa 'ko."
Niyakap ko si Chill. Wala nanaman syang malay. Gumising ka nalang, please. Gising ka nalang.
Lumapit ako kay Tita habang umiiyak at niyakap ko sya. Sobrang bigat ng pakiramdam nya. Hindi parin sya tumitigil sa pag-iyak. Lahat kami sa kwarto, hindi na namin alam ang gagawin.
Nakita ko si Kuya Luxe na lumabas, si Tita naman, niyakap si Tito. At si Chill, hindi parin sya nagigising.
"Kukuha muna po ako ng gamit. Magbabantay na rin po ako." Pagpapaalam ko. Tumango lang sila at lumabas na ako.
Naghintay ako sa labas para magpasundo. Mag-aayos lang muna ako sa bahay. Magapapahinga sandali, at babalik sa ospital. Nakakapagod, pero alam kong may dahilan.
--
Nakabalik ako sa ospital, pero tulog parin sya. Ngumiti naman ako kay Tita. She smiled bitterly, at ilang minutong tahimik sa kwarto, walang kumikibo at may kanya-kanyang ginagawa.
"Anak," Mabilis na napatingin kami kay Tita ng lumapit sya kay Chill.
Gising na pala sya.
Niyakap sya ni Tita ng mahigpit habang lahat kami, pinipigilan ang iyak. Lumapit na rin ako ng sunod at umupo sa upuan na katabi ng kama nya.
"Bakit umiiyak si Mama?" Tanong nya sakin ng seryoso.
"N-Nag-alala lang. Umatake nanaman kasi kagabi y-yung tumor mo." I lied.
I'm a great liar. He should know everything. Kasi siguro, tungkol sakanya ang pinag-uusapan. Pero I'd rather be the one counting the days left than him. Ayokong makita sya na nalulungkot dahil ilang araw nalang ang natitira. Year, months, weeks, days, hours, or even seconds. Wala akong pakiealam. I'd stay with him and cherish the moment left. I want to leave a smile planted on his face sa oras na mawawala sya. Hindi ko pa tanggap, pero hindi ko na alam ang iba ko pang dapat na gawin but to accept it.
"Autumn, ayoko na. Susuko na 'ko." Tumingin ako sakanya, umiiyak sya.
Lahat kami sa kwarto umiiyak na. Bilang lang ng kamay ko ang mga oras ng pag-iyak nya. Hanggat kaya nya, pinipigilan nya. But why not now, Chill? Bakit hindi mo pinigilan.
Sobrang sakit na ng lalamunan ko dahil pinipigilan ko ang umiyak pa lalo. Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin na mahal ko sya. Nakatingin sya sa binatana, habang sinasabi nya lahat. Lumapit si Tita at niyakap nya ng mahigpit si Chill. I broke down. Tears started flowing on my cheeks.
"Ma..."
Niyakap nya si Tita kahit sobrang nanghihina na sya. Ang putla at ang payat nya. Iyak parin sya ng iyak. Kahit si Kuya Luxe ay alam kong pinipigilan ang pag-iyak. But who could stop those damn tears from flowing?
"Ma, pagod na po ako... Tulungan nyo 'ko, please."
That was the time I really broke down. I'm falling apart. I'm breaking into pieces.
He never asked for help, sa tagal na kilala ko sya. Pagod na pagod na sya. And the pain that I can feel right now is precisely just a bit of what he is feeling. Ayaw nya pang sumuko, alam ko. Kaya nya pa. Kailangan nya lang ng tulong namin.
Tumingin ako and Tita Celestine kissed his head. Nakayakap sya kay Tita ngayon, sobrang bigat ng nararamdaman ko para sakanila. Hindi ko na kaya.
"Excuse me lang po."
Tumakbo agad ako palabas ng ospital. Gusto ko munang lumayo. Kahit saan. Gusto ko lang mapag-isa. Umupo ako sa isang bench, kumuha ng bulaklak, at parang tangang nakatingin doon. Isa, dalawa, tatlo... Ilang oras akong inabot doon mag-isa.
Nawala ako sa pagkatulala, dumidilim na. Kailangan ko ng bumalik.
"Autumn."
"H-Humprey?"
Hindi na 'ko nag-isip kung namamalik-mata lang ako pero niyakap ko na agad sya. Hindi ako nagkamali. It's him. Sya 'yon.
"Mahal na mahal ko sya Hump... Ayokong mawala sya."
"Hindi ko kaya."
Iyak ako ng iyak habang hinahagod nya ang buhok ko. Kahit konti ay nakaramdam ako ng compassion. Nandito sya, hindi sya galit sakin, at dinadamayan nya pa rin ako kapalit ng mga ginawa ko sakanya.
"I heard what happened." May awa sa mga salita nya.
Inabot nya ang panyo nya at pinunasan ko ang mga mata ko.
"Since when did you come back?" I asked.
"Nung isang araw lang,"
Namamaga pa rin ang mga mata ko, pakiramdam ko anytime ay babagsak nalang sila.
"Hatid na kita."
Hindi nya 'ko tinanong pero nagulat ako ng alam nya na kung saan ako ihahatid. Hinatid nya pa 'ko sa tapat ng kwarto ni Chill at ng pumasok ako, umalis na kaagad sya.
Hinawakan ko ng mabuti ang kamay ni Chill. Pinisil pisil ko 'yon habang nakapikit at kinakantahan sya.
The morning will come,
In the press of every kiss
With your head upon my chest.
Where I will annoy you,
With every waking breath
Until you...
Decide to wake up.My tears fell as I hug him.
"Stupid, Chill."
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionLeaves start to fall, Flowers start to wither. But memoirs will last forever. ---- © Itsmeflonky